Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

5. Loathe

BLAIRE'S POV

"We're cousins, Ma'am."

Namangha 'yong teacher na 'yon sa sinabi ko. Marami pa siyang tinanong sa'kin bago ako nakaupo. I can't help but to roll my eyes tuloy. Promise ko pa naman sa self ko na magbe-behave muna ako ngayong araw. Pero mukhang 'di ko 'yon matutupad kasi ang daming stupid people na nakapaligid sa'kin.

Buti nalang, may katabi akong handsome guy. And If I'm not mistaken, his name is Levi?

Kanina ko pa siya napapansin na tingin ng tingin sa'kin. Oh well, hindi pa ba ako nasanay? Ofcourse, who would resist my charms? Tanga lang ang hindi mahumaling sa'kin.

"Baka matunaw ako niyan," sweet kong sabi sa kanya. Ang lawak tuloy ng ngiti niya.

Type siguro ako nito.

"So, you're name is Blaire Montes? I'm Levi Perillo by the way, bestfriend ako ni Miracle."

Woah. Ngayon ko lang nalaman na may bestfriend palang lalaki si Miracle? I thought, si Izhi at Kylie lang ang kaibigan niya. Hmm, I smell something fishy tuloy between them.

For the second time, tinignan ko ulit si Miracle. Nakakunot 'yong noo niya at ang sama ng tingin niya sa'kin.

Is she jealous? Well good for her. Mukhang magagamit ko si Levi sa plan ko ha.

"You know what Levi, you got my interest. And because of that, I want to know you more."

Pasimple ko namang kinurot ng marahan 'yong pisngi niya. Pansin ko namang sobra siyang namula.

Napakadali naman niyang utuin, lol.

💙 💙 💙

LEVI'S POV

Uwian na namin ngayon, pero ako heto. Parang bangag dahil sa ginawa ni Blaire sa'kin.

"Pota, pre. Swerte mo! Type ka yata ni miss beautiful," tuwang tuwa na sabi ni Julius sa'kin. Nginisian ko nalang siya.

"Wala pre, gwapo e."

Pinagbabatukan naman nila ako. Psh, mga basher. Palibhasa, may crush din sila kay Blaire e.

"Yabang mo! Makakascore din ako kay Blaire." ani Trevor.

"Sinuwerte ka lang talaga ngayon, Lev. Paano ba naman, katabi mo e," sabi naman ni Julius.

Tanging tawa na lang ang nasagot ko sa kanila. Mamamatay sila sa inggit! Hahaha!

"Pre, si Miracle 'yon ah?" Napatingin naman ako sa direksyon na tinuro ni Kent. At tama nga siya, si Miracle 'yon! Agad naman akong tumakbo papunta sa kanya. Sinundan naman nila ako.

"Hi Miracle!" nakangiting bati ko sa kanya. Sumimangot lang naman siya sa'kin.

"Ano kailangan mo?" Woah. Ang cold niya talaga sa'kin kahit kailan.

"Wala. Masama ba mag-hello sa bestfriend ko?" Mas lalong kumunot 'yong noo niya. Bakit may masama ba sa sinabi ko?

"At kailan pa kita naging bestfriend? Imbento ka talaga 'no?"
Kinantsawan naman ako ng mga tropa ko. Potek, pahiya tuloy ako. Bakit ba kasi hindi kagaya ni Miracle 'yong ibang mga babae? Like Blaire. Sobrang hinhin, sweet at sobra pang ganda.

"Woah, chill ka lang." Inakbayan ko naman siya. Pilit naman siyang kumakawala sa'kin, pero mas lalo ko lang binigatan 'yong pagkaka-akbay ko sa kanya. "Sasabay na ako umuwi sa'yo. Kawawa ka naman e, ikaw lang mag-isa. Iniwan ka na naman nila Izhi."

"Kaya ko naman mag-isa," mahinang bulong niya, pero rinig ko naman.

"Sshh, 'wag na makulit okay?"

Hindi na siya nagsalita pagkatapos kong sabihin 'yon. Pansin ko rin 'yong mukha niya na namumula.

Woah, naiinitan siguro.

Nilabas ko nalang 'yong payong ko. Bale, magkasukob kaming dalawa sa payong habang nakaakbay pa din ako sa kanya.

"Sige na pre, uwi na kami," pagpapaalam ni Trevor sa'kin. Gano'n din sina Julius at Kent. Magkakasabay kasi silang tatlo papuntang Silang e.

"Sige 'tol, ingat."

Nginitian lang nila ako at sabay sabay na silang sumakay ng jeep. Samantalang 'to namang kasama ko, nakasimangot pa rin. Pero ang pula pula naman ng mukha.

"Pinayungan na kita ha? Bakit ang pula pa din ng mukha mo?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Tinulak naman niya ako ng malakas, napabitaw tuloy ako sa pagkakaakbay sa kanya.

"Nag iinit kasi ang ulo ko sa'yo. Kaya kung pwede, lumayo-layo ka nga sa'kin."

Itulak mo man ako palayo, lalapit at lalapit pa rin ako sa'yo, Miracle.

Magsasalita na sana ako nang biglang may bumusina sa tapat namin na isang kotse. Nakita ko namang si Blaire 'yon. Napangiti tuloy ako ng sobrang lawak.

Si Blaire talaga 'yong nakakapagpasaya sa'kin e.

"Want a ride?" nakangiti niyang pahayag. Magsasalita na sana ako nang biglang naunahan na ako ni Miracle.

"No thanks, Blaire. Maglalakad nalang kami ni Lev, 'di ba?" Nagtaka nalang ako sa sinabi niya. Maglalakad? Bakit naman papahirapan niya pa 'yong sarili niya kung pwede naman siyang sumakay sa kotse ng pinsan niya?

Miracle is really something.

"Ah, oo e."

Wala na akong nagawa kung hindi pumayag sa gusto niya. Naawa naman ako bigla kay Blaire. Parang napahiya siya ni Miracle e.

"Oh, okay. Nag-ooffer lang naman ako." Ngumiti lang ulit si Blaire, pagkatapos ay nalipat ang tingin niya sa'kin. "Bye, Lev. See you tommorow."

Umandar na 'yong kotse papalayo sa'min. Pero 'yong ngiti sa labi ko, hindi matanggal tanggal. Tangina!

"Anong ngiti 'yan Lev? Para kang tanga."

"Narinig mo 'yon Miracle 'di ba? Nagpaalam siya sa'kin! Shit!"

Potek, hindi ko magawang kumalma. Tangina, ang lakas talaga ng tama ko kay Blaire. Tinamaan na yata talaga ako sa kanya.

"Oh ano naman kung nagpaalam? Don't tell me, type mo 'yong pinsan ko na 'yon?" tanong ni Miracle sa'kin. Tanging ngiti lang ang sagot ko sa kanya.

Kapag sigurado na talaga ako sa nararamdaman ko, hindi na ako magdadalawang isip na ligawan siya.

💙 💙 💙

MIRACLE'S POV

Kanina ko pa napapansin 'yong ngiti niyang nakakairita. Alam mo 'yong ngiting parang lutang? Gano'n 'yong itsura ni Lev ngayon.

If I know, type niya lang 'yong pinsan ko.

Kanina ko pa kasi siya napapansin, gaya nalang no'ng inalok niya si Blaire na tumabi sa kanya. I mean, hindi naman kasi gano'n si Lev. Wala 'yong kwentang lalaki e, ang silbi lang kasi niya sa mundo ay mang bwisit ng buhay ng iba.

Nakakapanibago lang kasi na bigla siyang nag-iiba pagdating kay Blaire.

"Uuwi ka na ba talaga agad?" biglang tanong ni Lev sa'kin no'ng papunta na ako sa sakayan ng multicab.

"Bakit?"

"Tambay muna tayo," yaya niya sa'kin.

"Wala akong pera e."

"Libre kita." Woah! Libre naman pala e, hindi ako tatanggi niyan.

"Tara. Sa'n ba?" Biglang nawala 'yong bad vibes ko. Hahaha, libre ba naman e.

"Ang gaan mo tignan 'pag nakangiti ka. Dapat ganyan ka lagi."

Nakatitig lang siya sa'kin. No'ng mga oras na 'yon, hindi ako makahinga. Shit, ano na naman bang nangyayari sa'kin? Ang bilis pa ng tibok ng puso ko. Feeling ko, hihikain ako.

"Okay ka lang? Ang pula mo na naman."

Mas lumapit pa siya sa'kin at hinawakan pa 'yong leeg ko. Takte, ano bang ginagawa niya?!

"Wala ka namang lagnat."

Kinakabahan ako sa mga sinasabi niya. Pero hindi ko 'yon pinapahalata sa kanya. Hanggang sa nginisian niya ako ng nakakaloko. "Baka naman-"

"Tumigil ka na nga! Ang dami mo na namang alam e, bilhan mo nalang ako ng sundae sa ministop."

Nauna na akong maglakad sa kanya. Napahawak ako bigla sa puso ko. Bukas na bukas, bibili na ako ng inhaler. Pansin ko, nahihirapan na akong huminga 'pag nandiyan si Lev e.

Ministop.

Pagkadating namin, buti nalang walang masyadong tao. Kaya nakahanap kami agad na mauupuan na dalawa. Inabot naman sa'kin ni Lev 'yong cone ng sundae. Shems!

"Uy, Lev. Salamat pala sa libre hehehe."

"Gusto mo araw araw pa kitang ilibre niyan e, basta tutulungan mo ko kay Blaire."

Tutulungan kay Blaire? Napatigil ako sa pagkain ng sundae. Bakit parang nawalan yata ako ng gana? "May gusto ka ba sa pinsan ko?" seryoso kong tanong sa kanya. Nakatitig lang naman siya sa'kin, sabay ngumiti.

"Oo, gustong-gusto ko siya."

"Akala ko ba si Kylie 'yong gusto mo? Bakit 'yong pinsan ko pa?"

"Hindi ko din alam, Miracle e. Si Kylie naman talaga 'yong crush ko no'ng una e, pero biglang na like at first sight ako sa pinsan mo."

Feeling ko, natuyuan ako ng laway. Nakailang lunok ako dahil sa sinabi niya. Tapos, pakiramdam ko ang bigat pa ng dibdib ko.

"Ahh, e bakit sa'kin mo 'yan sinasabi? Dapat kay Blaire mo sabihin 'yan."

Napabuntong hininga naman siya. "'Yon na nga e. Natotorpe ako sa kanya. Kaya makikiusap sana ako sa'yo kung pwede mo ako tulungan kay Blaire tutal pinsan mo naman siya. "

Napatayo na lamang ako. "Sorry Lev, hindi kita matutulungan."

Aalis na sana ako nang bigla niya akong harangin. "Why Miracle?"

"Because I don't want. Hindi ko matatagalan na makipagplastikan sa pinsan kong 'yon."

~~~
Pink's Note:

So how's chapter five? Mukhang patay na patay si Lev sa pinsan ni Miracle na si Blaire. And by the way, this chapter is dedicated to Cherrilaine and Mkukie

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro