15. Manipulated Feelings
MIRACLE'S POV
Everything went well sa debate kanina. Mukhang pantay nga ang naging sagutan nina Kent and Lev sa position na vice president. Samantalang sina Izhi at Chard naman, sakto lang din 'yong naging laban nila. Although medyo nabahiran ng personal issues nilang dalawa 'yong debate gawa ng mag-ex sila tapos parehas pa silang candidates for the position na secretary.
As of now, hinihintay nalang na makaboto ang last section ng STEM para ma-calculate na kung sino 'yong mananalo. Nasa computer lab kaming lahat na mga candidates, hinihintay ang mga results.
"Na finalize na lahat ng mga boto. May I call on the Avengers Party and Best Party to come in front."
Shet, heto na 'yon! Malalaman na ang results!
Kung sino 'yong pangalan na tatawagin, 'yon ang mananalo. Bawat positions na tinatawag, halos lahat sa'min nagmula. Medyo kinakabahan tuloy ako baka ako lang 'yong hindi matawag.
"For the position of secretary, congratulations to Mr. Chard Reyes from the Best Party."
Tinitigan ko naman bigla si Izhi. Nakangiti lang siya pero kitang kita ko sa mata niya na naapektuhan siya na hindi siya 'yong nanalo.
"The winner for the position of vice president is from the Best Party again! Mr. Levi Perillo."
Mas lalong naglakasan ang mga palakpakan nang tinawag si Lev. Si Kent naman tahimik lang at walang kibo. Kinakabahan na tuloy ako. Paano kung si Blaire ang manalo? Hays.
"And finally, for the position of president. Medyo naging mahigpit ang laban sa dalawang 'to. So who will it be?"
Nagsigawan at nagkantsawan ang mga tao sa sobrang excitement. Samantalang ako, nakayuko lang at pinapakinggan ng mabuti ang sasabihin no'ng announcer.
"The winner is.. Ms. Miracle Faith Montes from the Avengers Party!"
Naghiyawan naman ang mga kapartido ko nang sabihin ang pangalan ko. Hindi ko naman mapaglagyan ang tuwa ko dahil sa naging resulta.
"Waaahh, Miracle nanalo ka!"
"Sobra kaming proud sa'yo!"
"Go Pres!"
"Wooohhhh!"
Kaya bago pa mahuli ang lahat, naglakad na ako sa unahan at nakipagkamay sa may-ari ng school. Sobrang saya ko kasi 'di ko expect na mananalo ako. Kung tutuusin, limang boto lang ang lamang ko kay Blaire kaya sobrang dikit talaga ng naging laban namin.
Kita ko naman sa peripheral vision ko si Blaire na ang sama ng tingin sa'kin. Atsaka, pansin kong may kakaiba sa mata niya. Napatingin naman ako sa katabi ko, sakto namang tumingin din sa'kin si Lev.
Fak, nakalimutan kong siya 'yong nanalo bilang vice president! Hays, sana si Kent nalang 'yong nanalo e.
"Congrats," sarcastic na pagbati ko sa kanya. Tinanguan niya lang ako at hindi na ako pinansin.
Hmp, suplado!
Hindi ko nalang din siya pinansin sa halip ay nag-focus nalang ako sa audience at nagbigay rin ng pasasalamat dahil pinagkatiwalaan nila ako sa mga boto nila.
Sana lang talaga, hindi ako mag-fail bilang president.
♥️ ♥️ ♥️
Malapit na ang sembreak namin gawa ng November na at halos kakatapos lang din ng exams namin. As a president, isa sa mga naging proyekto namin sa PCU ay ang paglalagay ng suggestion box for the STEM students. Do'n ilalagay ng mga estudyante kung anong events ang gusto nila para naman maibsan kahit papaano 'yong stress na nabibigay ng mga subjects namin.
Tutal ilang days nalang sembreak na namin, nagpatawag ako ng meeting at inutusan ko 'yong PIO namin na nanalo which is Jeremiah. Hindi naman niya ako binigo dahil ilang minuto lang ay nandito na sila sa STEM Council Room— ito 'yong room na binigay ng PCU Admins sa'min para mag-meeting.
Nasa harapan ako, samantalang ang mga kasama ko naman ay nakaupo habang nakikinig sa'kin.
"Nakuha niyo na ba ang suggestion boxes?" tanong ko kay Chard— siya 'yong nahalal na secretary at inutusan ko kanina about sa mga boxes.
"Yes, pres. Nabasa na din pala namin kung ano 'yong suggestions nila. Marami sa kanila 'yong nagsulat na gusto nila ng concert."
What the? Concert talaga?!
Napasapo naman ako sa ulo ko. Medyo complicated 'to para sa'kin atsaka sa'n naman kami kukuha ng pondo para sa isang concert?
"May idea ba kayo pa'no natin 'to gagawin? May venue and sa'n pala tayo kukuha ng funds?" kalmadong sabi ko. Nagtaas naman ng kamay si Azl, 'yong muse namin.
"Yes, Azl? Any ideas?" tanong ko.
"What about raffle?"
Napaisip naman ako sa sinabi niya. That's a great idea! Tinanong ko naman ang lahat kung payag sila, mukhang wala namang tumutol sa sinabi ni Azl.
Atsaka, good for Lev din kasi tahimik siya at hindi kumokontra sa sinasabi ko.
Ilang minuto lang ay napagkasunduan na namin 'yong mga prizes na pwedeng mapalanunan sa raffle. Napag-usapan na din namin na 'yong matitirang pondo ay gagamitin namin for the materials sa concert.
"Ako na 'yong bahala sa venue." Cold na sabi ni Lev. Lahat napatahimik nang sabihin niya 'yon kaya pati ako ay nagulantang sa sinabi niya. Ngayon lang kasi siya nagsalita e.
"Okay," tipid kong sagot nalang at nag-enter na naman ng panibagong topic namin for the meeting.
"E sino nga palang kukunin nating band for the concert?" tanong ko.
"Giga Bytes!" sabay sabay nilang sabi at halata sa mukha nila na excited sila.
"Giga Bytes? Anong banda 'yon? Hehehe," nahihiya kong tanong sa kanila. Wala e, hindi na ako updated sa mga kanta. Mas gusto ko pa din kasi 'yong old songs e.
"Seryoso ka pres, hindi mo alam 'yong Giga Bytes?!"
Umiling lang naman ako. Natawa naman sila sa inasal ko. Hindi rin nakawala sa paningin ko si Lev na bahagyang ngumiti at pigil na natatawa.
Uy heart, 'wag masyadong marupok.
"Yieeee si vice pres kinikilig!"
"Kunwari di natatawa si vice pres!"
Pakshet naman. Ba't napunta sa'min 'yong attention? The heck.
"Guys, 'wag kayong ganyan. May girlfriend na si Lev okay? Respeto sa current relationship niya."
Napatahimik naman sila nang sabihin ko 'yon. Si Lev naman napatitig sa'kin dahil sa sinabi ko. Bakit? May problem ba?
"Edi walang malisya pres kung kayong dalawa 'yong kakausap sa Giga Bytes for the concert?" kinikilig na sabi ni Azl sa'min. Dahil do'n, nagsikantsawan pa sila.
Kaloka, ba't ba kami pinupush ng mga 'to kay Lev? Nagmu-move on na nga ako e!
💙 💙 💙
LEVI'S POV
Inaabangan ko naman 'yong sasabihin ni Miracle. Ang tanga ko rin kasi ba't ako natawa sa itsura niya. I hate this feeling pero naalala ko lang kasi 'yong mga panahong close kami. Siguro namiss ko lang 'yong dati.
Ang taas din kasi ng pride ko para magalit at isisi sa kanya 'yong pagkasira ng pagkakaibigan namin ni Kent. Pakiramdam ko, ang sama ko tuloy na tao.
But, the damage had done Lev.
Wala na, heto na 'yon. Go with the flow nalang ako. Atsaka, paniguradong magseselos si Blaire kapag naging ka-close ko ulit si Miracle.
Nag open na rin kasi ng sama ng loob si Blaire sa'kin. Malaki ang selos niya kay Miracle dahil pakiramdam niya, inaagaw sa kanya ni Miracle ang lahat. Isa na din sa nabanggit niya ay 'yong tungkol sa'kin, na isa ako sa taong ayaw niya mawala. Ayaw niyang pati ako, kunin ni Miracle.
I love Blaire so much, lahat ng ikapapanatag niya ay gagawin ko.
Pero may mga oras kasi talaga na napapaisip ako at nakokonsensya sa ginawa ko kay Miracle. Kahit papa'no ay naging kaibigan ko siya. Kaso hindi na pwede 'yon.
Masasaktan si Blaire 'pag ginawa ko 'yon. At ayaw na ayaw kong masasaktan siya ng dahil lang sa'kin.
"Okay lang naman sa'kin, wala namang malisya e. Ewan ko lang kung papayag si Lev, posessive pa naman 'yong girlfriend niya."
Napatingin naman ang lahat sa'kin. Umaasa sila na papayag ako. The fuck! Pa'no ba 'to?
"Ako nalang ang sasama sa kanya," presenta ni Jeremiah.
"Oh, okay." Simpleng tugon lang naman ni Miracle. Ngumiti siya, pero alam kong pilit lang 'yon. "Meeting dismissed. Isesend ko nalang 'yong ibang details sa groupchat. You can leave now."
Mabilis namang umalis si Miracle. Balak ko sana siyang sundan para makausap, pero nasa tapat lang pala si Blaire ng pinto.
"Kamusta naman 'yong meeting, love?" sweet na tanong ni Blaire sa'kin. Hindi ko alam kung pa'no ko siya sasagutin kasi na kay Miracle lang ang paningin ko.
Shit, ba't ba ako nagkakaganito? Hindi 'to tama Lev. Maling mali.
"Love, are you okay?" tanong ni Blaire ulit sa'kin. Do'n lang ako nabalik sa reyalidad kaya tumango nalang ako. "Pagod lang siguro ako, love."
"Pansin ko nga e. Sayang, yayain sana kitang pumunta sa Waffle House for our date. Kaso mukhang pagod na pagod ka e."
Nginitian ko nalang siya at niyakap. Isang mahigpit na yakap. Nagulat naman si Blaire sa ginawa ko.
"I love you Blaire," bulong ko sa kanya. Ito ang tama Lev, mahalin mo si Blaire. Siya 'yong babaeng pinangarap mo 'di ba? Ngayon nakuha mo na siya, wala kang dapat ibang gawin kung hindi mahalin at alagaan siya.
"Aww, ang sweet naman ng love ko. Love din kita Lev, super!" masiglang sabi niya. Dapat sa mga oras na 'to, mabilis ang tibok ng puso ko at kinikilig dapat ako e. Pero bakit kay Miracle nakatuon ang atensyon ko?
Hindi na talaga 'to tama, Lev.
~~~
Pink's Note:
This chapter is dedicated to Cherrilaine, sobra akong natouch sa mga comments niya waahh! Tumatalon ang aking puso kasi effective pa din pala akong writer. And dinededicate ko din pala to sa sister kong si JustCallMeSpongebob for helping me sa mga scenes ng story na to. And lastly, I'll also dedicate this kay Silver-Light kasi sobra ko ding na-appreciate 'yong message niya for me. I love y'all guys!
I'll do my best para mag-update araw-araw. Isa din kasi sa goal ko ang makatapos ng story within this month. =)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro