Prologue
May naririnig akong nagsisigawan at nag mumurahan. Ang hinala ko dito ay may nag aaway na mag jowa o kaya RAMBULAN!.
Pinuntahan ko ang pinanggalingan ng mga boses na iyon.
"HAHAHA! Sige pa wala pala to eh." Ang narinig kong boses ng lalaki.
"Uggghhh!"
Pinuntahan ko ang pinanggalingan na boses at laking gulat ko na binugbog ng lalaki ang isang lalaki at yung lalaking binubugbog ay pilit nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya ng isang lalaki. At yung isa naman may hawak hawak na cellphone at vinivideohan ang pangayayari at tuwang tuwang pa ito sa lahat ng pangyayari.
At mga kasamahan naman ng nangbubogbog ay tuwang tuwang at parang nagpupustahan sabihin nalang natin na nagpupustahan talaga.
"Hindi ko talaga nagugustuhan yang pinagagawa ng mga lalaking yan wala talaga umaawat sa kanila." Sabi ko.
Bumuntong hininga ako.
"Nakakaawa, wala talagang gustong umawat sa kanila o sumuway man lang? Balak ba nilang patayin yang lalaking yan?" Tanong ko sa sarili ko.
Nakatayo lang ako sa gilid nila para manlang maagaw ang atensyon
"Hoy!" Sigaw ko sa kanila.
Lumingon naman sila sa gawi ko.
"Uyy chicks pre!"
"Witwew!"
"Naks!"
"Kinis!"
Napapikit nalang ako sa inis.
"Hindi ko kailangan ang mga papuri niyo at yang nakakabastos na catcalling niyo sa kin."
"Yan ang gusto ko sa isang babae palaban!" Sabi ng nagvivideo
Tinutok niya sa akin ang camera.
"Tigilan niyo na siya." Mahinahon kong pananalita.
"Habang nakakapagtimpi pa ako." Dugtong ko.
"Feeling hero huh?" Sabi nung nambubogbog.
"Supergirl?" Sabi nung isang audience na lalaki.
Sabay silang tumawa.
Talagang ginagalit nila ako ha? Tignan lang natin.
Tumingin ako sa paligid ko para may ipambabato sa kanila para tumigil sila sa kakatawa.
Nang may nakita akong batong maliit kinuha ko ito at binato ko ang may hawak na cellphone.
Nagulat sila sa ginawa kong pagbato at tumahimik lang sila ng ilang segundo napatingin sa cellphone ng lalaki.
"3 points" sabi ko sinabayan ko ng pagngisi ko para lalo silang maasar.
"WALANG HIYA KANG BABAENG KA ALAM MO BA MAGKANO ANG CELLPHONE KO?!" Sigaw ng lalaki
"Uhmmm..." napahawak ako sa baba ko na para bang nag iisip.
"I think 25 cents?"
Namula naman ang lalaki sa galit.
"Wala akong pakielam kung babae ka." Sabi ng nambugbog.
"What's pake?"
"Miss please lumayo ka nalang dito baka ikaw ang pagbuntungan." Sabi nung lalaking nabugbog.
"Please mga kuya umalis na kayo dito kung ayaw niyong masaktan." Mahinahon kong pananalita.
"Eh sa ayaw ko?" Sabi ng videographer.
"Wala akong pakielam kung babae ka miss kung gusto mong sumali sa away namin sumali ka wala akong pakielam at saka gagantihan muna kita sa paninira ng cellphone ko." Dugtong nito
Tuluyan na niya hinulog ang cellphone niya sa sahig.
At dahan dahan siyang lumalapit sa akin.
Napangisi nalang ako sa mga gagawin ko mamaya di niya alam kung anong kakayahan kong gawin.
"Kaya mo ba akong saktan?" Pa inosente kong sagot.
"Paano kung sinabi kong oo?"
Nagkibit balikat nalang ako.
Nang susugod na siya at akma na akong susuntukin napailag naman ako.
"Wala ka pala eh pre!" Kantyaw ng kasamahan niya.
May dinukot siya sa bulsa niya. At nakita kong may balisong siya.
Inaasahan ko talaga na gagawin niya to eh.
"Natatakot ka ba miss?" Tanong niya.
"No" napangisi nalang siya sa sinabi niya.
Dami pa talagang satsat eh di pa simulan.
Nang iaatake niya sa akin ang balisong niya napailag nanaman ako papahangain ko muna sila.
Patuloy parin siya ng atake ng atake pero ilag naman ako ng ilag.
Nang itatapat niya sa may bandang kaliwang pisngi ko napailag ako sa kanan at ito na ang tyempo ko para ako naman ang aatake sinipa ko kamay niya at sinipa ko din ang sikmura niya. Nabitawan na niya ang balisong at napaluhod sa sakit.
"Done" sabi ko
"Miss sa likod mo!"
May nakita akong tumatakbo sa likod at akma naman ako papaluin ng tabla nang umiwas ako para di ako tamaan. Sakto naman na katapat ko si videographer at ito ang napalo.
"Uggggghhh" sigaw niya.
"Walang hiya kang babae ka!" Binitawan na niya ang hawak niyang pamalo.
Akma niya akong susuntukin sa mukha ng yumuko ako at sinuntok ang sikmura niya.
Napaluhod din siya sa sakit at may balak pa siyang tumayo hinayaan ko naman.
Nang susuntukin niya ako inunahan ko na siya sinuntok ko ang panga at pisngi tapos sinikmurahan ko kaya yon knock out.
"Next?" Tanong ko
Walang umimik.
Kaya naghanap nanaman ako ng bato yung maliit lang at may nakita ako napakaraming bato na nakatambak lang sa gilid kumuha ako ng marami.
"Hoy kayo umalis na kayo rito bago ko pa ipagbabato ko sa mga mukha niyo tong hawak ko."
Binitawan na nga nila yung lalaki at tumakbo na sila ng mabilis.
"Di man lang nila sinama tong dalawang ugok na to."
Nilapitan ko yung lalaki at umupo ako para mapantayan ng laki.
"S-salamat" sabi niya.
"Welcome" ngiti ko sa kanya.
"Anong pangalan mo?"
"B-bryan"
Inangat ko ng konti ang mukha niya at tinignan ko.
Halos pumutok na ang labi niya at ang bandang baba ng mata ay bumukol halos di na niya maidilat ang kanan niya mata.
"Kilala ko yung mga nanakit sayo bryan nag aaral sila sa DSU ( DIAMOND STATE UNIVERSITY)"
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Inilahad ko kamay ko para tulungan siyang tumayo. Kinuha niya ang kamay ko at tumayo ito.
Alam kong di pa niya kayang maglakad kaya kinuha ko ang kanang kamay at nilagay ko sa kanang balikat ko hinawakan ko naman sa may bewang niya upang alalayan ko siyang maglakad.
Nagsimula na kaming maglakad at may nakita akong tricycle pinara ko ito.
Sumakay na kami sa loob ng tricycle.
"Sa steward St." Sagot niya.
"Manong sa Steward st. Ho" sabi ko sa driver.
Mga ilang minuto andito na kami Steward St.
Bumaba ako at inalalayan ko si bryan na bumaba kumuha ako ng barya para ibayad kay manong driver.
"Bayad ho naming dalawa"
"Napa ano yang kasintahan mo iha?" Tanong niya.
"Ah-eh hindi ko po siya boyfriend tinulungan ko po siya sa nambubog sa kanya." Sagot ko at binigay ko yung bayad ko sa kanya.
Pinaandar na niya yung sasakyan niya at umalis.
"Saan bahay niyo?" Tanong ko.
"Ayun" turo niya.
Naglakad na kami sa papunta sa bahay niya.
"Dito na."
Napatingin ako sa bahay nila simple lang at maganda di naman sila mayaman at di din sila mahirap sadya lang na may kaya.
"Pasok na tayo" aniya.
Binuksan ko ang gate ng bahay nila.
Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad at susubukan ko na sanang buksan ang pinto ng bahay nila pero pinigilan ako ni bryan at binigay sa akin ang susi.
Inunlock ko ito at pinihit ang doorknob tapos pumasok kami sa loob. Pinaupo ko muna siya sa sofa.
"Bryan kuha lang ako ng yelo sa ref niyo tapos may first aid kit ba kayo?" I asked.
"Yeah nasa aparador dun sa may kusina." Sagot niya.
Pumunta ako sa kusina nila kumuha ako ng bowl para paglagyan ng yelo at hinanap ko din ang first aid kit nila.
Nang nahanap ko lumabas ako sa kusina at dumiretso ako sala para gamutin siya.
"Here." Ako.
Nilabas ko ang panyo ko at binalutan ko ng yelo.
Sinimulan ko na siyang gamutin.
"Anong ginawa mo bakit ka nila binugbog?" Tanong ko.
"Hinamon nila ako."
"Ano?! Hinamon?! It means ikaw lang?"
"Yeah sabi kasi nung ugok na yon, na dalawa lang kami at di ko naman na aakalain na ganon pala ang mangyayari---Aray! Dahan dahan naman!"
"Tanga ka naman pala eh! Ba't ka pa pumayag! Eh di kung di ako dumating eh di patay ka na!"
"Ang oa mo" sagot niya.
"Kilala ko yun mga yun siga siga sila sa DSU. Parang balak nga nilang patayin ka eh."
"A-a-ray!. Dahan dahan naman oh parang gusto mo ata akong patayin eh."
"Pero sa hamon di masakit pero pag gagamutin ka masakit?" Sarcastic tone.
"Syempre magkaiba yon syempre yan mahapdi"
Speaking of mahapdi kumuha ako ng bulak at nilagyan ko ng alchol.
"Uyy wag yan mahapdi yan"
"Hindi parang kagat lang ng langgam to."
Sinumulan ko ng pahidan.
"A-a- a ray! Wag masakit dahan dahan lang!"
Lalo ko itong diniinan sa may sugat.
"A-a-ww machakit!"
Nilapag ko ang bulak na may alcohol sa sofa.
Kumuha naman ako ng panibagong bulak para sa betadine.
Hinayaan naman niya ako sa pagpapahid sa mukha niya. Nang natapos ko ito niligpit ko ang mga gamot at nilagay ko ito sa lalagyanan.
Inangat ko ang paningin ko at nakita ko siyang nakatitig sa mukha ko umiwas siya ng paningin sakin.
Nang tatayo na dapat ako hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa pagtayo.
"Thank you supergirl"
Ngumiti lang ako sa kanya at umiwas ako ng tingin. Tumayo ako para ibalik ko ang mga gamot sa lalagyanan.
"Uhmm. Bryan aalis na ako"
Lalabas na sana ako ng tinawag niya ako.
"Sandali! Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong niya.
"Secret" sagot ko.
"Secret? Ang pangalan mo?"
"No. Basta ayoko lang sabihin"
Papaalis na sana ako ng napahinto ako dahil sa narinig ko.
"Salamat supergirl sana magkita muli tayo!" Napangiti nalang ako.
~~~
To be continued.....
Wattpad:
Akhian17
Instagram:
Akhira_juriz
Twitter:
@Aaaakkkhhhiii
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro