EPILOGUE (4)
Dedicated to: GonFreecs545913
EPILOGUE (4)
OLLIVANDER SIMS
Ilang araw na n'ya akong 'di kinakausap. Kung aabangan ko s'ya sa parking lot, lalagpasan n'ya lang ako at nakikisakay sa kotse ng kan'yang kaibigan.
Gusto naming pag-usapan kung ano man ang problema namin pero s'ya itong ayaw. Gulong-gulo na ako at hindi rin masyado maka-focus sa pag-aaral at tarbaho kung ganito.
Hindi ko inaasahan na pupunta s'ya sa room ko, hindi pa n'ya ako pinuntahan dito noon. Nabuhayan ang patay kong sistema nang makita s'ya sa labas.
“Kaibigan 'yan ng nimamanmanan ko,” mahinang bulong ni Refugio habang nakatingin sa labas.
Hindi ko s'ya kinausap at mabilis na tumungo ro'n nang makitang kinakausap s'ya ng ka-blockmates ko.
“Senka,” tawag ko sa kan'yang pangalan.
Pagod ako pero dahil sa kan'ya nabuhayan ang puso ko, s'ya 'yong pahinga ko, eh.
“H-Hindi pa uwian, uwian n'yo na ba?” tanong ko pero sumingit ang lalaking ka-blockmates ko, 'di ko s'ya kilala dahil wala naman akong pakialam.
“Friend mo, Ollivander?" Umakbay s'ya sa akin na parang magkabarkada kami. “Pakilala mo naman ako, oh. Ilakad mo naman ako sa kan'ya.”
Napantig ang taenga ko sa kan'yang sinabi. Blangko ang mukha kong nilingon ko s'ya. Minumura ko na s'ya sa isip ko, ayaw ko namang ubulalas dahil ayaw iyon ni Senka.
“Hindi p'wede, akin s'ya,” mariin kong bulalas at inalis ang kamay n'ya. Gusto kong baliin iyon, ayaw ko namang maging masama sa paningin ni Senka kaya 'wag na.
Kaagad kong hinila ang kamay ni Senka at umalis do'n. Tila may hinahanap ito, unang pumasok sa isip ko ang lalaking iyon. D*mn him.
“H'wag mo s'yang tignan,” inis kong anas at huminto sa hagdanan.
Yumuko s'ya. “Hindi naman, eh.” Bumusangot ang kan'yang mukha na ikinabuntong hininga ko.
Hindi ko kayang panatilihing seryoso ang mukha ko, lumalambot ako lalo dahil sa malungkot nitong mukha.
Inangat ko ang kan'yang baba. “B-Bati na ba tayo, darling? Ano ba kasi ang problema natin? Sabihin mo naman, oh. Ayaw kong tumagal na ganito pa rin tayo.”
Hinila ko s'ya sa gilid kung saad walang makakita sa amin, madilim din ang pwesto namin kaya panatag akong walang makakita lalo pa't may klase pa.
“Limang araw mo na akong 'di kinakausap ng maayos. P-Pakiramdam ko ayaw mo na sa akin.” Niyakap ko ang kan'yang beywang at sumubsob kaagad sa kan'yang leeg. “Miss na kita kahit kasama kita palagi. Miss ko na 'yong mga halik at taray mo sa akin.”
I miss all about her, kahit 'yong simpleng tingin n'ya sa akin, hindi kasi n'ya ako tinitignan.
“Mahal mo pa rin ako 'di ba?” desperado kong tanong, gusto kong malaman ang nararamdaman n'ya ngayon dahil kahit anong tampuhan namin, s'ya pa rin ang mahal ko.
Tumango s'ya. “Oo naman, naiinis lang ako sa 'yo.” Niyakap n'ya ako kaya naman nakaginhawa ako, mas humigpit ang yakap ko sa kan'ya.
“I love you. Sabihin mo sa akin kung anong kinaiinisan mo sa akin. Gagawin ko ang sasabihin mo.” Hinalikan ko ang noo n'ya.
Gusto n'yang pumunta kami sa condo ko. Walang problema kung utusan n'ya ako o kung ano man ang kan'yang hilingin, tutuparin ko. Ayaw ko lang na hiwalayan n'ya ako o baliwalain.
Kung sa iba simple lamang ito pero para sa akin sobrang laki na ang problema namin. Hindi ko kayang nagagalit s'ya sa akin, feeling ko kasi hindi na n'ya ako mahal.
Hindi ko pa kayang sabihin sa kan'ya na almost eight years ko na s'yang sinusubaybayan. Nahihiya ako, para na akong baliw sa paningin n'yan.
Parang kinabahan pa s'ya nang malaman na sobra pa sa mahal ang nararamdaman ko sa kan'ya. Obsessed na kung gano'n pero iba 'yong kahulugan ng pagmamahal ko sa kan'ya.
Humigpit ang yakap ko sa kan'ya. “Gusto kong makita mo ang buong pagkatao ko, would you still love me after this?”
Humiwakay s'ya sa yakap at nakangiting tinignan ako. “T-Talaga?”
Napangiti rin ako, ito pala ang gusto n'yang malaman sa akin. Matagal ko nang inisip ito at handa na ako ngayon.
“Do'n sa kwarto.” Marahan ko s'yang hinila para tumungo ro'n.
“Sure ka na ipapakita mo lang sa akin? Walang kababalaghan?” Makahulugang tinignan n'ya ako, tinaasan pa ako ng kilay.
Saglit na kumunot ang aking noo. “Wala namang multo ro'n. Tara na.”
Takot ba s'ya sa multo? Hindi ko talaga alam kung may multo ro'n pero ipapa-blessing ko kaagad bukas.
Nakaupo kaming dalawa sa kama habang magkaharap.
“Napipilitan ka lang ba?” Umusog s'ya ng konti. “H'wag mo nang sabihin kung hindi ka ready.”
Napasabunot ako sa aking buhok at nilapitan s'ya. “H-Hindi sa gano'n, darling. Baka kasi mandiri ka sa mukha ko.” Kahit ready ako, kinakabahan din naman ako.
“'Yan ang iniisip mo?” Napasinghap s'ya. “Sabi ko naman sa 'yo una pa lang na wala akong pakialam kong pangit ka o ano man ang mero'n sa mukha mo 'di ba? Minahal ba kita dahil d'yan?”
Umiling ako, natutunaw ako sa kan'yang mga titig at sa mga salitang pinagaan ang loob ko. Wala talaga s'yang kaalam-alam na isa s'yang mabait na babae.
“I don't care kung nakakatakot man o nakadidiri iyan, mas importante sa akin 'yong inner beauty, I don't care about the looks, okay?”
Kaya n'yang pagaanin ang loob ko. I was leaving in the dark pero hinila n'ya ako sa liwanag.
Tuluyan ko nang naalis ang aking mask sa mukha, nakatitig s'ya sa akin.
“This is Ollivander, darling. Still your darling that you love.”
Hindi n'ya inalis ang tingin sa akin na ikinabahala ko
“D-Don't look at me like that.” Yumuko ako, hindi ako gano'n ka-confident sa sarili kaya nga ayaw kong ipakita ang mukhang ito.
“No.” Bigla n'yang tinaas ang baba ko at hinaplos ang peklat ko na nasa panga.
Hindi man lang s'ya nandiri o ano sa mukha ko. Kumikinang pa nga ang mga mata n'ya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nakahinga ako ng maluwag dahil do'n.
Sinabi ko sa kan'ya kung bakit ako mayro'n ako ng ganito. Matagal ng may sakit si Mama at sa tingin ko nga nahawaan na rin kami ng kapatid ko. Pinagbubuntis pa lang n'ya kami ay baliw na talaga s'ya.
Kaya siguro may kakaiba sa akin minsan na hindi ko maipaliwanag. Natatakot ako na baka lumala ito.
“Senka...”
“Gusto ko 'yong scars mo.” Pinalandas n'ya ang aking daliri sa gilid ng aking labi. “Wala ka dapat ikatakot, Olli kung ayaw nila sa peklat mo. You shouldn't hide anymore especially na nandito na ako ngayon sa tabi mo. You're not alone anymore.”
Napangiti ako ng malapad, at napahigpit ang kapit ko sa kan'yang beywang. "Nand'yan ka na sa aking tabi. You made my world complete, darling. I cherish you the most.”
We kissed like there's no tomorrow. Madamdaming sinipsip at hinalikan ko s'ya sa labi, this is the second time na naghalikan kami mismo sa labi.
“I miss you.” Pumantay ako sa kan'yang mukha.
“M-Magkasama naman tayo palagi.” Namumungay ang kan'yang mga tingin na ikinainit ng nararamdaman ko, s'ya lang ang tanging makakagawa nito sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa kan'yang dibdib. Not too big at hindi rin gaano kaliit, but I like it. It was cute.
“C-Can I suck this?” Hinawakan ko ang ribbon ng kan'yang uniform, gusto ko nang alisin ito. “I just miss you so much, I think I'm thirsty, I need m-milk.”
Nauwi kaming nakahubad na pareho. I want her, pero mahapdi pa raw. Kaya ang ginawa ko na lang ay idinikit ko na lang 'yong akin sa kan'ya habang dumadaosdos.
“Olli!” halinghing n'yang sambit sa pangalan ko na mas nakapagdagdag ng sensasyon ko.
“Look at me, darling,” utos ko na ikinasunod n'ya, gusto kong makita ang reaksiyon n'ya sa tuwing gumagalaw ako.
“Oh, d*mn.” Napapikit ulit s'ya ng mga mata, ramdam kong malapit na s'ya dahil sa higit ng yakap n'ya sa akin.
“S-Salamat.” Ngayon ko lang napagtanto na ibang-iba pala ako kung sinasaniban ako ng sensasyon, I can't get enough with her.
Niyayakap ko s'ya nang maramdaman ang kan'yang kamay sa ibaba ko. Madali akong labasan kung s'ya ang gumagalaw. Ayaw ko sanang umabot sa kasukdulan ngunit gusto n'ya, kaya nagpaubaya ako. I'm willing to give my whole to her.
~•~•~•~
Hindi alam ni Senka na nagtatarbaho ako sa restaurant na pagmamay-ari nila. Gusto ni Tita na patunayan ko ang aking sarili na karapat-dapat ako, kaya tinanggap ko ito.
Minsan nakalilimutan ko nang kumain dahil sa gusto kong ihatid-sundo si Senka kahit busy ako sa dalawang tarbaho at pag-aaral. Hanggang sa bigla lang ako nag-collapse habang nagtatarbaho.
“I'm so sorry, hijo. Hindi na iyon mangyayari dahil kinausap ko na ang asawa ko,” paulit-ulit na humihingi ng paumanhin si Tito sa akin, binisita n'ya ako sa hospital kung saan ako naka-confine.
“Wala po iyon,” mahina kong tugon. Hindi ko pa kayang bumangon dahil sa bagsak na ang katawan ko.
“Sasabihin ko ba ang tungkol dito kay Senka?” tanong n'ya na maagap kong inilingan.
“H-H'wag po, baka mahisterikal s'ya kung malaman n'ya.”
Ayaw kong malaman n'yang nahihirapan ako, worth it naman dahil mahal n'ya ako. Panliligaw ko na lang ito sa kan'ya since naging kami kaagad. I am willing to do anything just for her.
Pero dumating sa punto na hindi ko s'ya nahatid o sundo, hindi ako nagpakita sa kan'ya dahil sa 'di inaasahang pangyayari. Dahil sa pinaghalong pagod at puyat ay sinumpong ako ng lagnat, worst naging blangko ang utak ko at hindi ko na alam ang pinaggagawa ko.
Nang mahimasmasan ako tinanong ko si Kuya Radioro kung anong ginawa ko. Sa klaseng tingin pa lang n'ya ay alam ko na kung anong mero'n sa akin. Wala ako sa sarili, muntik ko nang maipahamak ang sarili ko kung 'di lang ako binantayan ni Kuya.
Hindi ako nakapasok sa school dahil sa kalagayan ko kaya tumungo ang kaklase kong si Ayna para tapusin ang aming project. S'ya mismo ang pumasok sa kwarto ko habang nagpapahinga pa ako no'n.
Parang may mali sa set-up namin pero sinawalang-bahala ko na iyon. Sinubukan ko s'yang tulungan kahit papaano sa project kahit hindi pa ako gano'n kagaling.
Hindi ko inaasahang tutungo rito si Senka. Nagulat man ay hindi ko pinahalata na may kakaiba sa akin.
Nilambing ko s'ya at pinupuri ang bawag detalye n'ya ngunit tila malayo ang kan'yang iniisip. Nabahala ako ro'n.
Napabuntong hininga ako bago s'ya pinakawalan. “Tapusin na namin ang project, darling. Hindi ko alam kung kailan ito matatapos, baka hindi na rin kita maihahatid sa bahay mo.”
Kahit gusto kong ihatid s'ya ay hindi p'wede, baka mahalata n'ya na nanghihina ako.
Tila pinagsakluban ako ng langit nang umiwas s'ya ng tingin at tumango. “Dinalhan lang talaga kita ng kape, nothing more.”
Natulala ako sa pagkabigla.
“Aalis na ako. Sana matapos na ang projects n'yo,” dugtong n'ya at hindi ko namalayang umalis na pala s'ya sa aking tabi, minsan naba-blangko ang utak ko kaya hindi ko masabayan ang bawat pangyayari.
Tinawag ko s'ya pero tinalikuran kamang n'ya ako. Hindi ko nagawang habulin s'ya dahil sa konsensya. Ang tanga ko na hindi kaagad pagtanto na hindi ko dapat basta-basta pinapapasok dito si Ayna.
Siguro umalis s'ya at iniwan ako dahil sa katangahan ko. Hinarap ko na lang ang project ko ma hindi matapos-tapos.
Sa sobrang pag-iisip ko kay Senka ay hindi ko na namalayang hindi ko na makontrol ang galit ko, naging blangko na naman.
Hanggang sa naramdaman kong may yumakap sa likuran ko. Sa pagkakaakalang si Ayna iyon ay marahas akong lumingon. Gano'n na lang ang pagkawala ng kunot-noo ko nang makitang bumalik s'ya, hindi naman ito imahinasyon 'di ba?
Agad ko s'yang niyakap na ikinaigtad n'ya. Wala na sa isip ko kung anong nangyayari sa akin, si Senka lang ang kinababahala ko ngayon.
“S-Sorry, darling kung may nagawa akong mali,” garalgal kong sambit. “Please, h'wag mo naman akong talikuran ng gano'n. Natatakot ako, darling. S-Sige na, oh ihahatid kita, 'wag ka nang magalit sa akin.”
Gagawin ko ang lahat sa kan'ya basta h'wag n'ya lang baliwalain ako. Hindi ko kaya. Kahit mag-collapse pa ako wala akong pakialam na.
“I'm sorry, darling,” mahina n'yang sambit at pinaharap ako sa kan'ya. “Sorry kung hindi kita inintindi. N-Namiss kasi kita tapos nakita kong may kasama 'kang iba.”
Pinagdikit ko kaagad ang aming labi. Sabik ako sa pagmamahal n'ya, sabik ako palagi sa kan'ya.
Humiwalay ako sa malalim naming halikan. “Sorry, hindi ako nakapag-isip ng mabuti at tanging nasa isip ko ay matapos ng madalian ito para makapag-date tayo sa labas. Gusto kong makasama ka na kasi.”
Umiling s'ya. “H'wag 'mong madaliin, Olli,” sabat n'ya. “Makakapaghintay naman ako basta i-text mo ako minsan kung anong ginagawa mo.”
“I'll take note about that. Sorry ulit, nakalimutan ko na naman.”
Again, hindi ko makontrol ulit ang sarili ko. Nawawala ako sa aking sarili at sa puntong iyon, natatakot akong magpakita kay Senka.
What if kung matakot s'ya sa akin? Kapag gumaling ako, ro'n na lang ako magpapakita.
~•~•~•~
Hindi ako mapakali sa condo kaya nang maramdaman kong ayos na ako ay tumungo ako sa kanilang bahay kahit gabi na.
Dala ko ang aking motor, pumarada ako sa harapan ng gate nila. Bago pa man ako makababa ay nakita ko ang papalayong kotse na nakaparada kanina sa harapan ng gate ni Senka.
Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin ngunit nabahala rin na baka sumama ro'n si Senka dahil wala s'ya sa kanilang bahay. Kinakabahan ako sa 'di malamang dahilan.
Baka... Baka may pupuntahan sila ng pamilya n'ya. Right, babawi ako bukas kung ayos ulit ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro