Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

December 22, 2013

Dear Diary,

Nahimasmasan naman ako nang maalala ko na wala na nga palang masyadong tao bukas. Lahat ay nakabakasyon na. Kahit si Paulo. Hoooo. So ligtas ako kahit papaano. May tumukso man sa akin, at least konti lang.

Hindi ko na nga pala binasa 'yung message ng girlfriend ni Paulo pero 'yung sa kanya e binasa ko. He said that he was sorry for dragging me into this mess and he also greeted me happy holidays. 'Yun lang.

Binasa ko 'yung message ni Migs. Tinatanong lang kung papasok ako bukas. Sabi ko, oo. Uuwi rin sya sa kanila so ako lang mag-isa ang nasa team namin.

Mabuti na lang talaga magpa-Pasko na! I hope Paulo's girlfriend is a bit more forgiving. At sana hindi sila maghiwalay (kahit gusto ko). Ayaw kong ako ang maging dahilan ng paghihiwalay nila.

Mawawalan ako ng pag-asa kay Paulo pag nagkataon! I heard na mahal na mahal nya ang girlfriend nya and he's already planning on asking her to marry him. (Isang malaking OUCH!)

Sweet, di ba? Huhu... Three years na kasi sila. 

Okay na rin siguro 'to. Sana nga ako na lang ang nasa office bukas para mapagnilayan ko ang mga ginawa kong kabutihan sa buhay ko. Baka kulang pa kaya minamalas ako ng ganito.

Haaays.

Sige Diary, ako'y maglalaba muna.

Medyo nakahinga ng maluwag,

Ingrid

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro