Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

16. Yearning For Us

MIRACLE'S POV

Hindi naman ako nahirapan mag-manage ng oras sa pagiging isang president ng STEM Department. Actually, na-eenjoy ko talaga siya imbes na ma-stress hahaha.

Buti nalang, cooperative ang mga kasama ko sa student council kasi naayos na nila 'yong about sa raffle. Sila na nga din daw ang bahala na mag-announce sa mga students ng mga list of winners and siyempre, pati na din 'yong concert na magaganap.

May sapat na din kaming funds for the event. Bale ang po-problemahin nalang, 'yong magiging guests sa concert kasi hindi pa namin nane-negotiate ang bandang Giga Bytes.

I searched informations na din pala about sa kanila. Isa pala silang indie band na sumisikat ngayon dahil sa mga "brokenhearted songs" na kinakanta nila, which is sobrang patok talaga sa mga kabataan ngayon.

They have five members- Patricia, Dion, Glazer, Xenon and Stan. Nabalitaan ko nga rin na shini-ship ng mga fans nila si Patricia and Dion e kasi mayroon daw chemistry sa kanila. Well, isa na din yata ako sa fan ng Giga Bytes kasi sobra talagang tagos sa puso 'yong mga songs nila.

Anyways, kanina pa ako naghihintay sa waiting shed para sa bus na sasakyan namin ni Jeremiah. Siya kasi 'yong kasama ko na kakausapin 'yong Giga Bytes kung payag ba sila sa pa-concert ng PCU.

"Tara na?"

Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko. Nagulat ako ng sobra kasi bakit siya nandito? "Lev?! Anong ginagawa mo dito? Nasa'n si Jeremiah?"

"Nagchat siya sa'kin na hindi siya makakarating e. Ako nalang daw ang sasama sa'yo."

Napakamot nalang ako ng ulo. Kinakabahan akong ewan. Grabe kaya! Ilang buwan kaming walang pansinan tapos biglang ganito? Hindi ko tuloy alam kung pa'no ako kikilos sa harapan niya.

"Okay." Tipid nalang na sagot ko. Ilang inch lang ang layo niya sa'kin, pero hindi ko mapigilan na kabahan. Ngayon lang ulit kasi kami nagkalapit ng ganito simula no'ng nagka-girlfriend siya.

"Buti pinayagan ka ni Blaire na sumama sa'kin?" tanong ko. Aba, mahirap na baka biglang sumugod ang babaeng 'yon!

"Ah, oo n-nga e."

Wews? Bakit naman siya nauutal? And ang weird ha, bakit parang hindi yata siya nagsusungit ngayon?

Dumating na 'yong bus na sasakyan namin. Maraming nag-uunahan na mga tao kaya hindi tuloy ako makasingit. Samantalang si Lev naman, nakaakyat na sa loob ng bus.

Fak, mukhang iiwan pa ako ng lalaking 'to!

Sobrang ipit na ako gawa ng ang liit ko tapos hindi pa ako makasingit. Nagulat naman ako nang biglang hilahin ni Lev ang kamay ko ng mahigpit, dahilan para makapasok ako sa loob ng bus.

Ang lapit ko masyado sa kanya. Hanggang dibdib niya nga lang ako. Nakatayo kami sa loob ng bus at sobrang siksikan. Hindi ko alam pero parang nahirapan akong huminga. Bukod pa do'n, ramdam ko din ang pamumula ng mukha ko.

E kasi naman, hawak pa din ni Lev ng mahigpit 'yong kamay ko!

"Lev, okay na. 'Yong kamay mo," nahihiya kong puna sa kanya. Pero imbes na tanggalin niya 'yon, mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko at mas lalo akong nilapit sa kanya.

"Let's stay like this for a while," bulong ni Lev sa'kin. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Pati ang tuhod ko ay nanghihina dahil sa ginagawa niya.

Lev, bakit mo 'to ginagawa sa'kin?

Ilang minuto pa ang nakalipas, marami na ring tao ang nakababa. Kaya naman, nakahanap na rin kami ng mauupuan. Nasa bandang salamin ako nakaupo. Hindi ako kumikibo sa kanya at sa paligid lang nakatuon ang atensyon ko.

Hindi ko kasi alam kung pa'no ko siya haharapin. Ayaw kong makita niya na sobra akong naapektuhan sa mga kinilos niya kanina.

💙 💙 💙

LEVI'S POV

Ang lapit niya sa'kin pero pakiramdam ko, ang layo pa din niya. Hindi niya man lang ako tinitignan, talagang sa paligid lang siya nakatingin.

Hindi ko na talaga alam 'yong ginagawa ko e. Si Jeremiah naman talaga ang dapat kasama ni Miracle, pero ewan ko ba sa sarili ko at kinausap si Jeremiah na ako nalang ang sasama kay Miracle. Sa totoo nga niyan, walang alam si Blaire kung nasa'n ako ngayon. Dapat nga ay may date kami ngayon, pero nagsinungaling ako sa kanya na may sakit ako.

Pakiramdam ko, nagchi-cheat ako kay Blaire pero hindi kasi talaga matatahimik ang utak ko kapag hindi ako sumama kay Miracle.

Napatingin akong muli sa kanya. Napansin kong tulog na pala siya at nakasandal ang ulo niya sa may salamin. Dahan dahan ko namang hinawakan ang ulo niya para humiga sa balikat ko.

Fuck, I miss her scent.

Hindi man ako halata o hindi ko man nasasabi, pero no'ng mga oras na 'yon ramdam kong sobra ko siyang namiss kahit nagawa ko siyang kagalitan noon dahil sa pagkakasira ng pagkakaibigan namin ni Kent.

Nakatitig lang ako sa kanya. Inipit ko na rin sa tenga niya ang mga natitirang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya.

Bakit parang nahihirapan ako huminga? Hindi ko maipaliwanag 'yong saya na nararamdaman ko, mas masaya 'yong pakiramdam no'ng si Miracle ang kasama ko.

Matagal ko 'tong pinag-isipan, paano kung si Miracle naman pala ang talagang mahal ko? Na baka hinahangaan ko lang talaga si Blaire noon dahil lang sa maganda siya? Pero ang tunay na laman naman pala ng puso ko ay si Miracle?

Napalayo naman ako sa mukha niya nang bigla siyang magising. May muta pa siya at panis na laway, but damn.

Bakit parang gumanda siya sa paningin ko?

"Hala sorry! 'Di ko sinasadya," nahihiya niyang sambit sa'kin. Kumuha pa siya ng panyo para punasan 'yong jacket ko na nilawayan niya.

"Okay lang," nakangiti kong sabi sa kanya. Natigilan naman siya ng sabihin ko 'yon. Nakatingin lang siya sa'kin na parang gulat na gulat sa sinabi ko.

Sakto namang biglang pumreno ang bus na sinasakyan namin, dahilan para masubsob siya sa leeg ko. Napahawak naman ako sa balikat niya para alalayan siya.

"Ayos ka lang ba?" bulong ko sa kanya. Napatitig ulit siya sa'kin, gano'n din naman ako sa kanya. Pero ang mas ikinagulat ko, bigla niya akong tinulak palayo at tumalikod pa sa'kin.

"L-Lumayo ka nga sa'kin!" sambit niya. Buti nalang tulog ang mga kasama namin sa bus kaya hindi kami center of attention ngayon.

"Pa'no kung ayaw ko?" mapang-asar na sabi ko at mas lalong lumapit sa kanya.

"Ano ba Lev! Para kang baliw alam mo 'yon?" asar na sabi ni Miracle pero hindi pa din nakatingin sa'kin.

"Bakit ba iwas ka sa'kin?" tanong ko. Dahil do'n, inis niya akong nilingon. "Wow naman talaga. At ako pa ngayon ang umiwas? Sino kaya sa'tin ang unang hindi namansin noon?"

Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Tama naman kasi siya e. "Akala mo ba madali lang na bigla bigla, magiging okay na 'yong lahat? 'Yong bigla ka nalang aasta ng ganyan, na parang single ka pa din?"

"May girlfriend ka Lev. Anong iisipin ni Blaire sa'kin? Na inaahas kita sa kanya? Utang na loob Lev, ayaw ko na ng gulo."

"Sorry kung nasaktan man kita."

Siya naman ngayon ang natigilan sa sinabi ko. "Ilang buwan kitang hindi pinansin noon dahil sa inis ko kay Kent, sa pagkakasira ng pagkakaibigan namin at ikaw 'yong sinisi ko."

"Wala akong ibang ginawa kung hindi galit ang pairalin ko sa'yo. Pero napagtanto ko na kaya pala ako nagagalit, kasi sobrang gago ko Miracle. Gago ako gaya ng sinabi ni Kent sa'kin."

"Gago ako para hayaang masaktan ka. Gago ako para pakawalan at piliin si Blaire kaysa sa'yo. Gago ako kasi unti-unti kong napagtanto na ikaw naman pala talaga ang mahal ko."

Para akong nabunutan ng tinik no'ng bitawan ko ang mga salitang 'yon sa kanya. Hindi ko alam ang mangyayari pagkatapos nang pag-amin ng tunay kong nararamdaman, pero alam ko sa sarili ko na wala akong pinagsisisihan.

"Mahal mo ako pero merong Blaire? Ganyan ka ba magmahal Lev?"

Nakatitig lang siya sa'kin. Kita kong namumuo na rin amg luha sa mata niya. "Sorry kung ngayon ko lang na-realize lahat. Oo, gusto ko si Blaire. Pero gusto lang 'yon, kasi humahanga lang ako sa katangian niya. Pero ito.."

Hinawakan ko ang kamay niya at tinapat sa puso ko. "Ikaw ang laman nito, Miracle."

"Mahal din naman kita Lev. Mahal na mahal. Pero kasi.." nag-aalangan siya sa isasagot niya. Kahit ako ay kinakabahan sa sasabihin niya.

"Hindi tama na nasa relasyon kayo ni Blaire habang sinasabi mo 'yan sa'kin. Hindi ko kayang maging sabit at kabit lang sa inyong dalawa."

"Then let's savor this moment? Na sa mga oras na 'to, ikaw lang at ako. Tayo lang dalawa, at walang Blaire sa mundo natin?"

Nang mga oras na 'yon, hinihiling ko na sana sumang ayon siya. Gusto ko siyang makasama, kahit ngayong araw lang na 'to.. bago kami tumungo ulit sa reyalidad na wala na namang siya at ako.

~~~
Pink's Note

This chapter is dedicated nga pala kay JustCallMeSpongebob. Follow niyo siya guys, I reccomend you her story.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro