Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

February 25, 2014

Dear Diary,

I finally told Migs about it. Nagulat ako nang sabihin nyang alam nya na. Piniem daw sya kahapon, iniimbita sa 'min. This coming weekend na ang gusto nila!

I have a bad feeling about it, diary. Baka nandun yung sobrang ganda kong pinsan na mahilig mang-agaw ng boyfriend. May pinsan kasi ako na nanunulot ng boyfriend ng may boyfriend. She already did it twice. Dun sa isa, okay lang. Pero dun sa isa ko pang pinsan, nagresulta sa gera-patani. Tatlong taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon, magkagalit sila.

Hitad nga ang tawag nila doon sa pinsan kong si Marinel e. Kaya naman nitong magkaboyfriend ng wala pang sabit. Ang kaso, mas trip nito yung nakatali na.

It's as if she's telling the world that any man would leave his girl to be with her. I know. Sick, right? And I'm afraid she'll do that with Migs. Marurupok pa naman sa malalandi ang mga lalaki. Ano ba naman ang laban ko dun e ang ganda nun? Ilang Linggo pa lang ang tagal ng relasyon namin ni Migs.

Oo, diary, siguro nga hindi pa buong-buo ang tiwala ko sa kanya. At oo, alam kong magagalit si Migs kapag nalaman nya 'to. Kaya sikreto lang ha?

 

Nag-iisip ng excuse,

Ingrid

P.S. Hindi ko alam kung magpapaganda ako ng bongga o pupunta ng underdressed. Kasi diary, sanay silang hindi ako maganda sa paningin nila. Isu-surprise ko ba?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro