April 25, 2014
Dear Diary,
Walanghiya talaga si Lester. Nag-aya ba naman ng night out! Feeling ko nananadya sya e. Sukat ba namanag mag-order ng maraming alak? Tapos ang sabi nya kay Migs, mag-one-on-one daw sila. Kami ni Jess, napurga sa juice.
"Bakit hindi ka umiinom? Buntis ka rin?" pabirong tanong ni Migs sa 'kin. Akala nya yata nag-iinarte ako. Nagkatinginan kaming tatlo nina Jess at Lester.
Hindi iyon nakaligtas kay Migs.
"Buntis ka?" maang nyang tanong sa 'kin.
Hindi ko pa kayang umamin, diary... kaya umiling ako.
"Gago ka ba? Syempre, hindi!"
"Ows? Sige nga, inumin mo 'to." Inabutan nya ako ng tequila. Pakshet lang, diary. Alam kong bawal uminom ang buntis pero wala akong nagawa!
Nailing na lang si Lester nang tunggain ko yung tequila. Pero pangako, hinding-hindi na ako iinom ulit!
"Gaga nito! Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sa kanya?" tanong sa 'kin ni Jess nang pumunta kaming CR.
"Ayoko pa. Natatakot ako e," sagot ko sa kanya.
"Saan naman?"
"Jess, ilang buwan pa lang kami. Nabuntis agad ako. Tingin mo, ano ang iisipin nya tungkol sa 'kin?"
"Sana inisip mo yan bago kayo nag-proceed sa paggawa ng baby, ano? Nandyan na yan e. Wala ka nang magagawa."
Maybe she's right. Okay lang naman sa 'kin kung magkaka-baby ako. Kahit hindi ako makapag-asawa, at least may baby ako. Pero si Migs kasi, bata pa. He's just 24 years old. Parang kulang pa ang experience nya sa buhay para mag-settle down.
Kung pipiliin nyang maging single for a few more years, okay lang sa 'kin. Ang ikinakatakot ko lang naman e baka hindi nya panagutan yung baby. Kahit pa sabihing nangako sya sa akin dati, iba pa rin kapag nandyan na.
Umiinom pa rin sina Lester nang bumalik kami sa pwesto namin. Mag-aala-una na. Kailangan ko na ring umuwi. Ayokong nagpupuyat masyado lalo na't buntis ako.
"Migs, pwede ba'ng ihatid mo na 'ko? Ala una na kasi."
Tumango lang sya saka tumayo. Nagpaalam na ako doon sa dalawa.
Nang makasakay kami sa sasakyan nya, narinig ko syang bumuntong-hininga. Yung mukhang malalim ang pinaghuhugutan.
"Tanga ka ba? Bakit mo ininom yung tequila kanina?"
"Ano namang masama? Para namang hindi ako sanay uminom," depensa ko sa kanya.
"Hindi mo ba alam na bawal sa buntis ang alak?"
Napanganga ako.
"P-Paano mo nalaman?!"
"Sinabi sa 'kin ni Lester."
Diary, at that very moment, I had the urge to run back inside the bar para sunugin ang makating dila ng kaibigan kong bakla. But Migs held my hand.
"Migs..."
He didn't say anything. He just leaned closer and kissed me.
Does this mean na tanggap nya?
Umaasang oo,
Ingrid
P.S. Sana hindi makasama sa baby yung alak. Isa lang naman e!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro