Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14. Student Council Debate

MIRACLE'S POV

Mula no'ng last week pa nagsimula ang pangangampanya namin. Napagdesisyunan kasi ng PCU Admins na magkaroon ang bawat strand ng student council. Sa ngayon, ito na ang oras na inaabangan ng lahat— ang debate.

"Ano ready ka na?" tanong ni Kent sa'kin. Tatakbo siya bilang Vice President at kapartido ko din siya. Bale ang makakalaban ni Kent sa pwesto ng pagiging Vice Pres ay si Lev.

Samantalang ako naman? Siyempre si Blaire ang kalaban ko sa pagiging president.

"Yes, ready na ako."

Tinanguan lang naman ako ni Kent atsaka chineck ang iba naming kapartido. Nagrereview ako ng maayos kung ano 'yong sasabihin ko mamaya para mailahad ko ng maayos 'yong plataporma ko.

"Oh, Izhi? Gigil ka sa pagme-memorize diyan ha?" puna ko sa kanya habang natatawa. Hindi kasi ako sanay na seryoso siya sa isang bagay e. By the way, tatakbo siya sa posisyon na Secretary. At sa kasamaang palad, si Chard ang makakalaban niya sa posisyon na 'yon.

"May I call on the candidates for the position of president— Avengers Party and the Best Party."

Napa-sign of the cross nalang ako. Shems, nakakakaba! Ang dami kasing tao na nanonood sa'min. Last na pangangampanya na namin 'to kasi mamaya na ang botohan. Bale bukas namin malalaman ang results.

Pumunta na kami sa kanya-kanya naming podium. Si Blaire ang unang magsasalita for the opening statement.

"I'm Blaire Montes and I want to be your student council president in Stem Department. I have several ideas that are reasonable, so I hope that here.. I may be able to show you why I am deserving in this position. That's all, thank you."

Maraming nagpalakpakan kay Blaire. Well, famous siya dito sa PCU. Alam kong una palang, talo na ako 'pag kinalaban ko siya. Pero wala namang masama kung susubukan 'di ba?

"Hello everyone! I'm Miracle Faith Montes, running for your student council president! From the party of beauty, brain and talent.. The Avenger Party!" energetic kong pahayag sa kanilang lahat. 'Di naman ako nagkamali dahil nabuhayan talaga sila at nagpalakpakan din sa'kin with matching sigaw pa ng "Miracle! Miracle!"

Samantala, kitang kita ko naman sa peripheral vision ko ang pag ikot ng mata ni Blaire sa'kin, psh.

"A distinctively strong academic institution, Philippine Christian University that integrates faith, character and service are known for being best in Science and Math. Pero hindi 'yon sapat para mag-settle lang tayo do'n." Bigla naman siyang tumingin sa'kin. Nagkantsawan naman ang mga tao. "Philippine Christian University must aim to the top!"

"And to be able to do that, our party pushes to extent more events related to Science and Math kasi obviously, sinasakop ng mga subjects na 'yan ang strand na STEM. Thank you and godbless."

Karamihan sa mga tao ang sumang-ayon kay Blaire at nagpalakpakan din sa kanya. Ano ba 'yan, kinabahan naman ako bigla!

"Actually, Ms. Blaire Montes platforms are good. So vote for her." Panimula ko. Nagtawanan naman ang lahat dahil sa sinabi ko. Mas lalo namang nagsalubong ang kilay ni Blaire dahil sa sinabi ko.

"Vote for her kung gusto niyo. Because for me, I value freedom. Freedom to choose who you want to vote. So, I support Ms. Blaire Montes' to celebrate events related to Science and Math."

Nakita ko namang nagtataka na ang mga kapartido ko dahil sa mga pinagsasabi ko.

Don't worry guys, I have my ways.

"But.. I also want to celebrate diversity. Sabi nga ng friend ko na si Hillary Clinton, we have to find ways to celebrate our diversity and debate are differences without fracturing our communities."

Naghiyawan naman ang mga eatudyante. Nagulat din sina Kent and Izhi sa sinabi ko, but I just smiled on them.

"So? How? How do we celebrate diversity in our school? Simple. By opening more doors aside from Science and Math. Because I believe that, aside from chemists, biologists and physicists. There are musician, painters, poets and writers. Our party wants to push for something more exciting by promoting music and arts!"

Kumpara kanina, mas naging malakas ang hiyawan ng mga tao. Pero siyempre, hindi papatalo si Blaire. Agad siyang nagsalita sa microphone. "Mawalang galang na po, Ms. Miracle Faith Montes. Pero naniniwala ako na mas nakilala ang PCU for excelling in academics. Atsaka baka nakakalimutan mo, STEM ang strand na posisyong tinatakbuhan mo."

Natahimik ang mga tao. Inaabangan ang bawat sasabihin ni Blaire. Pero, hindi ko siya inatrasan. Mas lalo akong tumingin ng diretso sa kanya to show na hindi ako natatakot sa kanya.

"Miracle, can I ask? Ano ba ang meaning ng STEM?" sarcastic na tanong niya.

"Science, Technology, Engineering and Mathematics," simpleng sabi ko.

"Exactly Ms. Miracle! Science, Technology, Engineering and Mathematics. Malinaw na malinaw na pagkakasabi mo. Nasa'n ang arts and music do'n?"

Nagtawanan naman ang mga tao sa sinabi ni Blaire. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Pero I got a better idea!

Tutal sinimulan niya, ako ang tatapos.

"Now, it's my turn to ask a question Ms. Blaire. Tanong ko lang, paano ka ba nagrereview?" confident na tanong ko sa kanya. Mukhang nagulat siya kasi out of nowhere, 'yon ang itatanong ko sa kanya.

"Reading and memorizing sa tahimik na lugar," maikling tugon ni Blaire.

Sarcastic naman akong ngumiti. "Ah, ako kasi nakikinig lang ng music on my phone."

Nagtawanan naman ang lahat. Marami kasi sigurong nakakarelate sa'kin. "According to the study conducted by the Stanford University of Medicine, the brain responded high tend attention while listening to the baroque music. So, this indicates that listening to music can improve our concentration and information in take. That's why it's equally important to push music and the arts."

"Ms. Miracle Faith, that's a nice study. But I don't believe na pwedeng magpatugtog ng baroque music sa school. That's impossible to happen. Unlike sa Best Party, it promotes best platforms for the best students of PCU. Science and Math lang ang kailangan bigyan ng focus because this strand is STEM!"

"But that's not my point," kalmadong sabi ko. "My point is, pwede tayong matuto through other fun ways. And isa pa, hindi naman lahat kasing talino mo Ms. Blaire Montes."

Nawalan ng sasabihin si Blaire. Kaya grinab ko na 'yong oppurtunity na 'yon para magsalita. "Let's be real guys. Hindi naman lahat ng nasa STEM, talagang kayang mag-excel sa Math and Science. 'Yong iba, napilitan lang na mag-STEM kasi 'yon ang gusto ng parents nila for them. Right, Ms. Blaire Montes?"

Bigla ko tuloy naalala si Lev. Sinabi niya sa'kin noon, no'ng kasabay ko siya mag enroll, architect talaga ang gusto niya. Pero 'yong parents niya, gusto siyang mag-engineering kahit di siya gano'ng kagalingan pagdating sa Math.

Pero ba't ko pa ba siya inaalala? Miracle, this is not the right time para isipin siya okay? Kalaban siya ng partido mo. And isa pa, enemies na kayo from now on.

"Well, silence means yes?"

Hindi na nagawa pang magsalita ni Blaire. Matalim niya akong tinitigan at padabog na umalis sa stage. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa'kin. And after that, bumaba na din ako ng stage at sinalubong ako ng mga kapartido ko pababa ng hagdan.

"Ang galing mo, Miracle!"

"Sana magawa ko rin 'yong ginawa mo!"

"Idol na talaga kita!"

Nginitian ko nalang sila at binigyan ng advice. "Basta, do your best lang. Kung alam mong nasa tama ka, ipaglaban mo."

Bigla naman akong niyakap ni Izhi. "Shet, ang galing mo kanina do'n Miracle!"

Inapiran naman ako ni Kent. "Akala ko papatalo ka e. That's my girl!"

Napakagat nalang ako sa ibaba kong labi dahil sa hiya. Hindi ako sanay ng ganito! Atsaka, unexpected ba na nilabanan ko si Blaire ng gano'n?

"And now, may I call on the candidates of the position of vice president from— The Avengers Party and The Best Party."

Mukhang nagulantang naman ang pagkatao ni Kent no'ng nalaman niya na siya na ang susunod na sasalang.

"Wish me luck, guys." Halata sa mukha ni Kent 'yong kaba. Pero sa 'di inaasahan, bigla nalang hinalikan ni Izhi ang pisngi ni Kent.

Hala kaloka 'tong babaeng 'to!

"What's that kiss for?" hindi makapaniwalang tanong ni Kent kay Izhi.

"Goodluck kiss? Hehehe, sige maiwan ko na kayo bye!" nahihiyang sabi ni Izhi sabay takbo papalayo sa'min.

Ang babae talagang 'yon, nako talaga.

"Ahm, ano.."

"Ha?" nagtataka kong tanong.

Nagulat naman ako ng halikan niya ako sa pisngi. Fak! Ba't niya ginawa 'yon?!

"Goodluck kiss ko lang din, hehehe sige bye!"

What the?! Ba't ba dinamay pa nila ako? Sana sila nalang dalawa 'yong nagkiss kiss diyan kaloka.

~~~
Pink's Note:

Dedicated to JustCallMeSpongebob. Thanks for helping me for the scenes.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro