December 30, 2013
Dear Diary,
Holiday ngayon kaya as usual, wala na naman akong gagawin kundi humilata. Harujusme! Kailan ba naging exciting ang buhay ko? Well, last week. Pero that's not the point. Ano ba ang dapat kong gawin para maging makulay naman ang 2014 ko? Kailangan ko ba ng makeover? Pinapauwi na naman ako sa 'min. Hinahanap daw ako ng mga pinsan ko.
Kasi naman, ilang araw na nila akong tinatawagan pero hindi ako sumasagot. Hinayaan ko na lang mamatay ang phone ko kakatawag nila. Alam ko na kasi ang sasabihin ng mga 'yun.
"Insan, magpapalit na naman ang taon pero wala ka pa ring boyfriend?"
"Insan, malapit ka nang mag-trenta, wala ka pa ring papa?"
Tapos susunod na dyan ang mga virginity jokes na nakapagpapapanting ng tenga ko. Akala naman nila papatulan ko 'yung suggestion nilang magpaanak na lang ako. At least daw may anak, kahit walang asawa. Mahirap daw kasing mag-buntis kapag nasa 30s ka na.
Jusme! Hinding-hindi ko gagawin 'yun. Sino ba naman ang gugustuhing magpalaki ng palamon nang wala ka namang makakatulong sa pagpapalamon?
Magpapagupit na lang ako, diary. Ge.
Looking for a new life,
Ingrid
P.S. Bagay kaya sa 'kin ang pixie cut?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro