Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2. Vexatious Levi

MIRACLE'S POV

After five months...

Dali-dali kong kinuha 'yong cellphone ko na nakacharge sa sala. Chineck ko na din ng mabilisan 'yong bag ko kung may nakalimutan pa ba ako. Napatingin ako sa relo ko- shems! Konting minuto na lang, magsisimula na 'yong entrance exam! Buti nalang walang traffic ngayon kaya nakarating ako agad sa PCU. Pakshet lang, siguradong sobrang haggard ko na dahil sa pagmamadali, pero wala muna akong pakialam sa itsura ko ngayon.

Late na late na talaga ako, shems!

Habang nagmamadali sa pagtakbo, may lalaki namang nakabangga sa'kin. Potek, nahulog tuloy lahat ng requirements ko!

"Shit, malas!" inis na sambit ko habang nagmamadali na kuhanin lahat ng gamit ko. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na tignan ang lalaking 'yon. Nako, kung hindi lang talaga ako nagmamadali ay baka nasigawan ko pa siya.

Hingal na hingal akong nakarating sa Science Laboratory, dito kasi magaganap 'yong entrance exam for senior high. "Good morning ma'am, sorry late po ako."

Napatingin silang lahat sa'kin. No'ng mga oras na 'yon, gusto ko na magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan! Myghad naman kasi, bakit na-late pa ako ng gising.

"It's okay. You may now take your sit." Binigyan niya ako ng isang booklet na sasagutan ko, kaya agad na rin naman akong nagsimula.

Kaso, hindi ko mahanap 'yong report card ko! Shit, bakit nawawala 'yon?

Hinanap ko na 'yon kung saan saan kasi baka naipit lang, pero kahit anong gawin ko e hindi ko talaga mahanap. Nako, kailangan ko pa naman 'yon! Hindi ko pa naman saulo 'yong LRN ko.

"Good morning ma'am, sorry I'm late." Kusa naman akong napatingin sa lalaking nasa tapat ng pintuan. Napaikot na lamang ako ng mata nang marinig ko 'yong mga katabi ko na nagbubulung-bulangan.

"Shet, ano kayang name niya?"

"Ang gwapo niya 'no?"

"STEM din kaya siya?"

Tsk, lalande! Hindi naman kagwapuhan 'yong lalaki. Nakakaasar pa kamo dahil 'yong tinutukoy nila ay walang iba kung hindi si Levi Perillo! Ang numero unong laging nang-bubwiset sa'kin. Ang pa-epal sa buhay ko!

"Sshh! Quiet!" saway ng instructor namin. Wala namang nagawa 'yong mga malalanding babae kung hindi tumahimik na lang. Buti nga!

Binigyan na din ng booklet si Lev. Kita ko naman 'yong malawak niyang ngiti habang tumabi sa'kin.

"Ito ba ang hinahanap mo?" mapang-asar na sabi ni Lev habang winawagayway pa 'yong report card ko. Teka, bakit napunta 'yan sa kanya?!

"Akin na nga 'yan," madiin kong bulong sa kanya. Kainis naman! Siya yata 'yong nakabangga sa'kin kanina e. Of all people naman, bakit pa sa demonyong si Lev pa?

"Lilibre mo'ko?" tanong niya na may nakakaasar na ngiti sa mukha niya. Tinataas baba niya rin 'yong kilay niya na parang nagpapa-cute.

Psh, panget naman.

"Oo na! Potek, as if may choice ako?" gigil na sabi ko. Hinablot ko naman sa kamay niya 'yong report card ko nang inabot niya na ito sa'kin. Hindi ko nalang siya pinansin pa, kahit nakakairita 'yong nakakabwisit niyang tawa. Asar!

💙 💙 💙

LEVI'S POV

"Uy, 'wag talkshit ah! 'Yong libre ko nasaan na?"

Nakita ko na naman 'yong asar niyang mukha. Potek, laptrip talaga lagi kapag naiinis si Miracle sa'kin e! Hahahaha!

"Ha? Anong libreng sinasabi mo?" pagmamaang-maangan niya pa. Iniiwasan niya ako ng tingin tapos may pa-ligpit pa ng gamit na nalalaman. Sus, arte!

"Lah, talkshit talaga siya oh."

"Edi wow, mama mo talkshit!"

Nagwalk out naman siya pagkatapos niyang sabihin 'yon. Wow! Pagkatapos ko siyang hintayin, iiwan ako bigla? Wala naman akong nagawa kung hindi sundan siya. Alangan namang gawin kong lonely 'yong sarili ko dito sa PCU? Bukod sa perpetual lahat nagsipag-aral ang mga kabarkada ko, si Miracle lang 'yong tanging kakilala ko.

Kaya no choice kung hindi sa kanya ako sumama.

"Magdahan dahan ka naman! Parang hindi babae kung maglakad e." Nakakainis kasi, nagmamadaling ewan e. Akala mo, may racing ng kabayo na sinalihan amp.

"E bakit ka ba kasi sunod ng sunod?" bwisit na sabi niya sa'kin.

"Nyay assuming." Pang-aasar ko ulit. Magkasalubong na 'yong kilay niya ngayon, hahaha!

"Ewan ko sa'yo, Lev!"

At 'yon nga, hindi na naman niya ako pinansin. Binilisan ko 'yong paglakad ko para masabayan siya. Tirik na tirik 'yong araw kaya nilabas ko 'yong payong ko. Nagulat naman ako nang biglang sumilong si Miracle sa payong ko.

"Ayos makasilong ah?"

"Bakit, papalag ka?" maangas na sabi niya. Tsk, akala naman niya kinaganda niya 'yong pag-aangas niya sa'kin.

"Oo! 'Di mo nga ako nilibre e, tapos sisilong ka sa payong ko ngayon?"

Nakita ko namang napabuntong hininga siya. "Oo na, mamaya pagkatapos ko magbayad sa accounting office lilibre kita."

Napangiti naman ako ng malawak. Yes! 'Pag sinuswerte ka nga naman. First time na ililibre ako nitong si Miracle ha.

Pagkadating namin sa accounting office, nagulat ako dahil ang dami palang nakapila. Halos isang oras kaming nakatayo habang naghihintay.

"Tagal naman, nagugutom na ako," reklamo ko habang nakahawak sa kumakalam kong tiyan. Paano ba naman, wala kasi akong inalmusal kanina.

"Maghintay ka, ginusto mo 'yan e."

Halos tatlumpung minuto rin ang tinagal bago siya makabayad. Kaya heto, naglalakad na kami papunta sa cafeteria ng PCU para kumain.

"Ano palang strand 'yong kukunin mo?" tanong ko sa kanya.

"STEM, gusto ko kasi mag-civil engineer e," simpleng sagot niya. "Ikaw?"

"Engineer din sana. Kaso gusto ng mama ko na mag-architect ako e."

Tumango lang naman siya sa'kin. Ayoko talaga sa lahat, 'yong tahimik. Ang boring kasi masyado.

"Kamusta ka naman?" tanong ko.

"Okay lang, I'm happy." Nagtaka naman ako sa sinagot niya. Halatang halata sa kanya na hindi siya masaya e. Siguro, affected pa din siya sa break up nila ni Rhys.

"Hindi ko naman tinatanong kung masaya ka e. Halata ka masyado alam mo 'yon?"

Tinarayan niya lang naman ako. Psh, lagi naman. Sanay na sanay na ako. Kahit kailan naman, 'di 'yan marunong ngumiti pagdating sa'kin.

"Wala naman kasing taong aamin na malungkot sila e. Tanga lang ang gagawa no'n."

"Ba't ba kasi kayo nagbreak ni Rhys?" Kusa nalang na lumabas 'yon mula sa bibig ko. Ang dahilan? Ewan ko kung bakit.

"Tropa kayo ni Rhyss 'di ba? Bakit ako ang tinatanong mo? Siya nalang 'yong tanungin mo bakit siya nakipagbreak sa'kin."

Pansin ko ang pagiging cold niya pagdating sa lalaki. Dati naman, kaya ko pang masakyan 'yong pagsusungit niya. Ngayon, sobrang hirap ng pakitunguhan. "Alam mo, ang bitter mo masyado."

"Bitter na kung bitter, as if I care."

Hindi ko na siya kinausap nang sabihin niya 'yon. Mahirap na at baka magbago ang isip niya sa panlilibre sa'kin. Sa ngayon, nandito kami sa upuan. Mahangin ngayon sa pwesto namin, kaya hindi masyadong ramdam 'yong init.

"Salamat pala dito ha."

Tinanguan niya lang ako habang busy siya sa pagkain niya ng adobo. Gulat nga ako e dahil ang dami niyang kinain. Karaniwan kasi sa mga babae, konti lang kumain gawa ng diet daw sila.

"Oh, ba't ka nakatitig sa'kin?" pagpupuna niya sa'kin. Potek, nahuli pa ako!

"Wala lang, panget mo kasi e."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro