February 4, 2014
Dear Diary,
Hindi sinagot ni Migs 'yong email invite ko. Ang taray ng lolo mo. Gusto in person! At gusto 'yong parang nagmamakaawa pa ako! Ipinaglakasan pa nya 'yong "Ini-invite mo 'kong manuod ng sine?" para marinig ng officemates naming usisero't usisera. Gago talaga nya.
Ang dating tuloy sa kanila, ako ang nag-aayang makipag-date sa kanya. Hindi naman kasi nila alam 'yong buong kwento e. Kaiyak! Pero worth it na rin kasi pumayag naman sya.
Nagkasundo kami na treat nya 'yong dinner kasi nakabili na ako ng tickets. Sabi nya, sa totoo lang daw, hindi nya pinanuod yung Robocop kasi nairita sya sa 'kin. Sayang lang daw ang ticket na binili nya. Halos 1K rin yun!
Anywho, nang matapos na kami sa panunuod at nagdi-dinner na kami, he open up something about Marion. He said that if I wanted to be with Marion, then I could have just told him. Marunong naman daw syang tumigil kapag ayaw talaga sa kanya ng babae.
Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kanya, diary. Hindi ko talaga alam. Gusto ko kasi si Marion pero... gusto ko rin si Lester. Ganung level. Naghahanap lang naman ako ng pwedeng pag-direktahan ng feelings para hindi ako tuluyang mahulog sa kanya.
The more, the merrier. Mas mabuti na ang maraming crush para hindi ka tuluyang mahulog sa isa. Doon kasi nagsisimula ang problema. Kapag nagkagusto ka sa isa.
Nagsisimula nang mamroblema,
Ingrid
P.S. Please... I need another diversion.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro