December 29, 2013
Dear Diary,
There are so many men in my life but I'm not in theirs. Bakit ganun, diary? Ang fail fail fail ko. You know what's funny? I was on the verge of considering Migs as my possible Mr. Right but it looks like he's also taken. Nakita ko 'yung stat nya kanina sa FB. In love na yata ang mokong.
Okay. So wala na talagang lalaki para sa 'kin? Kailangan ko na pa namang magmadali dahil sa panahon ngayon, hindi lang kapwa ko babae ang kaagaw ko sa mga lalaki.
Nakakatakot pa, diary. Karamihan sa mga nauunang magka-boyfriend e ang babata pa. 'Yung tipong hindi pa nararanasang masabitan ng medal ng magulang e buntis na. Hindi ba pwedeng paunahin muna nila kaming mga malapit nang mag-trenta?
Ang unfair, diary. Dapat by age ang pakikipagrelasyon. Dapat may rule na ganun e. Uunahin muna 'yung matatanda! Kainis!
Kanina nagsimba ako sa Glorietta. Ang dami kong nakitang magkaka-holding hands na lalaki. Bakit ganun? Parang nagiging alien na ang mundo. I mean, hindi naman ako against kaya lang hindi rin ako in favor. Aba, kaming mga babae rin ang nadedehado!
Diary, kailangan kong magka-boyfriend this coming 2014! Golden anniversary nina Itang at Inang next year. December 'yun kaya tuloy reunion. Isa ako sa mga pinakamatanda sa magpipinsan at ako na lang sa age range ko ang walang asawa o boyfriend! Next year, 3 years na lang bago ako mag-trenta.
Watudu, diary, watudu? Alam mo bang sumagi na sa isip ko ang pumikot ng lalaki? Hahaha... Nakakainis kasi. Lamoyun? Di ko alam kung ano'ng mali sa 'kin.
Sadya lang ba talagang late bloomer ako? 'Yung tipong magbu-bloom kapag malapit nang ma-expire? Kaloka! Pinalampas ko ng ilang taon. I patiently waited for my turn, diary. When will it be my time? Sana naman before 30, magka-boyfriend man lang ako.
Sawang-sawang-sawa na akong maghintay!
Tired of waiting,
Ingrid
P.S. Panghal na!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro