February 8, 2014
Dear Diary,
Inaya akong lumabas kagabi nina Lester at Jess. For sure naman na puputaktehin nila ako ng tanong pero sumama pa rin ako. And then pinutakte nga nila ako ng tanong. Nag-inuman kami sa isang bar sa BGC. Doon ko ibinuhos lahat-lahat.
Natanggap ko na lahat ng klase ng mura. Pinakamarami 'yong gaga, tanga at tangina mo, Ingrid. Kung siguro kutsilyo ang mga salitang 'yon, hindi na ako aabot sa ER. Baka DOA na ako or dead even before arrival.
Sabi nila wala raw masama kung susubok ako pero natatakot nga ako. Bakit ako takot? Hindi ko rin alam. Siguro dahil hindi ko alam yung feeling ng may karelasyon? Siguro sa sobrang late kong mag-bloom, napag-iwanan na 'ko ng panahon?
Nagpakalango kami sa alak, diary. Para ngang namanhid na ako sa dami ng alcohol na nainom ko.
Ang masaklap, tinawagan nila si Migs para ipahatid ako pauwi. Alam kong ang daldal ko kagabi, diary. Hindi ko na matandaan ang mga pinagsasabi ko rito pero alam kong sobrang all over the place ako.
Earlier this morning, I got a text message from him telling me to take care of myself, drink this and eat that and take a long, good rest.
At ang pinakamasaklap?
"We'll talk tomorrow."
I'm dead,
Ingrid
P.S. Pwede bang online ang pagpapasa ng resignation letter? lol
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro