Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

February 2, 2014

Dear Diary,

Umaga kami nagkita ni Marion. Pagkatapos naming manuod, nag-aya syang mag-lunch. Sobrang na-conscious nga ako sa oras dahil anytime ay tatawagan ako ni Migs.

After ng lunch namin ni Marion, nag-aya pa syang gumala. I obliged dahil hindi naman tumatawag si Migs. Hanggang sa gumabi na. Marion and I had dinner and then he took me home and thanked me for spending the day with him.

I texted Migs and asked why he didn't come.

Alam mo ba ang reply nya? Syempre hindi. Sabi nya "Sana sinabi mong may kasama ka na pala panunuod. E di sana hindi na lang ako umasa."

Nakita nya pala kami, diary. Nagi-guilty na naman tuloy ako. Bakit ba kasi ang lakas kong maguilty pagdating sa kanya? Nakakailan na ako, diary. Alam kong palagi ko na lang pinapasama ang loob nya. Gusto kong mag-sorry pero hindi ko magawa kasi nahihiya ako. Para tuloy ayaw ko nang pumasok bukas.

Guilty pa rin,

Ingrid

P.S. I might hate Robocop for this. Bad experience. Bad memory. Tsk.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro