The middle [1]
"Khira gising na! Anong oras na oh malelate ka na naman!" Katok ni mama sa kwarto ko.
"Ma 5 minutes lang!"
"ANONG 5 MINUTES! SUSUSIAN KO TONG KWARTO MO AT BUBUHUSAN KITA NG MAINIT NA TUBIG!"
Napadilat na lang ako sa narinig ko. At dahil dun nagising na din ang diwa ko ng dahil kay mama.
"Gising na gising na po ang pinaka cute niyong anak!"
Bumangon na ako mula sa pagkakahiga.
Kinuha ko ang towel ko.
Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa CR para maligo.
**
"Sa ilalim ng puting ilaw! Sa dilaw na buwan!"
"Pakinggan mo ang aking sigaw! Sa dilaw na buwan! Tutotutot!" Kanta ko.
"Ate bilisan mo jan! May maliligo din dito!" Sigaw ng kapatid ko.
"At saka wag ka ng kumanta sintunado naman boses mo!" Dugtong niya.
"Wala kang pake! Malapit na akong matapos!"
Nag banlaw na ako at kinuha ko ng ang towel ko para mag punas na. Nagtapis na ako ay binuksan na ang pinto ng CR.
"Ate ang tagal mo."
Nginitian ko nalang siya.
Aba! Kinusilapan ba naman ako!
Pumunta ako sa kwarto ko para mag palit na ako ng damit. Binuksan ko ang cabinet ko para kumuha ng uniform ko.
**
"Nak, kain ka muna bago ka pumasok."
Pag kaupo ko palang sa upuan natakam na agad ako. Syempre paborito kong pagkain!.
"Oh ate hinay hinay lang" Andrei
Kinusilapan ko nalang.
Nagsimula na akong magsandok ng sangag at hotdog at itlog.
"Oh nak, hinay hinay lang di ka mauubusan" Mama.
"Hahahahaha!" Tawanan nila
Hinayaan ko nalang silang tumawa basta ako kumakain.
Buuurrrpp
"Excuse me"
Tumayo ako. Kinuha ko ang toothbrush ko at nilagyan ko na ng colgate.
***
"Ma alis na po ako!"
"Sige ingat ka!"
Lumabas ako ng bahay at nag antay ako ng tricycle. May nakita ako agad ko itong pinara.
"Kuya sa DSU".
Mga ilang minuto andito na ako sa DSU bumaba ako sa sasakyan at inabot ko na sa kanya ang pamasahe ko.
Pumasok na ako sa gate at saktong nakita ko si manong guard. Binabati ko ito ng good morning at ganun din siya sa akin.
Nagtataka talaga ako ba't nila ako pinagtitinginan ng mga tao dito? May dumi ba ako sa mukha?. Kinuha ko cellpone para tignan ang itsura ko kung maayos ba. Ok naman walang dumi maayos naman ang buhok ko.
Teka nga lang may nakadikit sa likod ko? Agad kong hinawakan ang likod ko kung may papel na nakadikit pero wala naman.
Nag kibit balikat nalang ako.
Pagpasok ko sa room parang nakakita sila ng multo ng dumating ako. Tumingin naman ako sa likod ko wala naman.
At bigla din silang tumigil sa pagdaldalan. Weird.
Ang weird ng mga tao ngayon.
Umupo na ako sa upuan ko. Nilabas ko muna ang cellphone ko habang inaantay ko muna ang flag ceremony.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalaro ko ng candy crush ng may umakbay sakin. Syempre nagulat ako tinignan ko naman kung sino iyon yun pala si Keisha na bestfriend/na kapatid ko na rin ang turing ko.
"Grabe ka naman! Kei wag ka nga manggulat!"
"Hahahaha. Sorry" sabay peace sign.
"May chika ako sayo"
"Ano?" Tanong ko naman
"Alam mo yung mga basagulero sa senior ayun bugbog sarado. yung isa naman may benda pa ulo!"
Nakikinig lang ako sa kanya.
"Tapos alam mo ba kung sino ang may gawa nun babae! Daw. Possible naman noh? tapos sabi pa 4th year high school daw ang may gawa nun!."
Uh-oh alam ko na kung saan patutunguhan nito.
"Kaya daw sila nagkaganun sinubukan daw niya kunin yung cellphone nun at saka ayaw daw ibigay dahil daw napaka halaga daw nun. Kaya yun ang ending binato daw ang cellphone niya ng bato dahil daw sa ayaw niya ibigay."
"Hindi kaya yun totoo kei niligtas lang naman ng babae yung lalaki na binugbog nila." Sagot ko
"Ano? Pano mo naman nalaman? Andun ka ba sa pangyayaring yun?" tanong niya
"Ah- eh o-oo?"
"Ba't di ka sigurado?. Aha! Ikaw yun noh yung babaeng yun? Tama ako?"
Tumango naman ako sa tanong niya.
"Ang astig mo khira!"
Napatingin agad ako sa kaniya.
"Huh? Anong astig dun?"
"Ah basta syempre"
Ting ting ting
"Bell na tara na" aya ko sakanya.
Tumayo na rin siya at sabay kaming bumaba.
Luminya na rin kami.
**
"Oh friend di ba siya yon? Yung bumugbog kila papa Ace?"Girl no.1
"Yeah siya yon!" Girl no.2
"Sana mapatalsik na siya dito noh? Dahil sa ginawa niya kay ace." Girl no. 1
Wtf! Tinignan ko lang sila ng masama napayuko naman sila dalawang malalandi sa aking likuran.
"Uyyy chiill"
Nagpatuloy lang kami sa pag akyat ng hagdan at pumunta kami sa aming classroom.
Umupo ako sa aking upuan at ganun din ang ginawa ni keisha.
Nilabas ko ang cellphone ko para mag laro habang inaantay ko ang first period namin.
kinalabit ako ni kei at tinuro niya si maam.
Tinago ko na ang cellphone ko sa bag.
"Good morning" Maam Buduan.
"Good morning maam" chorus namin.
"Where's khira?" Tanong niya.
Ayan na po tayo....
"Maam andito po." Sabi ng kaklase ko.
"Bakit po?" Tanong ko.
"Go to the Guidance office"
Napakagat nalang ako sa labi ko at bumuntung hininga nalang ako.
Tumayo ako at tinignan ko si keisha ng 5 seconds
Humakbang na ako papunta sa guidance office.
***
"Good morning po" sabi ko sa guidance councilor
"Umupo ka hija."
So yun nga umupo ako sa sofa at nilibot ko ang paningin ko nakita ko yung dalawang ugok na pinatulan ko kahapon.
Nakatingin lang sila sa akin ng masama.
Umiwas lang ako ng tingin.
"Good morning po maam" sabi ng dalawang nanay.
"Magandang araw din po umupo na po kayo."
"Maam ito po ba ang babaeng nanakit sa anak namin?" Tanong ng nanay.
Tumango siya. Haayyysssss...
"Mga iho ikwento niyo ang lahat ng ginawa sa inyo."
"Ito nga po habang naglalakad lang po kami sa eskinita..."
Tinignan ko siya. Syempre nagsisinungaling lang yang ugok na yan.
"M-may lumapit po sa amin at....at.. siya po yun."
"Tch"singhal ko.
Tinignan lang ako ng masama ng dalawang nanay.
"May h-hawak po siyang balisong at itinutok po sa aming tagiliran syempre po nagulat po kami." Dugtong niya pa.
"Sabi niya po ibigay ko daw po ang cellphone ko at syempre po ayaw po namin....."
"Ba't ko naman gagawin yun eh may sarili akong cellphone. Duuuhhhh!" Sabi ko.
"And..."Di ko na naituloy dahil bigla akong sinuway ng Mrs. Principal.
"Miss Abejuela! Wag kang bastos!"
"Sabi ko nga po."
"Sige na iho tuloy mo na."
"Eh di nanlaban po kami pero nga po malakas siya di po namin siya nakayanan kaya po ito po ang kinahinatnan namin. At saka po ang cellphone ko po kinuha niya at binato ito sa lupa maam." I rolled my eyes to him.
Gagawa na nga lang ng kwento ang di pa makatotohanan. Duh!.
"Maam pwede na po ba ako magpaliwanag kung totoo ba o hindi ang lahat ng pinagsasabi nila?"
"Malinaw na ang lahat sa akin kung sino ang may kasalanan. Kundi IKAW."
Kundi ikaw..
Kundi ikaw..
Kundi ikaw...
Ako? Ang may kasalanan di ba nila napapakinggan ang side ko ako na agad?.
"But---"
"No buts miss abejuela."
"Pero maam---"
"Wala ng pero pero khira"
"Ako ang biktima dito maam! At di sila, may pinagtutulungan sila! Maam! Isang lalaki kaya tinulungan ko siya!--"
"Maam hindi totoo ang pinagsasabi niya maa--"
Napatayo ako.
"Tumahimik ka!" Sigaw ko sa may benda sa ulo.
"STOP!"
Napatahimik kami dahil sa pagsigaw ng principal.
"Malinaw na ang lahat ng nangyari khira dahil jan sa ginawa mo at dahil jan maghanap ka na ng bago mong papasukan dahil ayaw namin mag karoon ng basagulerabg estudyante."
Wtf!.
"Maam anong ibig niyong sabihin?" Tanong ko.
"Kick out ka na sa eskwelahan na ito."
"Kick out? Eh matatangal din yang dalawang ugok na yan maam? Di ba ayaw niyo magkaroon ng estudyanteng basag ulo? Eh halos patayin na nila yung tao na pinagtutulungan nila maam?" Sarcastic tone.
"Wag mo ng ibahin ang usapan sila biktima."
"Ok fine! Kung ayaw niyong maniwala eh di lilipat na ako ng eskwelahan na hindi ko makikita ang pagmumukha ng dalawang ugok na yan!"
Lumabas na ako ng guidance office.
Nakakainis talaga! Ako pa talaga ang mali! Pano na to pano ko sasabihin kay mama? Na ganito ang nangyari?. Mahirap lang kami.
"Oh khira ba't ganyan ang itsura mo? Parang binagsakan lahat ng problema?"
Hinila ko siya sa CR at nilock ang pinto.
Yinakap ko siya. Siya ang una kong mamimiss ko sa school na to.
Umiyak ako sa kanyang balikat.
"Bakit may problema ba?"
Tumango ako. Kinalas niya ang pagkakayakap ko sakanya.
"Tinatanong kita khira may problema ba?"
Tumango ako.
"Anong problema? Sabihin mo lang sakin."
"Keisha di ko alam kung papano sasabihin kay mama na natanggal na ako sa school na to?. Kahit di ko naman kasalanan?. Sana pala di ko nalang tinulungan si bryan mula sa pagkakabugbog. Huhuhuhu. Anong gagawin ko kei?"
"Sabihin mo lang kay mama mo at sabihin mo lang ang lahat ng totoo promise! Eepek yan!"
"Talaga?"
"Oo magtiwala ka sakin naranasan ko na din yan."
"Samahan mo ko ah na mag explain."
Tumango siya. Kaya niyakap ko siya ng mahigpit ng mahigpit.
"Tama na nga tong kadramahan na to. Tara na nga sasamahan kita ngayon araw. As in now na."
"Ano! Mag cucutting ka?"
Tumango siya.
"Anong silbi ko naman dito kung wala ka?"
"Sige na nga tayo na sa room at kunin na natin ang bag natin." Sabi ko.
***
To be continued...
Twitter:
Aaaakkkhhhiii
Instagram:
Akhira_juriz
Wattpad:
Akhian17
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro