Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

22. Precursors Of The Truth

KENT'S POV

Patuloy pa din akong binabagabag ng isip ko. Ngayon na ang pangatlong araw sa klase pero hanggang ngayon, wala pa din si Miracle. Kamusta na kaya siya? I hope she's okay.

"Dalawin kaya natin si Miracle? I'm super nag-aalala na sa kanya Kent," pangungulit naman ni Izhi. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya.

"Tingin mo hindi niya na tayo iiwasan this time?" tanong ko sa kanya. Last time kasi na dumalaw kami, hindi niya talaga kami pinagbuksan ng pintuan. We tried to contact her, pero hindi niya naman ito sinasagot.

"You have the point there. E ano ng balak mo? Hayaan nalang natin si Miracle until she's okay na?"

Tumango na lamang ako. 'Yon nalang naman ang choice namin e— to wait Miracle to recover. Masyadong mahirap 'yong situation sa kanya, siguro makakatulong if she needs the time to think by her self.

"Alam mo, sobra akong naaawa sa kaibigan natin. She doesn't deserve all the judgements ng mga tao dito sa PCU. God knows how much she worked hard to be the student council president."

Napalunok naman ako dahil do'n. Matagal na akong may nalalaman, pero hindi ko alam paano ko sasabihin ang katotohanan sa kanila. May nalalaman ako, pero hindi sapat ang lahat ng 'yon para malinis ang pangalan ni Miracle.

"Oh, ba't natahimik ka?" puna ni Izhi sa'kin. Nakailang singhap ako bago ako nagkaroon ng lakas ng loob sa kanya magsalita. "Will you believe on me 'pag sinabi kong may alam ako sa mga nangyayari ngayon?"

Nanlaki naman ang mata ni Izhi at napatakip ng bibig. "Ano 'yon, Kent?"

Lumapit naman ako sa kanya at bumulong. "Nakita ko si Blaire na nagpanggap bilang si Miracle. Sinabi niya sa Giga Bytes na 'wag nang tumuloy sa concert."

Nanatili pa ding gulat si Izhi. Nakalapit pa din ang mukha ko sa kanya hanggang ngayon. Pansin ko naman ang pamumula ng mukha niya.

"Okay ka lang? Namumula ka."

Hindi magawang makatingin ni Izhi sa'kin. At talagang tinulak niya pa ako palayo. Arte talaga ng babaeng 'to kahit kailan.

"You asked me bakit ako namumula? E siyempre nagpipigil ako ng hininga ang baho mo kasi!" asar na sabi niya sa'kin. Binatukan ko naman siya.

"Ang arte mo! Sarili mo lang yata ang naamoy mo e."

"Ah talaga? Dapat sinapak mo."

Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Psh, ba't ko pa kasi nakwento sa kanya 'yon? Wala talagang kwentang pagkwentuhan ang babaeng 'to. Puro kaartehan lang ang alam e.

"Oh ano ng balak mo? Lihim mo nalang 'yan hangga't wala kang ebidensya?" biglang tanong ni Izhi sa'kin. Napaisip naman ako sa sinabi niya.

"Ano ba kasing dapat kong gawin? Ang hirap naman kasi kung wala akong pinanghahawakan na katibayan na totoo 'yong sinasabi ko."

Tinapik lang naman ako sa balikat ni Izhi. "You have me Kent. Naniniwala ako sa sinasabi mo. Reputasyon ni Miracle ang nakataya dito. So, shall we go to the guidance office now?"

Napabuntong hininga na lamang ako. I guess, I need to do this. Bahala na kung anong maging resulta ng gagawin namin ngayon. Kung wala mang maniwala sa sasabihin ko, atleast I have one person who believes on me.

And that's Izhi.

💙 💙 💙

IZHI'S POV

Tuluyan na nga kaming napadpad ni Kent dito sa guidance office. Sa totoo lang, sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Yes, mukha man akong matapang sa paningin ni Kent pero deep inside.. natatakot ako sa pwedeng mangyari.

May point din naman si Kent na wala kaming sapat na ebidensya na magpapatunay sa mga sasabihin namin, pero atlis ginawa pa din namin ang tama at 'yon ang isiwalat sa kanila ang katotohanan.

"Oh, what brings you here students? Wala ba kayong mga klase ngayon?" tanong ni Ms. Mikate sa'min, ang guidance councelor ng PCU.

Mukhang nakuha na yata ang dila ng kasama ko ngayon, kaya buong tapang ko nalang sinagot ang mga tanong niya. "Ms. Mikate, nandito po kami para sabihin 'yong katotohanan tungkol po sa concert na naganap po sa PCU."

Naging seryoso naman ang mukha ng babae. Agad niya naman kaming pinaupo para mas maging malinaw ang pag-uusap namin.

"Do you mean, sa issue na nangyari kay Ms. Miracle Montes? The student council president ng STEM?"

Sasagot na sana ako nang bigla akong maunahan ni Kent. "Opo. We're here to clear the issue. Inosente po si Miracle, wala siyang balak na sirain ang event. Nakita ko po si Blaire na nagpanggap bilang si Miracle no'ng gabing 'yon. Sinabi niya sa Giga Bytes na 'wag na silang tumuloy dahilan para masira ang concert."

Tinanguan lang naman kami nito. Pinatawag niya ang class adviser namin para sabihan si Blaire na pumunta sa guidance office. Naintindihan ko naman si Ms. Mikate kung ba't niya kinailangan na gawin 'yon dahil para maging patas ang petisyon sa bawat isa.

Ilang minuto lamang ay nandito na si Blaire. Masama ang titig niya sa'ming dalawa, pero hindi ako nagpatalo. Itong babaeng 'to, namumuro na talaga 'to sa'kin! Lagi niya nalang inaapi ang kaibigan ko!

"Sinabi nila kanina na ikaw ang dahilan kung ba't nasira ang event ng STEM. Is that true, Blaire?"

Kitang kita ng dalawang mata ko kung pa'no siya umirap. Ang babaeng 'to, ang sarap dukutin ng mata e! Nakakagigil! "Ofcourse not, ba't ko naman gagawin 'yon? Baka nakakalimutan niyo, I'm also one of the candidate for being the student council president. Isa sa mga hangarin ko ang nakakabuti sa PCU, kaya bakit ko sisirain ang concert na 'yon?"

Napatayo na lamang ako at dinuro siya. "Sinungaling! Alam nating pareho kung ga'no mo kinaiinisan ang kaibigan ko! Hindi mo lang kasi matanggap na si Miracle ang pinili ni Lev, at hindi ikaw! Kaya ginantihan mo siya!"

Pinipigilan naman ako ni Kent at pinapakalma. Pero hindi ko lang kasi matiis 'yong pagiging plastikada ng babaeng 'yan!

"Alam mo Izhi, you're pathetic. Kung tunay 'yang sinasabi niyo laban sa'kin, do you have a proof?" sarcastic na pagkakasabi niya. Napayukom nalang ako ng kamao dahil may point siya do'n. Wala kaming ebidensya kaya dehado kami!

"Blaire, kung sino man ang pathetic sa inyong dalawa ni Izhi.. ikaw 'yon. Trying to cover all your lies, huh? Kahit kailan, hindi mananaig ang kasinungalingan. Just wait and see, may karma ka din."

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Kent. Sobrang seryoso niya to the point na mukha na siyang mananapak ng tao anytime.

Hawak niya ngayon ang kamay ko ng mahigpit, balak niya yatang makaalis na ng guidance office knowing him na sobrang napipikon dahil sa sitwasyon. Pero kapag sinuswerte ka nga naman, papaalis na sana kami nang biglang bumukas ang pinto.

Nandito lang naman ang Giga Bytes ngayon!

Halos nanlaki ang mata ko dahil sa mga nangyayari. Napatigil tuloy kami ni Kent.

"Shit Kent, ang bilis ng karma."

Gulat naman akong napatingin sa kanya ng akbayan ako nito.

"Blaire is a bitch. But karma is the queen bitch, Izhi."

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. Letseng Kent 'to, alam na alam niya talaga kung paano ako papangitiin e! Kilig hahaha.

"Oh, bakit kayo nandito Giga Bytes?" tanong ni Ms. Mikate. Napangisi naman ako nang makita ang takot at kaba sa mukha ni Blaire.

Ano ka ngayong babae ka? Nasa'n ang tapang mong letse ka?! Gigil mo 'ko ha.

"A-Ahm, maybe I should go now? May c-class pa kasi ako," nauutal na sabi ni Blaire. Lihim naman akong napangiti. Hindi ko naman mapigilan na sumabat sa kanila.

"Acting pathetic now? As far as I know may thirty minutes pa before mag-start ang class natin Blaire, right?" sarcastic na pagkakasabi ko.

"Wait, I think familiar ka sa'kin.." sambit ni Xenon na isa sa member ng Giga Bytes. Agad namang napayuko si Blaire.

Ganda ng view ko dito, kitang kita ko paano kabahan ang isang Blaire Montes.

"Akala ko ba, Miracle ang pangalan mo? Bakit ka niya tinatawag na Blaire?" nagtatakang tanong naman ni Patricia na vocalist ng Giga Bytes na naguguluhan sa mga nangyayari. Idagdag pa si Ms. Mikate.

So, it's my time to shine na!

"You want to know why? Nagpanggap lang naman kasi si Blaire bilang si Miracle that night. Siya lang naman ang sumira sa concert at sa reputasyon ng kaibigan ko."

"That's not true! Anong nagpanggap? I don't remember na kinausap ko sila! Like duh, ba't naman ako magpapanggap bilang si Miracle?!" pikon na sabi ni Blaire, pero hindi siya pinakinggan ni Ms. Mikate. Sa halip, ang Giga Bytes ang tinanong niya.

"Giga Bytes, totoo ba ang sinabi ni Izhi? Na nagpanggap si Blaire bilang si Miracle at sinabi sa inyo na hindi na tuloy ang concert?"

Agad namang tumango ang members ng Giga Bytes. Lalo na si Patricia na halata sa mukha niya 'yong inis.

"Hindi ko makakalimutan ang mukha ng babaeng 'yan! Sabi na nga ba, my instincts are true. She even offer us money para lang hindi matuloy ang pagpunta namin sa concert. We are here lang sana to apologize kasi balita namin na nasira ang event because of us, pero I didn't expect na may babaeng impostor na desperate just to ruin that night!" reklamo ni Patricia. Nagulat si Ms. Mikate sa mga narinig niya. Masama naman nitong tinitigan si Blaire.

Hindi ko naman mapigilan na ngumiti dahil sa wakas malilinis na din ang pangalan ng kaibigan ko. At siyempre, nalaman na rin ang totoong may sala sa mga pangyayari and that's Blaire Montes.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro