Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3. Inception With Him

MIRACLE'S POV

Ang bigat ng pakiramdam ko habang kumakain. Paano ba naman kasi 'tong si Lev, pinaalala pa 'yong break up namin ni Rhys. Ang sakit na naman tuloy ng puso ko.

Limang buwan pa lang ang nakakalipas simula no'ng nakipaghiwalay siya sa'kin, kaya natural lang naman siguro na masaktan pa din ako 'di ba? Sa limang buwan na 'yon, ang hirap para sa'kin na mag-adjust sa mga pangyayari.

Gigising ako, babangon na aasang babalik siya. Na kakatok siya sa kwarto ko at babawiin lahat ng sinabi niya. Na sasabihin niya na hindi niya kayang mawala ako kaya babalikan niya ako ulit.

Ang sakit sakit.

Ang hirap lang kasing tanggapin. Ang saya pa naman namin no'ng mga nakaraang araw. Balak pa nga namin magpunta ng Japan, kasi parehas naming gusto na pumunta sa lugar na 'yon e. Ang dami na din naming bucket lists na kailangang ma-checkan, pero wala na. Wala na siya, iniwan niya na ako.

Naalala ko no'ng pagkagising ko no'n sa ospital, tanging pangalan niya lang 'yong sinasambit ko. Akala ko no'n, nananaginip lang ako. Na hindi talaga 'yon nangyari. Na isang malaking panaginip lang ang lahat.

Pero mali ako. Kasi totoong sumuko na sa'kin si Rhys.

"Ang tahimik mo na naman."

Napatingin ako kay Lev. Hindi ko alam pero biglang nag-init 'yong ulo ko sa kanya. Tropa kasi siya ni Rhys, napa-praning ako baka spy siya sa'kin.

"Lev, I have a question for you," seryosong sabi ko. Kita ko naman sa mukha niya ang pagtataka. "Ano 'yon?"

"Bakit dito ka nag-aral sa PCU? Sa pagkakaalam ko, 'yong mga tropa mong si Rhys, sa Perpetual nag-aaral 'di ba? Bakit hindi ka gumaya sa kanila?" seryoso pa ding tanong ko.

"E sa gusto ko sa PCU e, pake mo ba?" pambabara niya lang sa'kin. Bwisit, kailan ba ako makakakuha ng matinong sagot sa lalaking 'to?

"Spy ka lang ni Rhys e. Gusto niyong malaman kung gaano ako nasaktan, tapos ano? Pagtatawanan niyo ako 'di ba?"

Nakita ko namang nagseryoso si Lev. Matalim ang titig niya sa'kin at magkasalubong 'yong kilay niya. At siya pa talaga ang may karapatan na magalit?

"Oh ba't ganyan mukha mo? Kasi totoo? Kasi nga-" Nagulat naman ako nang bigla niya akong subuan ng sandamakmak na fries sa bibig ko.

"Alam mo gutom lang 'yan, napa-praning ka na naman masyado e."

"Bsjsiwiwkwjw!" Bwisit ka talaga kahit kailan Lev!!

"Hahahahahaha!"

Inis ko namang nilunok 'yong fries. Potek, halos mabilaukan ako sa ginawa niya. Samantalang siya, ayon. Halos mamamatay na sa kakatawa. Hinampas ko naman siya ng malakas sa braso niya.

"Ang epal mo talaga kahit kailan!"

Hindi rin naman siya nagpatalo at hinampas din ako, pero mahina lang naman. "Bakit papalag ka na ba?"

Nilapit niya 'yong mukha niya sa'kin. Napaatras naman ako. Potek ba't kailangan lumapit ng gano'n? Hindi tuloy ako makapagsalita. Naubusan ako ng sasabihin dahil sa ginawa niya.

"'Di ka naman pala papalag e," nakangisi niyang sabi sabay tumayo at nagligpit na ng gamit. Gigil ko namang ginulo 'yong buhok ko.

May araw rin sa'kin ang Levi Perillo na 'yan!

❤ ❤ ❤

Ang dami naming ginawa ngayong araw. ID pictorial, pagkuha ng library card, uniforms tapos pabalik balik pa kaming dalawa sa accounting office para magbayad. Ang lawak lawak pa naman ng PCU, kaya sobrang nakakapagod maglakad!

"Patingin nga ng schedule mo," pangungulit na naman ni Lev sa'kin. Pinakita ko nalang sa kanya para 'di na kami magtalo pa. Wala e, pagod na din kasi ako.

"Woah, magkaklase pala tayo e. STEM KINGS din ako."

What?! Magkaklase kami?!

"Weh?" Hindi 'yon pwede mangyari! Paano nalang ang buhay ko 'pag kaklase ko siya? Paniguradong bu-bwisitin lang ako niyan lagi!

"Ba't ganyan mukha mo? Dapat nga matuwa ka kasi magiging kaklase mo lang naman ang gwapong kagaya ko," mayabang na sabi niya sabay kindat sa'kin. Nagpogi sign pa siya at hinawi 'yong buhok niya.

Eeww, kasuka!

"Hay nako Lev, kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo!"

Natawa lang naman siya. Oh 'di ba, parang tanga lang.

"Pero teka nga, sa'n pala mag-aaral si Kylie?" biglaang tanong ni Lev sa'kin. Napangiti naman ako ng demonyo sa kanya.

"Oh ba't ka ganyan ngumiti?"

Tama kaya ang hinala ko na may gusto siya kay Kylie? Hahahaha!

"Bakit mo 'ko tinatanong? Si Kylie dapat 'yong tanungin mo." Hindi naman maipaliwanag 'yong itsura ni Lev no'ng sabihin ko 'yon sa kanya. Hahahaha, kawawang bata!

"Ewan ko sa'yo, Miracle! Wala ka talagang kwenta."

Okay, one point for me! Mukhang naasar ko siya, wahahaha!

Simula no'n, hindi niya na ako kinibo. Mukhang naasar talaga siya sa'kin. Pero mas may thrill kasi kung siya 'yong magtatanong 'di ba? Atlis, makakapag usap pa sila ni Kylie 'pag nagkataon.

"Uy, Miracle!" Woah! Si Izhi ba 'yon?

"Izhi! Anong ginagawa mo dito sa PCU?" gulat na tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi akalain na nandito siya. Alam ko kasi, balak niyang sundan 'yong boyfriend niyang si Chard na mag-perpetual.

"Sa PCU na din kasi ako mag-aaral!" masayang pahayag ni Izhi sa'kin. Woah! Edi maganda kung gano'n!

"E pa'no si Chard mo?" tanong ko.

"Edi nag PCU na lang din siya. Ubos na kasi ng slots sa perpetual, kaya no choice siya." Tumango na lang ako. Napansin niya naman sa gilid ko na may kasama ako.

"Woah, kasama mo si Lev?" nanunuksong sabi niya. At ang mas nakakainis pa, 'yong ngitian niya na parang nang-aasar na ewan.

"Hindi!"

"Oo!"

Napatingin ako sa kanya bigla dahil sa sinabi niya. Potek, ako kasi 'yong kinakausap 'di ba? Sabat ng sabat ang Lev na 'to.

"Lah, kasama mo kaya ako!" Potek, nakakarindi naman ang bunganga nito! Kailangan talaga sumigaw?

"Tumigil ka nga, ikaw ang sunod ng sunod sa'kin kamo! At pwede ba, 'wag mo'ko sigawan!"

"Sinisigawan mo ako e, kaya sisigaw din ako!"

"Epal ka talaga e 'no?!"

"Mas epal ka naman!"

"Hindi mas epal ka!"

"Ah talaga? Ako pa talaga ha?"

"Epal! Epal!"

Natigil lang kami sa pagbabangayan nang makarinig kami ng tunog ng camera. Napatingin kami parehas kay Izhi na mukhang baliw na kinikilig.

"See this picture? Ang sweet niyo!" sabi niya habang pinakita sa'min 'yong picture namin na nag-aaway.

Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Bago ko pa maagaw 'yong phone niya, tumakbo na siya ng mabilis sabay sabing, "Bye lovebirds! Una na 'ko sa accounting office, hinihintay na 'ko ni Chard!"

Gigil ko namang sinabunutan 'yong sarili ko dahil sa inis. Simula nang lumapit si Lev sa'kin, pansin ko 'yong pagiging mainisin ko. Kaya 'di na rin ako magtataka kung tumanda ako agad e!

"Anong itsura 'yan? Tara na nga!"

"At sa'n naman tayo pupunta?" inis na sabi ko naman.

"SM, mamimili pa tayo ng gamit."

Napasapo nalang ako sa noo ko. Mukhang naging advance na yata ang pagiging matanda ko. Pa'no ba naman naging makakalimutin na ako!

After ilang minutes, nakadating na rin naman kami sa SM. Isang sakay lang kasi mula sa jeep ng PCU, nandito na kami kaya 'di masyadong hassle mag-commute.

Una naming pinuntahan ang National Bookstore. Agad kong tinignan 'yong mga new released na books. Shet 'yong puso ko talaga 'pag nakakakita ng libro, sobrang bilis ng tibok.

"Magkano kaya 'to?" Halos mapanganga ako sa presyo. "What the?! Isang libo isa nito?"

"Ano na? Tapos ka na?" Pagsulpot ni Lev sa tabi ko. Mukhang nakuha na niya 'yong mga kailangan niya. Samantalang ako heto, magsisimula pa lang. Tapos mamimili pa ako ng cute designs!

"Ano ba 'to?" tanong niya at inagaw 'yong libro sa'kin.

"Ano ba sa tingin mo 'yong tawag diyan? Edi book!"

"Psh, whatever. Bilisan mo na pumili ng kailangan mo, pipila na ako sa counter."

After niyang sabihin 'yon ay tumalikod na siya. Ilang minuto rin 'yong tinagal ko bago pa ako nakapamili ng bibilhin. Buti nalang, sakto lang 'yong dating ko kasi si Lev na 'yong susunod sa pila.

"Tagal mo naman."

"E nahihirapan akong pumili ng designs e! Lahat sila cute."

"Babae nga naman."

Hindi ko nalang siya inimikan. Halos five hundred din 'yong nagastos ko. Kukunin ko na sana 'yong paper bag na pinamili ko, kaso naunahan niya na akong bitbitin 'yon.

"Ako na."

Napatitig tuloy ako sa kanya. Ba't parang sumeryoso siya bigla? Parang ewan lang. Lakas ng mood swings. Pero sabagay mas mabuti na rin 'yon, para hindi niya na ako asarin at kulitin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro