Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

February 27, 2014

Dear Diary,

Patay na. May balat ba 'ko sa pwet, diary? O baka ikaw naman ang jinxed? Bakit nung binanggit ko sa 'yo ang pangalan ni Kuya Paul, bigla na lang syang nag-tag ng status sa 'kin, tinatanong kung tuloy daw ba ang pag-uwi ko?

Nakita tuloy ni Migs. Kinulit-kulit ako kung sino si Kuya Paul. When I told him na first love ko si Kuya Paul, nainis na naman sya. Baka raw ginagawa ko lang excuse yung pinsan ko kaya gusto kong umuwi when all along, si Kuya Paul naman ang gusto kong makita.

E hello! Ayoko kayang umuwi! Kainis.

Ipinagkalat kasi ng mga magagaling kong pinsan na uuwi ako. Ngayon, halos buong baranggay na ang may alam.

Ayoko nang umuwi, diary. Nakakabadtrip! Ang kaso, nakapangako na 'ko kina mama. Gusto rin nilang makilala si Migs. Sabi pa nga sa 'kin ni mama sa phone, "Mabuti naman anak! Muntikan na kaming mawalan ng pag-asa ng tatay mo."

Grabe sila.

Ayokong umuwi,

Ingrid

P.S. Sasama na rin daw pala si Jess.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro