December 26, 2013
Dear Diary,
May pasok na naman. Yay! Saya di ba? Pasko lang ang pahinga. Tsk. Hindi ako okay. Makikita ko na naman si Paulo. Nakita ko sa FB nya kaninang madaling araw yung post nya kahapon. Sinagot na sya ni girl (as if naman tatanggihan sya). Ikakasal na sila. Naiiyak ako, alam mo ba? Gusto kong magpakalango sa alak.
Inuuntog ko nga kanina 'yung ulo ko sa dingding ng elevator. Tapos may narinig akong nagsalita.
"Hey miss, stop that."
Paglingon ko sa kaliwa ko, isang Indiano ang nakakunot ang noo sa 'kin. Maitim sya diary, kagaya ng ibang Indiano pero hindi sya amoy-sibuyas. Normal lang ang amoy nya. Itim na itim ang buhok nya pero wala syang bigote (hindi kagaya nung ibang Indiano na madalas kong makita).
Defined ang jawline nya. Ang ganda ng mata. Malantik ang pilik-mata nya tapos ang ganda ng kilay. Medyo makapal pero lalaking-lalaki ang dating. Tapos ang tangos ng ilong!
Mukha akong tanga kanina, diary! Nakatitig lang ako sa kanya ng ilang minuto (e dadalawa kaming sakay nun). Tinawanan nya ako. Sabi nya, "Am I that handsome?" with Indian accent.
Shet! Di ko alam ang isasagot ko kaya tumingin na lang ako sa pader sa kanan ko.
Well, yun lang so far ang magandang nangyari sa araw ko. Walanghiya si Migs, diary. Ipinakita pa sa 'kin yung post nung girlfriend ni Paulo na picture (naghahalikan yung dala). Tangina. Sarap basagan ng laptop sa mukha!
At kelan pa sya naging alaskador, diary? Feeling close masyado!
Pero ang gwapo talaga nung Indiano. Hihi. Hahuntingin ko na lang 'yun para 'yun na lang ang crush ko. Mukha namang bata pa e.
Wala akong complimentary clause,
Ingrid
P.S. Tingin mo crush ako ni Migs? Wala lang. I'm getting that vibe e.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro