February 24, 2014
Dear Diary,
Nag-ayos ako ng bongga today. I even wore my newly bought dress. Nag-make up pa ako. Wala lang, diary. Feel ko lang magpaganda. Aba, may boyfriend na 'ko e. Di na pwede ang slouchy getup!
It was very satisfying naman. Speechless si Migs e. Oha! Hehe... Parang nakakataas ng confidence kapag tumitingin sya sa 'kin ng ganun. Kulang na lang maglaway sya. Sabi nga ni Lester, plakada raw ang getup ko. Dapat daw ganun na akong manamit araw-araw para hindi na makatingin sa ibang babae si Migs. He even offfered to help me set up a new wardrobe.
Si Jess, tuturuan akong mag-makeup! Bongga ng fashion consultants ko. The nice part of it was, walang bayad. Basta kailangan ko lang daw magpaganda at magmukhang babae. They also taught me how to play with my features. Maiksi kasi ang buhok ko kaya mahirap maging girly. Kaya tinuruan na lang nila ako ng iba't ibang ways ng pagmi-makeup. Merong light lang, merong super smoky eyes and the likes...
From now on, dress andd skirts na ang isusuot ko. Maghi-heels na rin ako ng mas madalas kahit masakit sa paa. Pasasaan ba't masasanay rin ako? Haaaay... the things we do for love. Ang cheesy mang pakinggan...
Well, anyway, may isa pa akong problema. One of my cousin's friend saw our pictures on Facebook together. Sinabi nito sa pinsan ko tapos ipinagkalat sa mga kamag-anak ko and now they're urging me to bring him home to meet the whole clan. Ugh.
Feeling queasy,
Ingrid
P.S. Watudu???
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro