April 1, 2014
Dear Diary,
Kinantahan ako ni Migs through phone ng Dying Inside To Hold You.
"And I was dying inside to hold you
I couldn't believe what I felt for you
Dying inside... I was dying inside
But I couldn't bring myself to touch you"
Natawa na lang ako sa kakornihan nya. Sinabi ko kasi sa kanya kahapon na kailangan naming kontrolin ang mga sarili namin. He made a joke out of it. Pero chill lang kami. Hindi naman sya nagalit o ano. Sabi ko kasi sa kanya, feeling ko parang sobrang bilis ng mga pangyayari.
Para free fall, ganun. Baka mag-crash kami kung sakali kaya pigil-pigil muna. Pumayag naman sya pero kapag ako raw ang nag-initiate, hindi sya tatanggi.
Hahaha. Sira talaga.
Enjoying the fall,
Ingrid
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro