December 28, 2013
Dear Diary,
OWMAYGHAAAD! NAKALIMUTAN KONG PUMASOK KAHAPON! HAHAHAHA...
Akala ko kasi weekend na! As in Saturday! Ilang beses akong tinawagan ng boss ko kahapon! Tulog na tulog ako! Nakasilent pa ang phone ko kaya gabi na nang mabasa ko 'yung message nya at nakita ang napakarami nyang missed calls. At dahil absent ako, diary, pinapasok nya ako ng Sabado. Lahat daw ng deliverables ko kahapon, ngayon ko i-deliver.
Okay lang naman kasi hindi raw nya ika-count as absence yung absence ko kahapon kung ngayon ako papasok. Kaya pumasok ako. At parang nakakatanga lang. Nasa office rin si Miguel (a.k.a. Migs). Feeling ko talaga may gusto sa 'kin 'yun e.
Palagi syang nandun. Hmmm...
Lumipat ako ng pwesto para hindi nya ako guluhin. I was kinda expecting him to move next to me or alaskahin ako maghapon. They didn't happen. Pero in-e-mail nya 'ko asking me kung kakain daw ba ako. Nang tanungin ko sya kung bakit at kung ililibre nya ba ako, alam mo ba ang sagot nya?
"Hindi. Magpapabili akong food."
Asdfghjjkl!
Ang kapal lang diary! Pero since trip ko rin namang bumaba ng building para bumili ng pagkain, isinabay ko na rin sya.
Lilima lang kami sa office, diary. Si Sir Neels, si Migs, ako at dalawang hindi ko kilala. Plus sina kuya guard at sina ate na naglilinis ng office tuwing Saturday. Medyo boring kaya nanuod na lang ako while doing all my pending works.
Nang pauwi na ako, diary, nakita ko ulit si Indiano! Naka-collared shirt lang sya, khaki shorts saka loafers. Ang ganda talaga ng mata nya. Saka alam mo ba? Natatandaan nya 'ko! Yay!
"You're the googly eyed girl who was ogling me the other day!"
Odiba. Sounds like patay na patay ako sa kanya. LOL. Pero nakakatuwa syang kakwentuhan. He even invited me to dinner. See? Nakalibre ako ng dinner! Hehe... Kaso lang babalik na sya ng India next year. Parang inassign lang kasi sya rito for a year tapos babalik na sya dun for a few months tapos sa ibang bansa naman the next. Ayun...
Early January daw ang alis nya. I guess I have to cross him off my lift then. If you're gonna ask about the list, well... naglilista kasi ako ng mga lalaking may possibility na maging boyfriend ko. Wala lang. It's not really a big deal. I just like making lists.
Matagal na 'yung listahan ko. High school pa. Whenever nagkaka-girlfriend sila o nakakasal o di kaya ay nawawalan ng pag-asang (even remote) maging kami, I cross them off my list.
Pang-102 si Mr. Indiano, namely Keve Mashiya.
Si Paulo, crossed out na rin. Pang-74 sya.
Kakauwi lang,
Ingrid
P.S. Si Migs? Nah... I dare not include that guy on my list. Pero tingin mo dapat ko na ba syang idagdag?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro