April 16, 2014
Dear Diary,
On the third day of SL, kailangang mag-present ng med cert so no choice ako kundi pumasok. Alalang-alala sa 'kin yung tatlo. I tried so hard to look normal pero malakas ang pakiramdam ni Jess. Siguro dahil buntis din sya.
Umiyak ako sa harap nya nang mapaamin nya ako. Pinipilit nya akong sabihin kay Migs pero wala pa rin akong lakas ng loob.
Nagmakaawa ako sa kanya huwag nyang sabihin. Sabi ko sasabihin ko rin, in time.
Meantime, akala ni Migs na galit ako sa kanya. Hinayaan ko na lang na isipin nya ang gusto nyang isipin. At least hindi nya ako pinipilit na kausapin sya.
Carefully treading on dangerous waters,
Ingrid
P.S. Sabi ni Lester blooming daw ako. Kung alam nya lang...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro