December 27, 2013
Dear Diary,
It's Friday once again. Weekend na naman. Mapapanis na naman ako sa bahay. Ano naman ang pwede kong gawin? Facebook na naman maghapon? Yeah, right. Heto pala... gawain: sumulat sa diary pagkagising sa umaga. Alam mo kung bakit ang aga kong magkwento? Syempre hindi, magkikwento pa lang kasi ako, di ba? Malamang hindi mo pa alam ang ikikwento ko.
Okay, sorry kung ikaw ang sinisinghalan ko. Nakakairita kasi yung panaginip ko. Ikakasal daw si Migs saka yung girlfriend ni Paulo. Tapos yung Indiano 'yung pari. Tapos ako 'yung bridesmaid at si Paulo ang best man. O di ba? Ang gago lang!
Tapos tumutol daw ako. Sa isip ko raw nun, mali... kasi si Paulo dapat ang ikakasal sa girlfriend nya. Pero iba ang lumabas sa bibig ko. Tumututol ako kasi gusto kong ako 'yung bride!
Arrrrgh!
Kairita! Buti na lang sabi nila, opposite daw ng reality 'yung panaginip.
Ayun lang naman ang ikikwento ko, diary. Sige, hihilata muna ako maghapon. Ang boring!
Tinatamad,
Ingrid
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro