Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

January 14, 2014

Dear Diary,

This is it... the apocalypse. Migs asked me again. Eeeep! Nag-undertime ako. Sabi ko sa boss ko, masama ang pakiramdam ko. Ayon, lusot. Umuwi ako agad.

This can't happen, diary! Hindi ko gusto si Migs! **insert iyak**

Bakit hindi ko sya gusto? Nasabi ko na, di ba? I don't exactly know.

Anyway, gumala ako sa Glorietta kaninang hapon. Namili na rin ako ng groceries kasi wala ng stock sa bahay. Nang umuwi ako ulit galing don, ang dami kong dala. My friendly neighbor helped me with them. Ang gentleman ni kuya. Bagong lipat pala sya sa boarding house na katabi noong amin.

Kung si Kuya pa ang mag-aaya sa 'kin, sasama ako.

Alam mo 'yong feeling na may isang tao talagang hindi mo gusto at ayaw mong i-consider na subukang gustuhin? Si Migs 'yon diary.

Hindi ko rin alam kung bakit.

May bagong addition sa listahan,

Ingrid

P.S. Lester name nya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro