Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

April 26, 2014

Dear Diary,

Ang gaan talaga sa pakiramdam ng wala kang itinatagong sikreto. I am more open to Migs now. Since alam nyang buntis ako, katulong ko na sya sa pag-aalaga ko sa sarili ko. Sabi nya starting next week, bawal na raw akong mag-overtime. Sya na lang ang gagawa nun.

Tinulungan nya rin akong maglinis ng apartment ko. Para raw healthy ang environment. Diary, parang mas babae pa sya sa 'kin 'no? Ako kasi, sanay mag-isa so wala akong pakialam kung marumi ang paligid ko. But he's right. Hindi na ako nag-iisa ngayon.

I should put my baby's welfare before my own.

"Siguro ang tingin mo sa 'kin ngayon... disgrasyada," sabi ko sa kanya.

"Bakit naman?"

"E kasi, first boyfriend kita tapos ganito. Parang ang cheap-cheap ko."

Madalas kong isipin yun. Siguro ganun ang magiging tingin sa 'kin ng ibang tao kapag nalaman nila. Kaya ayaw ko ring ipagsabi e. Ilang buwan pa lang into a relationship tapos buntis agad. Wow. Ang bilis namang bumigay. Iniisip ko nga kung ganun din ba yung iisipin ng pamilya ko sa 'kin.

Medyo tradisyunal pa naman sila. Kahit nga si Eliza na sobrang landi, baby-free pa rin ngayon. I should have been more careful.

"Ilang taon ka na, Ingrid?" tanong nya.

"Twenty-eight."

"Magkano ang salary mo per month?"

"Confidential yun!" Kahit naman boyfriend ko sya, I don't feel comfortable disclosing my salary with him. Either sampal sa ego nya kapag mas malaki ang kita ko sa kanya o mamatahin nya ako dahil mas maliit ang kita ko sa kita nya.

He rolled his eyes. "Sagutin mo na lang."

"Thirty-five thousand, tax included."

Hindi ko alam ang relevance ng mga tanong nya sa sinabi ko.

"You're old enough to have a baby. It's even considered late to conceive one around your age. And with your salary, kaya mong buhayin ang bata. Hindi ka disgrasyada. Kung tutuusin nga, dapat e may asawa ka na ngayon."

"So you don't think of me as cheap?"

"No. I never did."

And that, diary, was the reason I realized why I don't have to resent having his baby. Sure, it didn't happen the way I dreamed of it to be pero siguro may iba lang talagang paraan ang Diyos sa pagtupad ng mga bagay.

 

Finally able to accept things,

Ingrid

P.S. I still have to tell the whole clan. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro