Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

February 28, 2014

Dear Diary,

We're all ready to go. Diretso na kami from the office pauwi sa amin. Migs urged me to tell more about Kuya Paul. Ughhhh. Na-relive ko tuloy ng wala sa oras yung mga pagpapapansin ko noon kay Kuya Paul. High school ako noon. College naman si Kuya Paul. Pero iisang school lang kami noon. Private institution na simula elementary hanggang college ang ino-offer. Ayun, dahil sikat at gwapo si Kuya Paul, nagka-crush ako dito.

Ang kaso hindi ito nawalan ng girlfriend. Ngayon lang. Well, that's what I heard.

Baka kasi mabuhayan ako ng pag-asa kaya ayaw ko itong makita.

Lester already has the hots for Kuya Paul sa kwento ko pa lang. What more kung makita nya ito? Gosh. I just hope Kuya Paul is still straight. Naging girlfriend nito yung hitad kong pinsan e. Kaso hiniwalayan din nito agad nang malaman na tinu-two time sila.

Hitad talaga yun.

Anyway, diary, we have to go na. Kailangan kitang itago ng bongga kasi lagot ako kapag may ibang nakabasa. Sana lang walang makialam ng gamit ko. Hehe...

Travelling with friends,

Ingrid

P.S. Puno na agad ng pictures ang camera ko, nasa bus pa lang kami!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro