Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

23. Inscrutable Happening

BLAIRE'S POV

Kanina pa ako hindi iniimikan ni mommy. Nakasakay ako ngayon sa kotse pauwi ng bahay. Pinatawag kasi ni Ms. Mikate ang magulang ko para ipaalam na suspended ako sa klase ng tatlong linggo. I'm super naiinis sa mga nangyayari! This wouldn't happen kung hindi dumating ang Giga Bytes! Lalo na ang sumbungerang Izhi na 'yon!

I hate them so much!

Nang sa wakas ay nakarating na rin kami sa bahay, malakas na binalibag ni mommy pasara 'yong kotse at nauna ng pumasok sa loob. Mula kanina sa biyahe ay hindi niya ako pinapansin. Sobra akong kinakabahan kasi alam kong magagalit si mommy sa'kin, nagpipigil lang siya mula kanina.

At tama nga ako, malakas niya akong sinampal dahilan para tumulo ang luha ko.

"Wala ka na talagang kahihiyan sa pamilyang 'to 'no, Blaire?! Wala ka na talagang nagawang tama!"

Nakayuko lang ako. Hindi ko magawang makatingin sa kanya ng diretso. Mommy, ba't mo 'ko sinasaktan ng ganito?

"Bakit ba kasi nabuhay ka pa? Pasakit ka lang talaga sa ulo e. Kailan ka ba magtitinong bata ka? Bakit hindi mo gayahin ang pinsan mo?! Na kahit kailan, hindi naging pabigat sa pamilyang 'to!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sagutin siya. "Edi do'n ka na kay Miracle! Magsama-sama kayong lahat!"

Marahas namang hinila ni mommy ang braso ko. At sa pangalawang pagkakataon, sinampal niya na naman ako. "Bakit naging ganyan ka, Blaire? Lumalaki kang bastos! Hindi ka marunong rumespeto! Baka nakakalimutan mong ako ang nanay mo, anak lang kita!"

"Wow kailan pa? Parang hindi naman. Atsaka, anak mo pala ako? Akala ko kasi si Miracle 'yong anak mo e."

Nanginginig sa galit si mommy. Mas sinamaan ko naman siya ng tingin. Punong-puno ng galit 'yong puso ko.

"Sana nga Blaire! Si Miracle nalang sana ang naging anak ko. Kasi kumpara sa'yo, walang wala akong mapapala kaysa sa pinsan mo na malaki ang tinulong sa'kin."

"Edi lumabas din 'yong totoo! Si Miracle naman lagi ang kakampihan mo e. Kasi para sa'yo, siya ang pinaka the best! Magsama kayong dalawa, wala akong pakialam!"

Tatalikod na sana ako para pumunta sa kwarto ko nang biglang mapatigil ako dahil sa sinabi niya.

"Sa totoo lang, dapat nga ay magpasalamat ka pa kay Miracle. Kung hindi dahil sa kanya, hindi tayo ganito kayaman ngayon. Tinulungan tayo ng pamilya ng pinsan mo no'ng mga panahong halos magkanda-hirap tayo. Ano ba namang magkaroon ka man lang ng utang na loob, Blaire? Puro kabutihan ang ipinapakita niya, pero dahil sa makitid ang utak mo at sarili mo lang ang iniintindi mo, ganito pa 'yong isusukli natin sa kanya?"

"Hindi mo 'ko naiintindihan mommy e," pinipigilan kong hindi mautal. Ayokong bumuhos lahat ng luha ko. "All my life, puro ka nalang Miracle! Kahit anong gawin ko, si Miracle nalang lagi! Kahit anong talino ko, kahit kailan hindi ka naging proud sa'kin."

Sobra-sobra akong nasasaktan. Nagulat si mommy sa sinabi ko kasi ito 'yong unang pagkakataon na sinabi ko 'yong tunay kong nararamdaman sa kanya.

"Mas mahal mo pa nga ang pinsan ko kaysa sa sarili mong anak 'di ba? Buti pa nga si Miracle, naalala mo. Pero 'yong sarili mong anak? Heto, nanglilimos ng atensyon at pagmamahal sa sarili niyang magulang."

"Hindi totoo 'yan!" sigaw ni mommy.

"'Yon ang totoo mommy!! Kasi 'yon ang pinaparamdam mo sa'kin!! Nanay kita, pero hindi ko maramdaman na may kakampi ako. Lahat kayo, iiwan lang ako."

Pinahid ko ang luha ko. Ito talaga ang weakness ko e. Maselan ako sa mga bagay na ganito, hindi ko magawang kontrolin 'yong emosyon ko.

"Ni wala ka nga'ng alam sa buhay ko e. Ni kamusta wala! Kasi busy ka kay Miracle. Tutal, nandito na din naman ang usapan. Alam mo ba mommy na gustong makipaghiwalay ni Lev sa'kin?"

Hindi maipinta ang itsura ng mukha niya. "Gulat ka 'di ba? Mas magugulat ka sa dahilan na sasabihin ko. Alam mo ba kung ano 'yon? Kaya lang naman nasira ang relasyon namin ni Lev, dahil sa kalandian ng Miracle na 'yon!"

Halos mapaos ako kakasigaw. Para akong baliw kakaiyak. Pero napatigil ang luha ko nang maalala kong buntis ako. Pansin ko kasi no'ng mga nakaraang araw ay puro suka ako. Kaya binalak kong mag-pregnancy test at positive naman ang lumabas.

'Yon nga lang, hindi ko sure kung sino ang ama ng dinadala ko. Kung si Lev ba o si Jeremiah.

"Pero okay lang naman sa'kin 'yon mommy. Dahil siguradong hindi ako magagawang hiwalayan ni Lev dahil buntis ako at siya ang ama ng batang nasa sinapupunan ko."

Napasapo na lamang ng noo si mommy. Sobrang tindi ng impact ng mga sinabi ko sa kanya ngayon.

"Kailan pa 'yan? Blaire naman, ang bata mo pa para maging isang ina. Sana pinatapos mo muna ang pag-aaral mo bago ka nagpabuntis," nanlulumong pahayag ni mommy.

"I'm already 18 years old! Nasa right age naman na ako atsaka legal naman kung magpapakasal kami ni Lev."

"Ano?! Kasal agad Blaire? Pwede bang magdahan dahan ka sa mga desisyon mo?" kunot noong pahayag ni mommy. Napairap nalang ako sa kanya.

"'Yan ka na naman e! Kontra ka talaga lagi. Kailan ko ba makukuha ang support mo? Kahit sa pagpapakasal namin ni Lev ay tutol ka!"

Natahimik naman si mommy sa sinabi ko. Sa sobrang inis ko dahil sa sitwasyon, agad akong nagmadaling pumunta sa kwarto at nagkulong.

Hays, lagi nalang gano'n si mommy. Kahit kailan, hindi niya talaga ako naiintindihan e.

💙 💙 💙

MIRACLE'S POV

Habang nakatitig sa madilim na kalangitan, hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko na parang wala ng katapusan. Patuloy na ginugulo ng isip ko 'yong mga masasakit na salita na binibitawan ng mga tao sa'kin.

I feel worthless.

Siguro nga tama sila, wala talaga akong kwentang tao. Na parang ako 'yong puting krayola, 'yong walang silbi. Sa totoo lang, nawawalan na ako ng gana sa lahat. 'Pag sinusubukan kong kumain, pakiramdam ko kasalanan 'yon kasi ang kagaya ko.. walang karapatang kumain kasi wala nga akong silbi.

Napakapabaya ko, mas inuna ko pang lumandi kaysa sa gampanan ang tungkulin ko.

Siguro nga, tama sila. Ang landi ko. Napakalandi ko para agawin si Lev kay Blaire. Hindi ako magandang impluwesiya sa kanila bilang student council president.

Malalim na ang gabi, pero heto ako. Nasa rooftop ng building ng unit ko. Ang hangin nga dito e. Wala akong kasama, ako lang mag-isa.

Ewan ko ba, simula nang insidenteng 'yon.. ayaw ko ng pumasok sa paaralan. Ayaw kong may makakita sa'kin, kahit sina Izhi at Kent pa 'yon. Kasi, nahihiya ako para sa sarili ko. Nahihiya ako para magpakita pa sa kanila.

Mas mabuting dito na lang ako.

Okay lang naman siguro sila kahit wala ako e. Tutal, wala namang nagmamahal sa'kin. Lahat sila, mas nanaisin na mamatay nalang ako kaysa mabuhay.

"Lord, bakit nga ba nandito pa din ako? Bakit tinira niyo po ako? Bakit hindi nalang po ako nasama sa pamilya ko na namatay na?"

Nananakit na 'yong dibdib ko kakaiyak. Naaalala ko lang kasi 'yong mga panahong kasama ko pa sina Mama, Papa at 'yong kapatid kong si Sunshine e. Kung nandito kaya sila, ano kayang magiging takbo ng buhay ko?

Siguro, ang saya saya kapag kasama ko pa din sila.

Humangin ng sobrang lakas. Damang dama ko kung paano ako tangayin ng hangin. Hindi ko alam, pero parang inaakit ako nito na humakbang. Hanggang sa narating ko na ang pinakadulo ng building.

Napangiti ako, siguradong bukas ay laman na ako ng balita.

Isang hakbang nalang ay katapusan ko na. Isang hakbang nalang ay mamamatay na ako. Isang hakbang nalang ay matatanggal na lahat ng sakit sa puso ko.

Akmang tatangkain ko ng tumalon nang biglang may malakas na pwersa ang naghatak sa'kin palayo sa kinatatayuan ko. Labis ang sakit na nadama ko nang tumama ang likod ko sa pader. Dahan dahan kong minulat ang aking mata at masamang tingin ang pinukol ko sa lalaking umawat sa pagpapakamatay ko.

"Sino ka?!" galit na sigaw ko sa kanya. Mukhang hindi ko siya kasing edad. Nakakagulat pa nga nang bigla niya akong nginitian.

"Ako si Gabriel," matamis na sambit nito sa'kin. Hindi ko alam pero nang ngitian niya ako, parang gumaan ang dala-dala kong sama ng loob. Parang unti-unting napawi 'yon.

"Bakit ka magpapakamatay? Alam mo bang malulungkot ang Diyos 'pag ginawa mo 'yon? Buti na lamang at iniligtas kita."

Hindi ko maiwasan na mapalunok sa sinabi niya. Ano ba naman ang batang 'to? Ang weird niya masyado sa mga pinagsasabi niya. Parang hindi normal para sa isang bata na gano'n magsalita.

"P-Paano mo naman nasabi 'yan? Tingin mo ba maniniwala ako sa sinasabi mo?" pangangatwiran ko sa kanya. Umupo ang batang 'yon sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

May kung anong pwersa ang nadulot nito sa puso ko. Nakakapanibago, ngayon ko lamang ito naramdaman.

"You know what, it's okay to tell God everything that hurt you. It's okay to weep in His presence. He doesn't want you to clean yourself up before you seek Him. He wants to pick up the broken pieces and restore you Himself. He's not ashamed of you. He wants to show you the real love."

Hindi ko magawang makapagsalita. Bawat salitang binibitawan niya ay tumatagos sa puso ko. May kung anong hindi ako mapaliwanag habang sinasabi niya ang katagang 'yon.

"Miracle, you are not alone. You are not worthless. You are loved in the name of God. He loves you despite your brokenness and He longs to heal every part that bleeds."

Ramdam kong mas lalo niyang hinigpitan ang kamay ko. Napapagaan niya ang loob ko sa mga salita niya. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nagkakaroon ng pag-asang mabuhay.

"Suicide is not the answer to stop the pain, because God is. Don't lose faith, Miracle. Let go of your pain. Don't deny your weakness. Let God's love fill you."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumayo na siya. Nanatili ang paningin ko sa kanya. Lumakad siya palayo sa'kin, pero sapat pa din para makita ko siya. Nakita kong ngumiti siya ng malapad sa'kin.

"Allow God to heal you, Miracle."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tumingala siya sa langit. Nanlaki ang mata ko nang makita na mayroon siyang pakpak.

Nakakasilaw naman na liwanag ang kumalat sa madilim na kalangitan. Natakpan ko na lamang ang mga mata ko dahil dito. Ramdam kong sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Dahil ngayon ko lamang napagtanto, na isang anghel pala ang nakausap ko kanina. Isa palang anghel ang nagligtas sa buhay ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro