Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

December 21, 2013

Dear Diary,

I woke up with a hangover. Umattend ako ng party. Alas kwatro na yata ng madaling araw ako nakauwi. Bumaha na naman ng alak at isa ako sa mga willing na nagpatangay. Idagdag pa nating boss ko ang tanggero.

Malinaw sa alaala ko ang lahat ng nangyari kagabi. Sumali ako sa game, nanalo ng Bonchon GC, tumagay, nalasing, nabunot sa raffle at nanalo ng rice cooker. Tanda ko rin na nagkape kami sa Starbucks bago kami umuwi at libre pa 'yun nung kaopisina ko. Wala na kasi yata akong pera.

May isang pangyayaring noong una ay hindi ko alam kung totoo o guni-guni lang ng lasing kong utak. Body shot. Ako at si Paulo. Pinapagitnaan nila kami. Nakahiga sya sa lamesa, nakataas ang shirt... I gurgled that thought away together with the alcohol taste in my mouth with coffee. Tapos ay naligo ako at pagkabihis ay kinuha ko agad ang laptop ko para mag-online habang nagpapatuyo ako ng buhok.

Nagulat ako sa sumalubong sa akin.

Sabog ang notifs ko. Puro pictures at tags.

Pinakamarami ay 'yung body shot moment namin ni Paulo. Totoong nangyari! Parang bawat galaw ko, nakuha ng camera! At ang pinakamalala?

Nakita ng girlfriend nya. Ni-like ng girlfriend nya ang lahat ng pictures na 'yun. Ini-a-add ako as friend. At ang inbox ko ay may tatlong messages.

Sinilip ko iyon, through the drop down, I saw her name and under it was her raging message. Spell CAPSLOCK!

Under that was Paulo's message na hindi ko rin kinayang basahin so I left it unread.

The third was from Migs.

Nakakaloka, Diary! What have I done?

Kasalukuyang nababaliw,

Ingrid

P.S. Ayaw ko nang pumasok sa Monday! Magresign na kaya ako?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro