Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

January 15, 2014

Dear Diary,

Dahil sa nangyari kahapon, maghapon akong hindi kinausap ni Migs. Sinundan nya lang ako ng tingin na kung pana lang, baka kanina pa ako nalugmok sa sahig, duguan. I did not apologize to him. Why would I? Gusto ko nga 'yang ganyan para tigilan nya na ako.

Si Jessica, isa pa ring pikon sa 'kin dahil sa ginawa ko. Todo pangaral ba naman sa 'kin!

"Ayan! Kaya ka NBSB e! Nagtaka ka pa talaga? Kapag wala, hintay ka ng hintay. Kulang na lang e maglakad ka ng paluhod sa simbahan para madinig ng Diyos ang panalangin mo tapos kapag ibinigay na, iwas ka ng iwas! Kung hindi ka ba naman tanga! Andyan na o! Lumalapit na, lumalayo ka pa! Kapag 'yan napikon sa 'yo, bahala ka!"

Tinamaan ako sa sinabi nya, diary. Kasi ganun talaga ako. Umiiwas ako kapag nandyan na. Nakakatakot kasi. Noong una, gusto mo kasi mukha namang hindi mo makukuha. Tapos kapag nandyan na, parang... parang ewan! Basta!

I guess we humans just love the chase, when we're caught by someone who's chasing after us, ayaw na natin.

 

Medyo na-guilty,

Ingrid

P.S. Katrabaho ko pala si Lester, sa ibang department lang. Sabay kaming umuwi kanina!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro