Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4. Equivocal

MIRACLE'S POV

Maaga akong nagising dahil sa alarm ko. Ngayon ang first day ko bilang grade eleven stem student, kaya 'di ko maiwasan na kabahan. Habang naghahanda ng babaunin kong pagkain, napatingin ako sa picture nina Mama, Papa at ni Sunshine.

"Siguro, ang saya kung hanggang ngayon ay kumpleto pa din tayo."

Napapaiyak pa din ako hanggang ngayon sa t'wing inaalala ang pagkamatay nila. Minsan, ang unfair lang talaga ng buhay e. Kinuha ni Lord 'yong buhay nila, pero ba't tinira niya pa ako?

Sana kinuha niya nalang din ako para hindi ko nararamdaman 'to.

Walang silbi 'yong pagiging mayaman ko kung wala naman sila. Halos lahat kasi ng ari-arian at mga negosyo nila, sa'kin lahat napasan. Pero dahil bata pa nga ako para gampanan ang responsibilidad, si Tita Minerva muna ang bahala sa mga 'yon.

Speaking of Tita Minerva, lagi niya akong kinukulit na sa kanila muna ako tumira. Naaawa kasi siya sa'kin dahil mag-isa lang ako dito sa unit ko, atsaka nag-aalala siya sa'kin gawa ng babae ako tapos ako lang mag-isa dito.

Pero 'yon nga, lagi ko lang siyang tinatanggihan dahil hindi ko makakayanan na makasama sa isang bahay 'yong anak niyang magaspang ang ugali. At 'yon ay walang iba kung hindi si Blaire Montes. Balita ko pa naman, parehas kami ng strand sa PCU which is stem.

Sana nga lang talaga, hindi ko siya ka-section.

❤ ❤ ❤

"Miracle Faith Montes." Pagpapakilala ko sa sarili ko. After no'n, umupo na ako.

There is nothing special sa first day ko ngayon. Sa totoo nga niyan, nakakaumay kasi puro pagpapakilala lang naman ang ginawa. Next week pa daw kasi ang class discussions e.

At last, heto lunch break na namin. Kinuha ko lang 'yong baon ko mula sa bag at nagsimula ng kumain. Kasama ko ngayon si Izhi at Chard. Si Lev? Edi 'yon, nakahanap agad ng mga bago niyang tropang lalaki.

"Malapit na pala 'yong debut ko, next next next month na," excited na sabi ni Izhi sa'kin. Potek, tagal tagal pa no'n e.

"Excited ka masyado, tagal pa naman no'n," komento ko nalang sabay kain ng niluto kong menudo. Yum!

"E siyempre, 18 na ako no'n kaya I have freedom na to do things I want."

Hindi nalang ako nagsalita after no'n. Kapag lalo ka kasing nangatwiran kay Izhi, hindi 'yan titigil hangga't 'di siya nananalo.

Habang kumakain, hindi ko maiwasang mainis kasi third wheel ako sa kanila. Ang sweet nila masyado tapos nasa harapan ko pa sila.

Respeto naman sa mga single!

"Izhi, may bibilhin lang ako ha? Iwan ko muna kayo," pagpaalam ko. Si Chard naman nagbigay pa ng pera sa'kin. "Miracle, baka naman pwede mo kami bilhan ng tubig ni Izhi?"

Wews, at naging utusan pa ako.

"Okay," tipid na sagot ko nalang para makaalis sa kalandian atmosphere nila. Pustahan, magbe-break din 'yang dalawang 'yan.

"Pabili pong iced coffee tsaka dalawang mineral water po."

Nasa isang gilid lang ako nang biglang may mabigat na kamay na pumatong sa balikat ko. Napatingin ako kung sino 'yong umakbay sa'kin.

Psh, si Lev lang pala.

"Heto mga pare, bespren ko nga pala si Miracle."

Napataas nalang ako ng kilay. What?! At kailan pa kami naging mag-bestfriend? Hindi ako nainform ha.

"Hello Miracle! Julius nga pala." Sabi niya at nakipag-apir pa sa'kin.

"Trevor." Pagpapakilala pa no'ng isang lalaki at gaya nang ginawa ni Julius, nakipag-apir din siya.

"Kent pare." Nagulat ako nang bigla niya akong hampasin sa braso. Potek, ang lakas no'n ah!

Pansin ko namang hanggang ngayon, nakaakbay pa rin sa'kin si Lev. Pasimple ko naman siyang kinurot sa tagiliran niya para lumayo siya sa'kin.

"Ahh, hello din sa inyo. Sige, una na 'ko ha?" paalam ko nalang sa kanila sabay kinuha 'yong binili kong iced coffee at dalawang mineral water.

Bwisit talaga 'yong Lev na 'yon kahit kailan. Nananahimik ako tapos bigla akong guguluhin, kainis!

💙 💙 💙

LEVI'S POV

Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa pagkakapahiya. Potek na Miracle na 'yon! Wala man lang manners kahit kailan.

"Bestfriend mo ba talaga 'yon? Parang hindi naman, Lev."

Hindi ko alam 'yong isasagot ko sa sinabi ni Trevor. Tama naman kasi siya e, hindi ko naman talaga bestfriend si Miracle.

Ewan ko ba kasi sa sarili ko ba't pinakilala ko pa siya sa kanila, parang tanga lang.

"Pero cute siya ha," nakangiting sabi ni Kent sa'kin. Potek, 'wag niyang sabihin na trip niya si Miracle?

"Type mo Kent?" tanong ni Julius. Ngiti lang naman ang sagot ni Kent sa'min. Hindi ko tuloy maiwasan na tumawa. Potek, laptrip kasi!

"Type mo 'yon par? E mas maangas pa nga kumilos 'yon kaysa sa'yo, hahahaha!" Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa. Si Kent kasi, joker e.

"Woah, bad girl siya?" interesadong tanong ni Kent. Mas lalo tuloy akong natawa. "Bad girl? 'Yong babaeng 'yon? E iyakin nga 'yon e, tapos bad girl?"

Nagkamot na lang sila ng ulo nila dahil sa inasal ko. Nang mahimasmasan ako kakatawa, do'n na ako naging seryoso.

"Wala sa inyo ang pwedeng pormahan si Miracle, kahit ikaw pa Kent. Maliwanag?"

Hindi ko alam ba't nasabi ko 'yong mga katagang 'yon sa kanila. Basta, ang tanging alam ko lang. Ayokong mapalapit si Miracle sa ibang lalaki, maliban sa'kin.

Ako lang dapat.

"Woah, chill lang par. Na-cute'an lang naman ako e," pagpapakalma ni Kent sa'kin. Samantalang si Julius at Trevor naman, nginisian lang ako.

Sa ngayon, pabalik na kami sa room. Pero, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahagip ng mata ko ang isang babaeng sobrang ganda. Lahat ng nadadaanan niya, kusang napapahinto 'pag nakikita siya. Kaya hindi na din ako nagtaka no'ng napahinto din ako.

Para siyang diyosa.

Ang puti ng kutis ng balat niya. Bukod sa sexy na, matangkad pa siya. Nakalugay lang 'yong kulot at mahaba niyang buhok na mas lalong nakapagpaganda sa kanya.

Shit, inlove na yata ako.

Mas lalong nanghina 'yong tuhod ko nang papalapit na siya ng papalapit sa'kin. At gano'n nalang ang pagkakagulat ko nang pumasok siya sa room namin.

Ibig sabihin lang no'n, kaklase ko siya!

Pagkapasok niya palang sa room, ang daming naghila na ng upuan para sa kanya. Hindi ko alam na mas bibilis 'yong tibok ng puso ko nang makita ko siyang ngumiti.

"Kalma lang, guys." Mahinhin na pagkakasabi niya sa mga kaklase ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob at kinausap ko siya.

"Dito ka nalang sa tabi ko."

Dahil do'n, napalingon siya sa'kin. Kitang-kita ko sa harapan ko ang mukha niya na sobrang amo. At sa pangalawang pagkakataon ay ngumiti na naman siya.

"Sure."

Shit, mukhang may inspirasyon na ako para pumasok araw-araw ha.

💙 💙 💙

MIRACLE'S POV

Napaikot nalang ako ng eyeballs ko sa inasal ni Lev. Para siyang tanga na natameme sa babaeng 'yon. Like yuck, hindi bagay sa kanya maging gentle man.

"Ang ganda niya," hangang sabi ni Chard at nakatitig din sa babaeng 'yon. Napairap nalang ako. Anong maganda sa babaeng 'yan? Kung alam lang nila kung gaano ka-gaspang ang ugali niya.

"Anong sabi mo Chard?" nanggigil na pahayag ni Izhi sa boyfriend niya. Mukhang napansin niya na panay ang titig ni Chard sa pinsan ko.

The one and only, Blaire Montes.

Bakas naman sa mukha ni Chard ang pagkatakot sa girlfriend niya. Mga lalaki nga naman talaga, hindi makuntento sa iisang babae lang. Kailangan, tumingin pa talaga sa iba.

'Yan tuloy, LQ sila ngayon ni Izhi.

"Good morning everyone. I'm Blaire Montes, seventeen years of age. Hope we can all be friends!" masiglang sabi ni Blaire with her oh-so-sweet plastic smile niya. Grabe makatingin 'yong mga kaklase ko sa kanya. Alam niyo 'yong bawat galaw ni Blaire, para silang baliw na hangang hanga sa kanya?

If they would only know.

"Woah, so you're also a Montes? Kaano-ano mo pala si Miracle Faith?" tanong ng teacher namin. Hindi ko alam kung ako lang 'yong nakapansin, pero kitang-kita ng dalawa ng mata ko 'yong ngisi niyang mala-demonyo.

"We're cousins, Ma'am."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro