9. Enigma
MIRACLE'S POV
Para akong baliw ngayon na pagala-gala kung saan. Siguro, baka tumambay nalang ako sa Expressions. Magbabasa nalang ako ng mga libro do'n kaysa naman sa mapagod ako magpagala gala dito sa mall.
Pababa ako ng escalator nang mapansin ko ang isang pamilyar na tao. Agad akong naglakad pababa para siguruhin kung siya nga 'yon, at hindi ako nagkamali dahil si, "Lev, anong ginagawa mo dito?"
Napatingin siya sa'kin. Mukhang wala siya sa mood, hindi niya man lang nga ako nginitian e. Ano naman kayang problema nito?
"Parang kanina lang ang saya mo pa ah? Ano ba nangyari?"
Nakatitig lang siya sa'kin. Mukhang ewan 'yong kinikilos niya, ang weird.
"Wala 'yon!" biglang ngiti na sagot niya. See, ang weird niya talaga. Parang kanina lang ang seryoso niya, tapos ngayon sobrang saya?
"Hindi mo 'ko maloloko sa paganyan mo Lev ah. Sumagot ka, may hindi ba magandang nangyari sa inyo ng pinsan ko?" Nako, malaman ko lang talaga na may ginawa 'tong si Blaire kay Lev, patay talaga 'yon sa'kin!
"Alam mo, ang OA mo. Tara nga, tayo nalang dalawa."
What? Kami nalang?
"Tayo nalang?" lutang na pagkakasabi ko sa kanya.
"Oo, tayo nalang magbonding. Bakit ayaw mo ba?"
Aww, bonding naman pala.
"Siyempre naman gusto!"
"E 'yon naman pala e, edi tara na!"
Ang lapit niya masyado sa'kin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakaakbay siya. Naririnig niya kaya 'yong pintig nito?
Walang mapaglagyan ng saya 'yong puso ko habang magkausap kaming dalawa. Sobrang komportable ko sa kanya. Sa inaasal nga namin ngayon, kung hindi ko alam na kay Blaire siya may gusto, iisipin kong ako 'yong gusto niya.
"At dahil bonding natin ngayon, kumanta ka dapat!" tuwang tuwa na kantsaw ko sa kanya. Nasa Imagine kasi kami ngayon.
"E pa'no kung ayaw ko?" nakangisi na sabi niya. At talagang nilapit niya pa 'yong mukha niya sa'kin.
"H-Hindi naman masama kung susubukan?" mautal-utal na pahayag ko sa kanya.
Nakakalunod 'yong mga mata niya. Habang tinitignan ko siya, hindi ko maiwasang tignan 'yong labi niya. Pinipigilan ko 'yong sarili ko na 'wag manghina dahil baka mahalata niya na naapektuhan ako, na mahalata niya na may gusto ako sa kanya.
Akala ko hahalikan niya na ako, pero na-dissapoint lang ako kasi kinuha niya lang pala 'yong songbook sa likuran ko. "Sige na nga, malakas ka sa'kin e."
Pagkatapos ng eksenang 'yon, hindi na kami nagkibuan ulit. Kung kanina ay sobrang ingay namin, ngayon naman ay halos nakakabingi kasi wala man lang nagsasalita.
Siya na 'yong nagpindot ng number na kakantahin niya. Hindi ko tuloy alam 'yong mararamdaman ko. Ang daming memories na bumalik na naman sa isip ko. Pa'no ba naman 'yong kantang pinili niya, 'yong theme song namin ni Rhyss.
"Nang-aasar ka ba?"
"Bakit? Bitter ka lang e."
Sinuntok ko siya ng mahina sa braso. Ewan ko ba, ganito kasi ako maglambing. "Epal ka!"
"Move on na Miracle, 'di ka na mahal no'n."
"Nakamove on na ako."
"E ba't ka pa din affected? Narinig mo lang 'yong Ikaw Lamang ng Silent Sanctuary, ganyan na inasta mo."
Natahimik ako. Totoo naman siya e. Siguro nga, hindi pa ako gaanong nakakamove on. Wala e, iba pa rin talaga si Rhyss. First love ko 'yon e. First hug, kiss, holding hands, boyfriend and.. heartbreak.
"You deserve the best, Miracle. So, move on."
❤ ❤ ❤
It's been days simula no'ng bonding date namin ni Lev. Masasabi kong sobrang memorable no'n sa'kin, kasi hindi ko alam kung mauulit pa 'yon e. Being stem student, sobrang dami talagang ginagawa. Sunod sunod ang mga quiz at recitation na kailangan gawin. Dumagdag pa 'tong musical play namin na bukas na ipe-perform.
As usual, si Blaire ang bida sa play. Kapartner niya pa nga si Lev e. Silang dalawa 'yong kakanta ng Rewrite The Stars. Samantalang ako? Heto, art director ng play. In short, ako 'yong nagmamanage para sa mga props na gagamitin bukas.
"Okay na ba 'tong mga kahoy, Miracle? Marami pa do'n sa'min kung kailangan mo pa," sabi ni Kent.
"Kulang pa 'to e. Mas malaking background 'yong kailangan natin."
Hindi na sumagot pa si Kent at niyaya na ang iba niya pang kasamahan sa pagbubuhat ng kahoy. Ako 'yong nagcheck ng gagamitin kung ayos na ba o hindi. Mukhang matibay naman ang mga ito kaya pinutol ko na ang mga ito gamit ang lagari.
~You know I want you
It's not a secret I try to hide
I know you want me
So don't keep saying our hands are tied~
Ang lamig talaga ng boses ni Lev. Ang lalim tapos ang sarap pakinggan, 'yong parang hinehele ka lang gano'n. Parang tumigil 'yong ikot ng mundo ko habang pinapanood siya. Pero, parang may mali e. Ang sakit na makita siya kasama ni Blaire. Hinawakan nito ang kamay niya.
~What if we rewrite the stars?
Say you were made to be mine
Nothing could keep us apart
You'd be the one I was meant to find~
Nakaback hug na siya ngayon kay Blaire. Nakatitig si Lev sa mga mata niya habang kinakanta ang mga linya. Alam ko namang acting lang nila 'yon, pero ba't sobrang nasasaktan ang puso ko?
~It's up to you, and it's up to me
No one can say what we get to be
So why don't we rewrite the stars?
Maybe the world could be ours
Tonight~
Kinikilig na 'yong mga kaklase ko habang pinapractice 'yong performance nila. Lutang ako habang pinapanood sila, kaya 'di ko namalayan na natamaan na pala 'yong daliri ko ng lagari.
"Aray!"
Natigil 'yong pagpa-practice nila at nalipat ang atensyon sa'kin. Agad naman nila akong inasikaso, isa na do'n si Kent na binagsak lang sa tabi 'yong mga kahoy para lang lapitan ako.
"Shit, ba't naman kasi ikaw 'yong naglagari niyan? Lalake dapat 'yong pinapagawa mo niyan. Tignan mo tuloy nasugatan ka."
Halata sa mukha ni Kent 'yong pagod pero mas pinili niya pa din akong asikasuhin. Hindi naman ako makapagsalita. Ewan, lutang talaga ako ngayon.
"Ano Miracle, masakit ba?" tanong ni Blaire sa'kin. At nakuha niya pa talagang ngumisi ha? Double meaning ba 'yon?
"Okay lang naman ako Blaire, malayo 'to sa bituka."
"Natanong ko lang naman, baka kasi 'di mo makayanan 'yong sakit e."
Tinarayan niya ako after niyang sabihin 'yon. Tinignan pa nga ako ni Lev e, pero as usual sinundan niya si Blaire.
Siyempre Miracle, si Blaire 'yon e. 'Yon naman talaga 'yong gusto niya simula pa lang.
Inabala ko nalang ang sarili ko sa paggawa ng props. Nag earphones nalang ako para 'di ko marinig 'yong performance nilang dalawa. Busy ako magpaint para sa background bukas.
Gabi na no'ng natapos kami. Grabe 'yong pagod! Pero sana bukas, worth it ang lahat ng 'to. Sana naman, 'di magfail ang musical play ng Kings bukas.
"Okay guys! Job well done sa ating lahat! Basta tandaan niyo, kung ano man ang resulta ng play natin bukas, proud ako sa'ting lahat," madamdaming sabi ni JJ, ang musical director namin.
Nagkaroon lang ng konting kasiyahan, kumain kami ng sabay sabay. Then after no'n, nagligpit na kami ng gamit. Hays, kapagod!
"Oh Blaire, ayos ka lang ba? Kanina pa kitang napapansin na sunod sunod 'yong pag-uubo mo?" nag-aalalang tanong ni JJ. Siyempre! Mahirap na baka mapaos siya. Kanya pa naman 'yong lead role.
"Okay lang ako pres." Matamlay na sagot lang ni Blaire. Nakakapagtaka naman, parang wala siyang energy ngayon. Tsaka, bakit ang putla niya? Wew siguro, pagod lang talaga siya.
"Oh, tubig."
Halos kiligin naman ang mga kaklase ko nang abutan ni Lev si Blaire ng tubig. Pilit naman akong ngumiti para itago 'yong sakit na nararamdaman ko.
"Thanks sa water, Lev."
"Ayos na ba ang pakiramdam mo? Sana kasi hindi ka nalang sumama ngayon para makapagpahinga ka."
Kahit kailan, ang caring talaga ni Lev. Mas lalo tuloy akong humahanga sa kanya.
"I'm fine naman, no need to worry."
Sabay-sabay na kaming naglakad papuntang tricycle. Sa kasalukuyan, kasabay kong naglalakad si Izhi at Kent. Sa may bandang unahan naman namin si Lev at Blaire.
"Ang sweet ni Lev 'no? Talagang siya 'yong nagbitbit ng gamit ni Blaire," kinikilig na sabi ni Izhi.
"Oo nga e, ang sweet nila." Aray ko naman talaga. Sige Miracle, umacting ka pa na kinikilig din. Hilig ko talagang saktan 'yong sarili ko e.
"Mukhang seryoso talaga si Lev kay Blaire. Talagang pursigido siya na mapasagot siya e," dagdag pa ni Kent. Ano ba naman 'tong dalawang 'to. Sige, ipamukha niyo lang sa'kin na sila talagang dalawa ang para sa isa't isa!
Sakit sa puso amp.
"E ikaw ba Kent? Seryoso ka din ba dito sa kaibigan kong si Miracle?" pang-aasar ni Izhi. Jusko talaga, ang babaeng 'to! Hindi pa din matigil 'yong issue sa'ming dalawa.
"Ano ba Izhi, kahit kailan issue ka talaga—" Napatigil ako sa pagsasalita nang magsalita si Kent.
"Oo naman."
Hindi ko alam pero hindi ko magawang makapagsalita. Maging si Izhi ay nagulat din, pero maya maya ay ngumiti na sa'kin ng pang-asar.
Pero ang hindi ko maintindihan, kung bakit kailangan pang lumingon ni Lev nang sabihin ni Kent 'yon. Hindi makakaligtas sa mata ko kung paano niya ako sinamaan ng tingin. Napayuko nalang tuloy ako nang gawin niya 'yon.
Ayaw ko umasa, pero sa inasta ni Lev kanina... pakiramdam ko baka may pag-asa na magustuhan niya din ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro