February 3, 2014
Dear Diary,
As expected, hindi na naman ako nag-eexist sa buhay ni Migs ngayong araw. Lampasan kung lampasan ang tingin. Ang tindi nya talagang magtampo. Dinaig pa 'ko sa kaartehan. Pero hindi ko rin naman sya masisi kasi kasalanan ko rin naman talaga. Sana kasi tumanggi na lang ako noong una pa lang. Bakit kasi hindi ko ginawa?
Ah.. kasi sinabi nya nga palang nakabili na sya ng ticket. Syempre nanghinayang ako, ano. Pero nakaka-guilty talaga lalo na nang kinwento ako ni Marion tungkol sa movie sa harap ni Migs. Ang awkward, diary. Gusto ko ngang hilahin palayo itong isa pero wala naman itong clue sa nangyayari.
Pa'no ba ako makakabawi nito kay Migs? Baka isumpa na ako nito ng tuluyan. Halaaaa. Kung kelan naman hindi na ako naiilang sa kanya, kung kelan friends na kami, saka naman sya nagkakaganto.
Ayain ko kaya syang manuod ng movie bukas? Sige. Aayain ko na nga lang sya. Libre ko pa kung trip nya kaso baka hindi IMAX. Gabi na rin kasi kaming makakalabas ng office. Traffic pa papuntang MOA e dun talaga magandang manuod.
Tanggapin kaya nya ang iinvite ko, diary? Knowing him, alam kong mag-iinarte pa sya. Peste. Bakit feeling ko ako yung nanliligaw? Kaloka sya. Feeling chix!
Hoping for tomorrow,
Ingrid
P.S. Ang mahal ng tickets a! I purchased them na online. Sana pumayag sya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro