December 20, 2013
Dear Diary,
Biyernes ngayon. Last day of work. Holiday na next week pero hindi ako uuwi. Ayaw kong umuwi. Reunion kasi ng angkan namin sa Pasko. Ayaw kong makita 'yung tito ko (na tatlong taon lang ang tanda sa akin—h'wag mo nang itanong, mahabang kwento). Crush ko 'yun dati pa... kaso kamag-anak ko sya e. Saka ayaw ko ring makita ang mga pinsan ko. Nakakainis kasi sila.
'Yung mga kaedaran ko e kung wala pang anak, may mga asawa, boyfriend o manliligaw naman. Ako ang namumukod-tanging pinagkaitan ng love life.
Hindi naman sa nagmamadali ako kaya lang alam mo 'yung pressure? Alam mo bang tuwing magkikita-kita kami, tinatanong nila sa akin kung may boyfriend na ba ako, kelan ako mag-aasawa at kung tomboy ako!
Imagine! Wala lang boyfriend, tomboy na agad? Di ba pwedeng wala lang pumapatol?
Okay lang naman sa akin ang walang boyfriend e. Gusto ko lang naman na kahit man lang malaman kong may nagkakagusto pala sa akin. Kahit 'yun lang.
Kaso wala. Well, Migs doesn't count.
Si Migs kasi 'yung tinutudyo ng mga officemate ko sa 'kin. Bagay daw kami. E natural sasabihin nila 'yun kasi sa team namin, kami lang dalawa ang single!
Gwapo naman si Migs (okay—siguro OA 'yung gwapo). I mean, he's alright. Matalino rin, ganyan pero... ayoko sa kanya.
Gusto ko si Paulo, 'yung officemate kong ang lakas ng dating. Kaso... may girlfriend naman.
HAAAAY LIFE... why so saklap?
Nagtatampo sa buhay,
Ingrid
PS. May party kami mamaya. Pupunta ba ako? Hmmm....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro