The middle [3]
"Good morning ma" bati ko.
"Gising ka na pala ikaw muna bahala dito sa bahay at inaayos ko ang pagtratransfer mo sa ibang school."
"Sige po ma."
"Wag na wag mong aawayin mga kapatid mo."
"Opo ma."
Umupo ako sa hapag kainan sakto namang may mga plato na ron at saka kumuha nalang ako ng pagkain ko.
Kumain lang ako ng kumain hanggang sa nabusog ako.
"Nak aalis na ako yung bilin ko sayo ha?"
"Yes, commander!" Nag saludo pa ako sa kanya.
Lumabas na siya ng bahay at sakto naman ng lumabas ng kwarto si angel.
"Ate, san pupunta si mama?"
"May aayusin lang siya kumain ka na." Sagot ko.
Nagsandok na rin siya ng pagkain niya.
"Ate. Ancharap! Sino nagluto nito?"
"Mama"Maikli kong sagot sa kanya.
"Ahh. Kaya pala ang charap,charap ng pagkain!"
"Kumain ka nalang jan beh para mas lalo mong ramdam ang sarap."
"Sige ate!"
Nang natapos ako sa pagkain ko tumayo ako. Di pa talaga bumabangon ang isa ko pang kapatid.
"Hoy! Totoy! Gumising ka na anong oras na oh! May bisita ka pa! Oh magandang babae mukhang girlfriend mo ata!" Sinenyasan ko si angel na wag maingay na nagsisinungaling lang ako.
Lumabas nga si totoy sa kwarto niya. At ako naman natatawa sa kalokohan kong naiisip. Nilabas ko phone ko at nilagay ko sa camera.
"Ate wala naman yu---" di niya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla ko siyang pinicturan.
"ATE! NAKAKAINIS KA!"
Tawa naman ng tawa si angel dahil sa mga kalokohan ko.
"Pati rin ba naman angel kasabwat ka rin?!"
"Si ate kasi kuya hindi ako kasabwat ha?" Sagot naman niya.
"Burahin mo yan! Ate kong panot!"
Anong sabi niya panot ako?
"Hoy!" Turo ko sa kanya. "FYI! hindi ako panot baka ikaw! At dahil jan sa ginawa mo di ko buburahin ang picture mo ipagkakalat ko ito sa mga kaklase mo!"
At yung bata naman tawa ng tawa tapos siya naman namumula na sa galit.
Hinabol niya ako. Syempre di ako papahuli kaya ang ending ako ang panalo dahil tumakbo ako sa kwarto ko at nilock ko ito.
"Ate buksan mo to! Kung ayaw mo! Ako mismo magbubukas kukunin ko ang susi!"
"Hahahaha! Kung magagawa mo! Nasa akin ang susi!. Hahahaha!"
"Eh di aanuhin ko ng atm!"
Napakagat nalang ako ng labi.
"Subukan mo! Yung napkin ko na may dugo ilalagay ko sa unan mo at mamaya pag natutulog ka ipapahid ko sa mukha mo! At drodrawingan ko din yang mukha mo pag ginawa mo yang binabalak mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Aaaarrggghhhh!!! Kainis ka talaga kahit kailan!" Hahahaha talo na naman siya sakin.
Narinig ko nalang ang pagyabag ng paa niya at mukhang inis na inis.
Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa ko at tinignan ko nalang ang picture niya.
"HAHAHAHA! GRABE SIYA! HAHAHAHA! YUNG...YUNG ITSURA NIYA. HAHAHAHA!"
Pano ba naman kasi yung itsura niya na nakanganga tapos may panis na laway na tuyo sa gilid ng pisngi niya tapos...tapos... gulo gulo pa yung itsura ang epic talaga pwede ng gawin pang meme!.
Pero di ko magagawa yun no! Ayoko siyang pagtawanan ng mga tao. Gusto ko kami kami lang ng pamilya ko.
***
"Ate may bisita ka!" Andrei.
Bisita daw? Maniwala! Baka ginagantihan lang ako nun.
"Sino naman! Yun?!" Sigaw ko sa kanya.
"Si ate keisha!" Sigaw niyang pabalik.
"Papuntahin mo siya dito sa kwarto!"
May narinig akong katok.
"Ako to khira"
Bumangon ako mula sa pagkakahiga.
Binuksan ko ang pinto yung di gaano bukas.
Hinila ko siya papasok mahirap na pag nakapasok dito si totoy. Sinara ko ulit ang pinto.
"Bakit? May problema ba?. Bat ka nagtatago? Ba't ka nakakulong dito?" Tanong niya.
"Si Andrei nga kasi baka gantihan ako nun no!" Sagot ko naman.
"Teka nga lang ba't ka nandito?" Dugtong ko.
"Bakit ayaw mo na ba akong makita?. Ang sakit naman may magandang balita pa naman ako sayo eh." Aniya.
Akma na sana siya tatayo sa kama ng pinigilan ko ito.
"Hep! Hep! Jan ka lang muna. Anong pinagsasabi mo na ayaw na kitang makita?" Sabi ko sa kanya "at anong magandang balita na sasabihin mo sa akin?" Dugtong ko.
"Basta!" Sagot naman niya.
"Ano na kasi? Di kita titigilan keisha."
"Sige na nga. Alam mo ba si bryan nakita ko! Promise! Ampogi niya!"
"Yun lang pala akala ko kung ano na." Bulong ko.
"Bumulong ka na nga lang narinig ko pa!. Hahahahaha!"
"Sorry naman daw ah!"
"Di mo ba alam kung anong magandang balita dun bes?" Aniya.
"Ano hindi eh."
"Syempre nakita ko siya at...at ampogi niya talaga!. Saka nga pala nakita ko nga pala si mama mo papunta ata sa principal office ata? Basta nakita ko siya." Sabi niya.
"Ahh." Yun na lang ang naisagot ko.
"Anong ginagawa ni tita dun?"
"Ah may inaayos siya para sa pagtratransfer ko ng ibang school."
"Ah ganun ba." Aniya.
**
"Khira next week makakapasok ka na sa eskwelahan. Kaya bukas aalis tayo. Mag papatahi tayo ng uniform mo." Sabi ni mama.
"Opo ma." Sagot ko naman sa kanya.
'Sabay tayo aalis dito. Hindi ako makakapayag na maiwan kang mag-isa dito.' Anton.
'Hindi umalis ka na bago may makakita sayo dito' lumuluhang sabi ng babae.
'Hindi kita iiwan dito Maria."
'Maria!'
'Umalis ka na dito anton anjan na si Ama'
'Hindi ako dito aalis hanggat di kita kasama'
'Hindi pwede. Hindi ko kayang suwayin ang ama ko bukas ikakasal na ako' lumuluhang sambit ng dalaga.
"Huhuhuhuhu" *singot sa sipon*
"Ate ang oa mo naman akin na nga yang remote sa ibang channel na lang masyadong madrama!" Sambit ni andrei.
"Wala kang pake alam" lumuluha kong sabi.
Binalik ko na ang aking paningin sa TV.
"Halla anjan na yung tatay ni Maria!. Sumama ka na kasi! Sumama ka na kay anton!" Sabi ko.
"Ang oa mo." Aba! Inirapan ba naman ako nitong lalaking to!
Sinamaan ko lang siya ng tingin. binalik ko ang aking paningin sa pinapanood ko.
'Felipe! Wag mong ituloy yan! Nagmamakaawa ako!' Nakaluhod na sambit ng dalaga.
'Sasama ako sayo. Nagmamakaawa ako sayo wag mo lang siyang patayin!'
'Maria tumayo ka jan!' Sambit ng tatay niya.
Yumakap si Maria kay Anton. Habang ang tatay naman niya ay panay hila sa braso ng kanyang anak.
'Kung papatayin niyo man siya patayin niyo na din ako!'
'Maria' sambit ni Anton.
Panay parin hila ng kanyang ama ang braso ni Maria pilit niyang pinaghihiwalay ang dalawa ngunit mas malakas ang tatay ni Maria na siyang napabitaw sa kanyang iniibig.
'Anton!'
'Huling hiling?' Tanong ni Felipe.
'Maria mahal na mahal kita' yan ang huling salita na nanggaling mula sa kanyang bibig.
'Anton! Hindi! Pinatay mo siya!' Sigaw ng dalaga.
"Huhuhuhuhu! Ba't pa siya namatay pwede naman si felipe!"
"BA'T MO PINATAY!" sigaw ko kay andrei.
"Ang corny yang pinapanood mo masyadong madrama." Sambit niya.
"Nakakainis ka akin na nga yang remote! Matatapos na nga lang yun eh!"
"A.yo.ko. NGA"
Nakakainis talaga yang kapatid kong to! Hindi ko pa naman alam kung saan siya pinaglihi ni mama.
"MA! AYAW NI TOTOY IBIGAY YUNG REMOTE OH! PINATAYAN NIYA PA AKONG TV!" Sigaw ko kay mama.
"Oh!" Hinablot ko naman ang remote.
Binuksan ko naman agad ang TV at sa nakita ko nainis ako lalo kay totoy. Eh kasi naman tapos na ang pinapanood ko.
Tumakbo siya sa kwarto niya at sinarado niya ito. Nakakainis talaga!
"Aaarrrggghhh! Nakakainis ka talaga! Totoybatotoy!"
"Mga nak tumigil nga kayo sa pagaaway niyo! Ang laki laki niyo na!" Saway sa amin ni mama.
Pumunta nalang ako sa kusina para kumuha ng pagkain ko.
Pagkatapos kong kumain hinugasan ko ang pinagkainan ko at umakyat na sa kwarto.
"Makapag open na nga lang."
Kinuha ko ang cellphone ko at nag online.
Scroll lang ako ng scroll hanggang may na nakita akong lalaking gwapo sa may suggest friend.
"Ampogi niya" bulong ko.
Moreno
Nakasalamin
May nag pop na message sa akin. Tingin ko kung sino at nakita ko lang naman si keisha.
'Bessy mae😊' siya.
Oh bakit?
'Sama ako bukas'
San?
'Eh kanino pa ba sa inyo no! Sama ako sa pagpapatahi niyo ng uniform mo! Bessy ko! Tapos may pupuntahan tayo😘'
Ok😊 Bye! Tulog na ako😊
Nag log out na ako tapos pinower off ko ang cellphone ko.
Nag pray muna ako god bago matulog.
AMEN.
pinatay ko ang ilaw. Pero di ako makatulog kahit anong gawin ko wala pa rin.
Nag iba ako ng pwesto wala pa rin bumangon ako sa higaan ko lumabas ako ng kwarto ko.
Pumunta ako sa kusina para mag hanap ng pagkain o iinom na lang ako.
Binuksan ko ang kung pagkain pero wala uminom nalang ako ng tubig.
Bumalik din ako sa kwarto ko humiga ulit ako pero di parin ako makatulog.
Tumingin ako sa orasan at nakita kong 1:00 na pala ng madaling araw.
Hinayaan ko muna ang sarili ko na nakatulala hanggang sa nararamdaman ko na ang antok.
****
"Nak! Gising na! Magpapatahi pa tayo ng uniform mo!"
"Ma naman! Anong oras palang oh! Ang aga pa kaya!"
Sabado naman ngayon eh.
"Anong maaga?! Anong oras na oh tanghali na tayo oh! 9:00 dapat andun na tayo pero anong oras na oh! Mag aalas diyes! Na!"
"5 minutes!" Sabi ko sa kanya.
"Bangon na pag tayo lang talaga nahuli malilintikan ka sa akin!" Aniya.
Napabalikwas nalang ako ng bangon at alam kong seryoso siya ngayon.
Dali dali kong kinuha ang towel ko at dali dali din akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa banyo.
Pagkatapos kong maligo dumiretso ako sa kwarto at nagbihis.
Habang nagbibihis ako tinignan ko ang orasan at laking gulat ko na di pa pala time.
Hayys. Mother is the best alarm clock ever kahit di pa oras kahit maaga palang sasabihin talaga nilang hapon na o tanghali na para gumalaw galaw na ang mga anak nila.
***
To be continued...
Wattpad:
Akhian17
Instagram:
Akhira_juriz
Twitter:
Aaaakkkhhhiii
A/N:
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE!!.
VOTE,COMMENT, AND SHARE ARE HIGHLY APPRECIATED AND BE SILENT READER*^▁^*
Sorry sa mga typos and grammatical errors😊
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro