December 23, 2013
Dear Diary,
Hindi ako totally mag-isa sa office today. Seems like all my luck suddenly evaporated into thin air together with my Christmas spirit. Dalawa sa mga taong ayaw kong makita ang nakita ko today. Si Paulo... at si Migs.
Ayaw kong makita si Paulo dahil nagi-guilty ako sa nangyari. Katuwaan lang naman 'yun pero syempre, iba pa rin sa paningin ng girlfriend nya. Sobrang selosa pa naman nun! Alam mo ba, dati, tinitext ako noon, tinatanong kung lalaki daw ba ako o babae.
Tapos nung nalamang babae ako, kung anu-ano na ang tinanong sa 'kin. Kung close daw ba kami ni Paulo, how often daw kasing magkasama. I mean—define PARANOID naman! Saka breach kaya ng company's security 'yung makuha 'yung personal info ng employee. Sinabi ko 'yun sa kanya. Na-guilty naman sya kaya sya nag-sorry. But I did not take my chances. Nagpalit ako ng number.
Nag-sorry ulit ako kay Paulo pero parang wala sya sa sarili. Nakipag-break daw sa kanya 'yung girlfriend nya dahil sa nangyari. OA talaga 'yun, diary. Makita lang nung may kasamang babae sa picture si Paulo, nag-aaway na sila. Hindi na rin bago na nag-break sila. Pang-ilan na nga 'to this year e.
Pero palagi rin silang nagkakabalikan. Ewan ko ba kung paano nakakatagal si Paulo sa babaeng 'yun!
Eto namang si Migs, last minute na nag-backout sa pagbabakasyon. Mas ginustong magtrabaho. Matutulog lang din daw naman sya sa Pasko e di mas okay na'ng magtrabaho na lang—may kita pa! Ayaw ko pa naman syang makita. Ewan ko. Masyado kasi syang pa-cool. Parang hindi apektado sa nangyayari sa paligid nya. He nearly comes off as mayabang for me because of that.
Anyway, sabi ni Paulo sa 'kin, 'wag ko na raw intindihin ang girlfriend nya. 'Wag ko na lang daw reply-an sa messages nito. Sya na raw ang bahala. Medyo nasaktan ako kasi girlfriend pa rin ang tawag nya dun. 'Wag ka. Never nya 'yung tinawag na ex. Spell COMMITMENT, dear diary?
K-A-T-A-N-G-A-H-A-N
Kung pwede nga lang sabihin sa kanya na kalimutan nya na lang 'yung ex nya tapos kami na lang e. Subok lang naman. Malay nya mag-work. Haha... pero malabong mangyari 'yun. Ang sabi nya kasi... makikipagbalikan daw sya. At alam mo 'yung sobrang heart-breaking, diary? Isu-surprise nya raw. Aayain nya ng magpakasal para hindi na magduda sa kanya.
Masakit, diary. Sobrang sakit. Para akong lutang na mantika kanina habang pababa ako ng elevator. Hindi ko agad napansin 'yung iniaabot na panyo ng kasabay ko.
Sa ngayon diary, I will need some time to nurse my broken heart. Walanghiya 'yang si Migs. Narinig nya kasi 'yung sinabi ni Paulo. Alam nyang tamado ako dun. Ilang oras nya rin akong tinorture bago ako nakauwi. At heto nga diary, I'm pouring my heart out to you. Wala kasi akong friends na mapapagsabihan ng kagagahan ko.
Iiyak muna ako. Till next time.
Broken-hearted,
Ingrid
P.S. I wanna die.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro