Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

February 9, 2014

Dear Diary,

Kumakabog ang dibdib ko kanina sa bahay pa lang. Na parang anytime aatakihin ako sa puso. Ang OA ko lang kabahan! Gustuhin ko mang sabihin sa kanya na nagkasakit ako bigla o may nangyaring aberya, alam ko namang mararamdaman nyang iniiwasan ko sya. I know he won't buy any excuses. Maybe I owe him an explanation, diary. And after this, hindi ko na alam.

Pumunta ako sa meeting place namin, hitched my breath when I saw him waiting. I tried to ignore tha fact that he looked great today. Yung gray shirt nya, medyo yumayakap sa katawan. Pati 'yong black jeans nya. I don't want to admit that his body looked so toned. Nakakalaway, diary!

Ang cute rin nya kasi nakasuot sya ng beanie na kulay gray. May nakasuksok na headphones sa tenga nya and he was looking at his phone so hindi nya ako kaagad napansin. Nang maupo ako sa tabi nya, saka lang sya naging aware na nakarating na 'ko.

He just said hey, not smiling or even pleasant. Mas lalo tuloy nagwala ang nerves ko. We went to Starbucks to have coffee. Gutom ako kanina pero nang makarating ako sa meeting place, parang may bloke bloke ng yelo sa tiyan ko so I was glad na hindi nya ako inayang kumain ng heavy meal. I don't think na mauubos ko rin yun.

"What the hell is the deal with you?" he asked over coffee. His voice hinted irritation, one that he didn't try to hide by his facial expression.

I ended up staring at my cinnamon roll for a good 5 minutes bago nya itinunghay ang mukha ko. Dinaig pa ng touch nya 'yong sipa ng kape na inorder ko. I jolted and that made him smirk. And then that smirk turned to laughter.

"You are so into me!" natatawa nyang sabi. Ang lakas pa, diary! Nakakahiya sa mga nakarinig! I caught one foreigner [babae] smiling to herself dahil sa sinabi ni Migs.

Acchk!

Pilit kong itinanggi ang akusasyon nya [akusasyon talaga?] pero wala. Masyado kasi syang self-absorbed, ayaw nyang maniwalang hindi ko sya gusto. Siguro kasi hindi rin ako naniniwalang hindi ko sya gusto?

Pero diary, I have to admit... ang saya ko kanina. I had a great time not because nilibre nya ako ng kape at cinnamon roll but because I was with him.

Sincerely,

Ingrid

P.S. Good luck sa 'kin bukas. HAHAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro