EPILOGUE (2)
Dedicated to: GonFreecs545913
OLLIVANDER SIMS
Lumipas ang ilang linggo na naging mas malapit pa kami a isa't-isa tulad ng gusto kong mangyari. Kadalasan hindi ako umaalis sa kan'yang tabi para lang makasama s'ya. Palagi akong nakadikit sa kan'ya animo'y iiwan n'ya ako bigla.
May pagkakataon na gusto kong sabihin sa kan'ya ang lahat tungkol sa akin. 'Yon nga lang, matatanggap ba n'ya ako? Natatakot ako.
“Anong favor?” tanong ko.
“C-Can you describe your appearance or looks? Mata lang kasi ang nakikita ko sa 'yo.” Umiwas s'ya ng tingin na ikinabahala ko, pinipisil n'ya ang kamay kong hawak n'ya kaya napanatag ako.
Alam kong itatanong n'ya ito. Naging malapit na kami kaya bakit hindi pa n'ya ako tuluyang kilala? Tanong ko iyan sa sarili ngunit sinasapawan ng pangamba ang dibdib ko sa tuwing iniisip ko ang bagay na iyon.
Dinala ko s'ya sa 'king dibdib at niyakap s'ya sa beywang. Hindi naman s'ya nagprotesta kaya nakasanayan ko nang gawin ito. Nagiging mahinahon ang isip ko sa tuwing yakap ko s'ya o hawak ko ang kan'yang nga kamay.
Tumikhim ako. “S-Sure, simple lang naman mukha ko. Maputi, makinis at walang dimple.”
May peklat sa panga at gilid ng labi... Gusto kong dagdagan ngunit baka mandari s'ya.
“Sapat na iyon.” Ngumiti s'ya sa sa 'kin. “Eh, buhok mo?”
Naningkit ang mga mata nang makitang parang kumikinang ang kan'yang mga mata.
“Hindi gano'n kaikli at hindi rin mahaba ang buhok ko. May hibla sa 'king buhok na kulay puti.”
Tila naging sabik s'ya sa ano man ang sasabihin ko. Para 'bang matagal na n'ya itong hinihintay.
“Kita mo siguro na kulay abo ang mga mata ko,” ani ko.
Kumapit s'ya sa balikat ko at nilapit ang mukha sa 'kin. Nagulat ako at inalalayan ito sa beywang dahil kung hindi, baka masalo ko ang kan'yang mga labi.
“I like your eyes,” bulong n'ya habang titig na titig sa 'kin. “Hazel brown 'yong akin pero mas maganda 'yong sa 'yo.”
Mas gusto ko ang kan'yang mga mata. Ordinaryo lang para sa iba ngunit sa akin, parang dinadala ako sa ibang planeta.
“I like your eyes more. Sa tuwing tumitingin ako rito, parang dinadala ako sa ibang dimension. Pareho ba tayo, Senka?” tanong ko sa huli.
Dahan-dahan s'yang tumango na mas lalong ikinangiti ko. Normal pa ba ang tibok ng aking puso ngayon? Para kasing tumakbo ako sa mahabang kalsada.
~•~•~•~
Nagdaan ang araw na palagi kaming magkasama. Ramdam kong napapalapit na ako sa kan'ya at hindi ko inaasahang mabilis akong nakapasok sa kan'yang buhay.
Nahalata rin n'ya ang pagiging clingy ko, para kasing naglo-loading pa ang utak ko tuwing kasama s'ya. Parang simula pa lang ito sa amin.
“May iba ka yatang babae,” bigla n'yang bulalas na ikinatingin ko sa kan'ya, napangiti ako ng malapad sa likod ng aking mask.
“Ano?! Totoo 'no?” histerikal n'yang tanong, umupo s'ya sa 'king labi at inagaw ang laptop. “Saan dit— what's this?”
Salubong ang kilay at nakangiwi s'ya habang tinitignan ang nasa laptop. Mahina akong napatawa dahil sa kan'yang itsura.
“Nagco-coding ako,” ani ko at inagaw sa kan'ya ang laptop, malapit ko nang ma-hack ang account ni James.
Hindi ko naman gagawin ito kung hindi ako galit o selos. Isa si James na kumaibigan sa akin at hindi ko kailangan ang katulad n'ya na manloloko. Tanga-tangahan lang ako minsan pero iba na ang tumatakbo sa isip ko.
May pinaplano silang magbabarkada sa akin. They are using me para mapalapit kay Senka at kapag nagawa ko iyon, akala nila ibibigay ko sa kanila ang pagmamay-ari ko.
Simula pa lang akin na si Senka. Kahit hindi n'ya ako pinapansin noon ay sa akin pa rin s'ya.
“Para saan? Proyekto n'yo ba?” Sumuot s'ya sa aking harapan at pilit na pinagkasya ang sarili sa pagitan ng aking hita, napatalon naman ako sa pagkabigla.
Binuka ko ng konti ang aking hita nang umupo s'ya sa gitna ko. Sobrang liit n'ya sa pagitan ko at nagugustuhan ko itong puwesto namin. Gusto ko tuloy s'yang yakapin, baka kasi mabigla s'ya.
“Not really,” sagot ko. “Secret lang natin 'to, ah.”
Sinabi ko naman sa kan'ya ang ginagawa ko ngayon, akala ko magagalit s'ya ngunit hindi, nag-alala s'ya na baka ma-trace ako at siguradong malaking problema iyon. Private account ang pinasukan ko at bawal iyon, ngunit hindi ako matatahimik kung hindi ko malaman ang kanilang plano.
Ilang saglit lang ay bigla s'yang sumandig sa 'king dibdib, napatigil ako sa aking ginagawa at pinakiramdaman ang kan'yang hininga.
Nang maramdamang malalim na ang kan'yang paghinga, dinampian ko ng matagal na halik ang kan'yang noo at niyakap ang malambot n'yang katawan. She's too precious, I'm afraid that I might break her gorgeous body.
~•~•~•~
Nasa kalagitnaang hinahanap ko ang aking kaibigan nang makita si Senka na umiinom ng alak sa bartender counter. Halos mga lalaki sa paligid nakatingin sa kan'ya, tila napigtas ang ugat ko sa utak.
“Anong ginagawa mo rito, Senka?” agad kong tanong nang nakalapit ako sa kan'ya.
Gulat na napatingin s'ya sa 'kin, umalis s'ya pagkakaupo at kunot-noo akong tinignan ang kabuohan ko.
“Eh, ikaw? Anong ginagawa mo rito?” gulat n'yang tanong.
Napasabunot ako sa hanggang balikat kong buhok, hinawakan ko s'ya sa balikat. Hindi p'wedeng manatili s'ya rito, paano kung wala ako sa tabi n'ya? Nandito pa naman si Andrei, kakilala ko na may gusto kay Senka.
“Ihahatid kita,” mabilis kong sambit, akmang hihilahin ko sana s'ya ngunit ayaw n'yang sumama.
“Hindi pa tapos ang party, Olli!”
inis n'yang sigaw sa akin.
Mas lalo akong nakaramdam ng balisa. Hindi ko maawat ang pagkabog ng dibdib ko sa pangamba. Bumalik ulit ang kaba sa aking dibdib na dapat noon ko pa pinigilan.
“M-Maraming lalaki rito.”
Tinaasan n'ya ako ng kilay. “Oh? Ano naman kung maraming lalaki rito?”
Tumaas-baba ang dibdib ko at hindi masyado makatingin sa kan'ya.
“T-Takot ako na baka... May mahanap 'kang iba rito.” Yumuko ako at niyakap ang maliit n'yang beywang, natatakot na baka agawin s'ya sa akin. “A-Ayaw ko namang i-pressure ka kung ano ba talaga tayo, Sen. Gusto k-ko lang makasigurado.”
Hindi ako pala iyak na tao at hindi rin ako mahina ngunit kaya n'ya akong durugin sa simpleng baliwala n'ya sa akin. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kan'yang beywang, wala na akong pakialam kung ganito ako kalapit sa kan'ya.
Wala pa akong kasiguraduhang kaya n'yang tugunan ang nararamdaman ko. Pero sana kahit man lang makalapit sa kan'ya at h'wag s'yang lumapit sa lalaki gawin n'ya, sa tingin ko kasi kaya kong makasira.
Nanlalamig ang kamay na hinawakan ko ang kan'yang magkabilang pisngi, inangat ko ito para pumantay sa 'king mukha.
Gano'n na lang ang gulat ko nang pahidin n'ya ang aking luha. Hinalikan n'ya ang noo ko kaya tuluyang napatalon ang katawan ko sa kiliting lumukob sa akin.
“I'm sorry, darling kung 'di ko kaagad nilinaw kung ano ba talaga tayo.” Masuyo n'yang hinaplos ang leeg ko. “Akala ko alam mo na kung ano tayo, pero ang slow mo pala.”
Kumunot ang noo sa kan'yang sinabi. Hindi ko na s'ya na tanong tungkol do'n dahil kaagad n'ya akong niyakap, nagkabanggaan ang mainit naming katawan.
Kami na at sobrang nangingibabaw ang saya sa aking dibdib. Paano nangyari iyon? Hindi pa kami gano'n kakilala pero agad na n'ya akong sinagot. Pero kahit gano'n, liligawan at ipaparamdam ko sa kan'ya na tanging s'ya lang ang babae ko.
Akala ko makakaalis na kami ni Senka sa bar na 'to nang biglang dumating ang mga kaibigan ni James.
Kinatatakutan ko na baka magustuhan ni Senka si Andrei. Isa s'ya sa sikat na lalaki sa aming colleges batch at wala 'pang babaeng nakatanggi sa alok nito. Bilang isa sa babae ni Andrei ay isa na iyong tagumpay para sa kanila.
“Explain yourself, Olli.” Pinagkrus n'ya ang mga braso sa dibdib. “Gusto ko malaman mismo sa 'yo. Totoo 'bang ikaw 'yong mata nila para malaman kung anong ginagawa ko araw-araw?”
Niyakap ko s'ya at hindi hinayaan na umalis sa aking tabi. Hindi pa tamang oras ngayon na sabihin ang tungkol sa bagay na iyan ngunit kung hindi ko sasabihin ang totoo, tuluyan na n'ya akong lalayuan.
Hindi ko s'ya niloloko. Oo tinanggap ko ang utos ni Andrei pero wala akong planong ibigay s'ya sa kanila, I'll keep her with me.
“I love you, darling. Please, maniwala ka sa 'kin. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi kita hinayaang sumama sa 'kin tuwing recess, they'll see you and I don't want to.” Pagmamakaawa ko pa rito.
Hindi naman ako nahirapan na ipaliwanag sa kan'ya ang lahat. Tinanggap n'ya ulit ako at tinatak ko sa aking sarili na hindi na ako susunod pa sa ibang tao. Si Senka lang ang tanging makakapag-utos sa akin.
Hinawakan n'ya ang aking pisngi at pinaharap sa kan'ya. Her hazel eyes is looking at me like I'm the most important person for her.
“I love you, darling. Sorry kung may pagkakamali man ako.”
Normal pa 'bang makaramdam ng ganito kabilis na tibok ng puso? Sa tingin ko'y mababaliw na ako.
Binaklas ko ng dahan-dahan ang aking mask. Nataranta naman s'ya sa ginawa ko, hindi naman n'ya makikita ang mukha ko dahil nasa madilim kaming parte.
“Lahat ng tao nagkakamali, Senka. Hindi ka robot na kailangan perpekto ka sa paningin ng tao.” Hinawakan ko ang kan'yang mukha. “Ayos lang kung magkamali ka man, it's part of being human, darling. Being with you makes everything perfect and I love your imperfection the most.”
Ramdam ko ang mainit n'yang palad na sumapo sa aking pisngi. Napapikit ako sandali at tinignan ang kumikinang n'yang mga mata. I love everything about her, kahit may mga kamalian s'ya na nagawa.
Sana ayos lang sa kan'ya na ganito muna kami. Sana kaya n'ya 'pang maghintay, hindi pa ako handa ngayon kasi.
“Can I kiss you, darling?” malambing n'yang tanong habang hinihimas ang labi ko.
Hindi kaagad ako nagdalawang isip na hinalikan s'ya. Madamdaming hinahalikan ko s'ya hanggang sa mas lumalim ang mabagal naming halikan. She's my first kiss at wala akong pakialam kung may nakauna na sa kan'ya. Sa akin naman s'ya ngayon.
~•~•~•~
Nakapasok na ako sa kanilang bahay. Kahit gusto kong manatili ng matagal ay hindi p'wede, may tarbahong naghihintay sa akin.
Umangkas ako sa motor at sinuot ang helmet. Naghintay ako ng ilang segundo na lapitan n'ya ako ngunit mukhang 'di n'ya nakuha ang gusto ko.
“May nakalimutan ka ba, Olli?”
Tinitigan ko s'ya ng matagal. Napabuga ako ng hininga saka s'ya nilapitan.
Inalis ko ang helmet sa ulo. “N-Nasa'n 'yong kiss ko?” 'Di ba dapat gano'n iyon? Boyfriend n'ya ako kaya dapat sa tuwing aalis at pupunta ako rito ay hahalikan n'ya ako?
Nagsalubong ang kilay ko nang tinawanan n'ya lang ako. Kinain n'ya ang distansya namin at hinalikan ako sa noo. Napasinghap pa ako nang halikan n'ya ang labi ko kahit may suot akong mask.
“Okay na ba?” Humiwalay s'ya sa halik at ngitian ako.
Nagdidiwang naman ang puso ko sa simpleng lambing n'ya sa akin. Hinapit ko ang kan'yang beywang at niyakap s'ya nang mahigpit na ikinatugon n'ya.
“H-Hindi na ako makahinga, Olli,” nahihirapan n'yang sambit kaya niluwagan ko ang yakap sa kan'ya. I just miss her so much.
Kiniskis ko ang aking pisngi sa kan'ya at humiwalay ng konti sa yakap. I love doing this things to her. It's my way of showing affection and love to her.
“Hindi rin ako makahinga, Senka,” bulong ko.
“Eh? Hindi naman mahigpit an—”
“Makita lang kita, parang nawalan na ako ng hininga. Paano pa kayang yakap-yakap kita ngayon? Malalagutan na yata ako ng hininga.”
Kinuha n'ya ang hininga ko ngunit nabuhay naman dahil s'ya ang aking buhay na nagsisilbing hininga ko.
Sinundo ko s'ya one time. Akala ko may kasama itong lalaki kahit may tiwala naman ako sa kan'ya na hindi n'ya ako lolokohin ngunit hindi ko mapigilan ang sarili na maging taranta. Ayaw kong maagaw s'ya sa akin.
Agad akong kinabahan nang nag-reply si Senka. Kahit imposibleng kausap n'ya ngayon si Andrei ay hindi ko napigilang puntahan s'ya.
Napatigil na lang ako sa 'di kalayuan kila Senka nang makita sila. Agad namuo ang galit sa 'kin nang makitang pinopormahan ni Andrei si Senka. Hindi talaga s'ya nadala sa threat ko?
Sinamaan ko s'ya ng tingin nang hapitin ko si Senka. Seryoso lamang n'ya akong tinignan at tila may ibig na ipahiwatig. Naiintindihan ko ang gusto n'yang mangyari, hindi ko s'ya uurungan.
“Alam ko pero hindi ko lang maiwasang mangamba.” Humiwalay ako sa yakap at hinaplos ang kan'yang buhok. “Sobrang ganda mo at sa sobrang ganda mo baka humanap ka ng lalaking may itsura.”
“Olli...”
Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya at hinalikan s'ya sa labi kahit hindi ko masyado maramdaman dahil sa mask na suot ko. Gusto kong alisin ngunit hindi pa ngayon ang tamang oras.
Humiwalay ako sa halik at kiniskis ang pisngi sa kan'ya. “Aral ka nang mabuti, darling. Maghihintay ako ng apat na taon.”
Pakakasalan kita kaagad at ako na ang bahala sa tarbaho. Uuwi ako na sa bahay lang s'ya habang pinagbubuntis ang panganay namin.
D*mn, gusto ko iyon at iyon ang pangarap ko. Hindi na ako makapaghintay na ibigay ang lahat sa magiging anak namin na hindi ko nakuha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro