Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPILOGUE

Dedicated to: reignecayetano

OLLIVANDER SIMS



Imposible nga ba na magkagusto sa isang bata na mahigit anim na taon ang agwat namin? No'ng una hindi ayaw kong tanggapin pero hindi talaga mapipigilan ang nararamdaman mo.

Labing tatlong gulang ako nang hinayaan kong sundin ang gusto ni Papa at Mama. Palaging nakakulong lang ako sa aking kwarto. Laro ng games o 'di kaya nangha-hack ng bangko.

Sa murang edad ko, marunong na akong gumagawa ng bagay na hindi maganda. Panatag akong hindi ako makukulong sa aking ginagawa, may kapit ang pamilya ko at lalo na ako sa organization.

Bata pa lang ako no'ng sinabak ako sa organization dahil sa angking galing ko sa computer. Naging isa sa higher position sa NBoyz Organization.

Sa iba malaking karangalan na mapasama sa higher positions, ngunit hindi naging madali sa akin. Minsan na rin ako muntik na mahuli kung wala lang akong kaibigan na umaalalay sa akin.

“Behave, Radioro,” suway ni Papa sa nakatatandang kapatid ko.

Sinamaan ni Kuya Radioro ng tingin si Papa at tinakpan ang kan'yang balikat na may bahid na malaking peklat.

Malamlam ang mga mata kong sinundan s'ya ng tingin nang walang paalam s'yang umalis sa table namin. Padabog na tumayo si Papa at sinundan si Kuya. Walang pakialam si Mama dahil may sarili itong mundo, minsan na rin n'ya nakalimutan na anak n'ya kami.

Sunod-sunod ang pagdating ng bisita kaya naman inayos ko ang suot kong mask na kulay itim. Yumuko lamang ako nang makitang mapanghusgang nakatingin ang mga bata sa 'di kalayuan sa akin.

Napabuga ako ng hininga at pinili na lang na manatili muna sa pool area. Minsan na rin akong pumunta rito kaya kabisado ko ang daan at pasikot-sikot. Sa pagkakaalam ko kaibigan ng magulang ko ang may-ari ng bahay na 'to.

Hindi s'ya mansyon tulad ng inaasahan ko. Nagpapasalamat ako na hindi ako naligaw. Mahirap kung mansyon ang bahay, eh.

Umalingawngaw ang boses ng speaker sa malapad na harden kung saan iniiwan kong nakatulala si Mama. Ayaw kong kausapin s'ya dahil alam kong wala s'ya sa katinuan ngayon.

Imbes na sumama sa ibang bata para makilaro, naging malungkot ang araw ko ngayon dahil ni isa walang gustong makipaglaro sa akin.

Naiintindihan ko naman. Dahil sa mask kong suot at alam nilang may peklat ako dahil sinabi ko. Ayaw kong magsinungaling dahil nakikipagkaibigan ako sa kanila. Pero kahit anong gawin ko, ayaw nila akong isama.

Labing tatlo na ako pero ganito pa ako umasta. Gusto ko lang naman sulitin ang panahon na bata pa ako at nakakapaglaro pa. 'Yong hindi pa ako lumalaki.

Tahimik na umiiyak ako sa tabi ng pool. Ayaw na ring makipaglaro ni Kuya sa akin, ayaw ng kapit-bahay, pati na rin ng mga bata rito. Hindi naman ako masama, eh.

“Kuya.”

Napatigil ako sa paghikbi nang marinig ang munting boses ma nanggagaling sa likuran ko. Lumingon ako rito, una kong napansin ang brown n'yang mga mata.

Namangha at napatulala lamang ako sa kan'ya hanggang sa umupo s'ya sa aking tabi. Nataranta naman ako na baka mahulog s'ya sa pool.

“Bakit ka nag-cry?”malumanay n'yang tanong, ilang beses 'pang kinurap ang kan'yang mga mata.

Hindi kaagad ako nakapagsalita, agad din namang nakabawi. “H-Hindi ako umiyak...”

Bigla n'yang hinawakan ang mask ko na ikinatigil ko. Akala ko aalisin n'ya ito ngunit hinaplos lamang n'ya ito na parang nasa pisngi ko ang palad n'ya.

“You're so handsome, Kuya. Kahit may mask ka, sobrang handsome mo,” aniya.

Napakurap ako. “Paano mo nasabi?”Kadalasan hindi naman nagsisinungaling ang mga bata, pero imposible naman ang sinasabi n'ya na handsome ako.

“Dahil friendly ka, Kuya,” sagot n'ya na ikinataka ko. “Hindi lang po sa mukha nakikita ang pagiging handsome.” Tinapat n'ya ang palad n'ya sa dibdib ko. “Kundi rito po.”


At do'n nagsimula ang lahat. Naging obsessed ako sa kan'ya no'ng minsan akong kinulong ni Mama sa kwarto para mag-aral nang mabuti. Habang dumadaan ang araw na hindi ko s'ya nakikita, hinahanap-hanap ko ang presensya n'ya. Hindi ako panatag.


“Elbert!” tawag ko sa pinsan ko nang makita itong naglalakad sa parking lot.

Napansin n'ya ako, ngising lumapit s'ya sa 'kin at inakbayan. “Nandito ka kaagad, ah? May iuutos ka na naman ba?”

Kinuha ko ang gatorade at sandwich sa bag ko at binigay sa kan'ya na kaagad n'yang tinanggap. Suportado ko ang baon at bayaran nito sa pagsali sa basketball game kaya hindi s'ya makahindi sa 'kin.

“Bigay mo sa kan'ya, ah?” utos ko rito, tumango s'ya.

“Tanong ko lang.” Nagtataka ang kan'yang mukha na tinignan ako. “Bakit hindi ikaw ang magbigay sa kan'ya? Nahihiya ka ba? Isang buwan mo na 'tong ginagawa.”

Binasa ko ang labi ko na namamawis na panigurado sa loob ng aking mask. Nasanay naman ako kaya hindi na rin naging mahirap para sa 'kin.

“Gusto ko munang dahan-dahanin. Hindi siguro n'ya ako kilala kaya baka mabigla s'ya,” sagot ko rito.

Ibang klaseng kirot ang lumukob sa 'king dibdib sa isipang hindi n'ya ako kilala. Baka kilala n'ya ako, kilala nga ako ng lahat dito, pero hindi nila kailan man nakita ang aking mukha. Gusto ko si Senka ang makakita no'n.

Baliw 'mang isipin ngunit si Senka na ang nakikita ko na makasama sa hinaharap. Kung hindi n'ya ako magustuhan, I'll do my best to make her fall in love. Bago lang ito sa 'kin kaya hindi ko palalampasin ang babaeng nagbigay liwanag sa mausoy kong buhay.

Nahawakan ko ang kan'yang braso...

“Nandito na ako sa harapan mo.” Malakas ang pagkabog ng dibdib ko nang inabot ko sa kan'ya ang gatorade. “S-Sana tanggapin mo na.”

Nang aking tignan ang kan'yang mga mata, wala sa oras na napaiwas ako ng tingin. Parang hinihigop ako nito. Kinakabahan ako na baka mapa-tulala na lang ako sa kan'yang harapan.

“Bakit mo ano binibigyan ng ganito? Do I know you?” tanong n'ya. First time itong nangyari...

“Hindi,” paos kong sagot sa mahinang boses.

“Kung gano'n, sagutin mo ang una kong tanong,” pangungulit n'ya.

Bumaling ako sa kan'ya at napatagis ang bagang. Kinagat lang naman kasi n'ya ang kan'yang labi. I'm trying to hold myseld a little.

“You guess.” Bago pa man ako malunod sa kan'yang kagandahan ay tumalikod na ako.

~•~•~•~

Nagdaan ang ilang araw na hindi ko mapigilang bantayan at abangan s'ya sa parking lot. Hindi ba masama kung gusto ko lang ang kaligtasan n'ya?

Kung ano-anong bagay na ang iniisip ko sa kan'ya. Hindi ako mapakali kung hindi ko man lang s'ya makikita.

“Sh*t! Ano 'bang kailangan mo sa 'kin, huh?!” sigaw n'ya sa 'kin, takot na takot s'ya sa 'kin at ramdam ko iyon.

Bumaba ako ng motorsiklo at nilapitan s'ya.

“Senka.” Hanggang ngayon hindi pa rin ako nagsasawa sa kan'yang mukha. Napakaganda n'ya at hindi n'ya iyon alam.


“'D-Di ba ikaw 'yong lalaki na palaging nakaabang sa 'kin? Bakit mo ito ginagawa?!”

Sa una hindi ko pinansin ang kan'yang pagsigaw. Kinabisado ko ang kan'yang mukha, baka kasi lumayo s'ya sa 'kin at hindi ko na maabot ang kan'yang mukha.

“Delikado ang lugar na 'to, ihahatid na kita.” Akmang hahawakan ko na s'ya nang lumayo s'ya sa 'kin tulad ng inaasahan ko.


“Tinatakot mo ako, ano ba! H'wag mo na akong pakialaman pa, okay?! Hindi kita kilala!”

Naiwan sa ere ang mga kamay ko nang tignan n'ya ako na parang ako ang pinakatatakutan n'ya. Takot at galit s'ya sa 'kin.

Gusto ko lang naman paalisin s'ya sa lugar na 'to dahil delikado rito. Kasalanan ko naman kung bakit s'ya takot na takot sa 'kin. Balot na balot ang katawan ko ng jacket at nakasuot pa ako ng mask.

Ayaw kong mandiri s'ya sa 'king mukha. Kaya isa rin sa dahilan kung bakit wala akong lakas na loob na magpakilala sa kan'ya ay dahil sa peklat ko sa mukha.

Malapad ang aking ngiti nang maisakay ko s'ya sa motor ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa tabi ko lang s'ya. Unang beses na nagkalapit kami sa isa't-isa ng ganito kalapit.

Nanakit na nga ang panga ko sa malapad kong ngiti. Ayos lang, minsan lang din akong maging masaya, hindi naman n'ya makikita ang ngiti ko dahil sa suot kong mask.

Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung aalis na ba ako o may sasabihin pa sa kan'ya.

“S-Salamat sa paghatid sa 'kin kahit hindi naman kailangan.” Tumikhim s'ya kaya napatingin ako sa kan'ya. “Gusto ko lang sana malaman ang pangalan mo. Hindi kasi kita kilala.”


Tila uminit ang taenga ko sa 'di maipaliwanag na nararamdaman. Gusto n'ya akong makilala ngunit aking pinagtataka ay hindi man lang ako pamilyar sa kan'ya.

“Hindi mo talaga ako... Kilala?” Inangat ko ang tingin.

Bakit s'ya hindi n'ya ako nakilala? Halos lahat ng mga estudyante sa university namin ay kilala na ako. Gano'n na ba sa ka-busy sa pag-alaga kay Ryan?

“Hindi, kaya nga takot ako sa 'yo. Hindi ko alam kung bakit mo ako inaabangan sa parking lot,” sagot n'ya. “So, gusto kong malaman ang iyong pangalan.”

“Ollivander, Ollivander Sims. H'wag mong kakalimutan, tandaan mo palagi, Senka.”

Dahil simula ngayon, hindi na ako magtatago pa sa dilim. Lalapitan ko s'ya hanggang sa maging kaibigan kami, kung papalarin p'wede ring maging magka-ibigan.

~•~•~•~

“T-Tapos na ba?” Naging balisa ako nang makita s'ya sa labas ng canteen.  “Ako na ang m-magbibi—”

Babawiin ko na sana ang mga drinks na kinuha n'ya nang ilayo n'ya ito.

“Ikaw na nga tinutulungan ayaw mo pa? Kaninong pagkain ba 'to?”

“Sa mga close friends ko.” Pilit kong h'wag mataranta at kinuha ulit sa kan'ya ang drinks ngunit ayaw n'yang ibigay.

“Tutulungan nga kita!” inis n'yang sambit. “Sasamahan kita, aka bumagak lang ito kung ipipilit mo pa.”

Nilapag ko ang mga pagkain sa sahig at hindi inalis ang tingin sa kan'ya.

“Salamat na lang, Senka, ako na ang bahala.” Pinakalma ko ang sarili nang kunin ko sa kan'ya ang nga drinks.

Ayaw kong makita s'ya ng mga kasama ni Andrei, baka ano pa ang magawa ko sa kanila kung may gawin silang kakaiba kay Senka.

May gusto si Andrei na tinuturing kong kaibigan. Batid kong hindi iyon ang tingin nila sa 'kin kaya mas lalong ayaw kong ipakilala si Senka sa kanila. Akin lang s'ya, ako nauna.


“Ihahatid kit—” Natigilan ako nang magsalita s'ya. Masamang tingin at nagngingitngit ang mga ngipin s'yang tumingin sa 'kin.


“No, thanks. Kaya ko naman ang sarili ko, h'wag mo na ring tangkain na magpakita sa 'kin.” Natigilan ako sa kan'yang sinabi.

“S-Senka.” Aabutin ko na sana s'ya ngunit umiwas s'ya. Parang pumigti ang ugat sa dibdib ko.

“H'wag 'kang lumapit sa 'kin tulad ng ginagawa mo. Magtago ka na lang.”

Blangko ako sa klase at tanging si Senka lang ang sumasagi sa 'king isipan hanggang sa uwian namin. Hindi ako naka-concentrate sa klase dahio binabagabag pa rin ako ng takot na baka tuluyan na s'yang lumayo sa 'kin.

“Bakit hindi ka nakapag-quiz, Ollivander?” tanong ni Refugio, kasama ko sa organization nang humarang s'ya sa 'king daanan.

Tinapik ko ang kan'yang balikat. “May problema lang. Kailangan ko nang umalis,” mabilis kong sambit at nilagpasan na s'ya.

Isang oras akong naghintay sa parking lot hanggang sa makita s'ya. Napatayo ako nang matuwid nang tumingin s'ya sa 'king gawi.

Gano'n na lang ang taranta ko nang lagpasan n'ya ako. Mabilis akong humarang sa daanan n'ya.






“Senka.”


“'Di ba sinabi kong h'wag ka nang magpapakita sa 'kin?” Pilit n'yang pinapatabi ako sa daanan ngunit nagmatigas ako.

“I-I'm sorry, okay?” nagsusumamo kong sambit at hinawakan s'ya sa braso.

“A-Ano ba?!”

Tila tutulo na ang luha ko dahil sa trato n'ya sa 'kin. Walang pakialam kong hinalikan ang kan'yang dalawang kamay kahit may nakatakip na mask sa 'king bibig.

“D-Darling, calm down. Hindi tama ang iniisip mo.” Umiling-iling pa ako at paulit-ulit s'yang hinahalikan sa kamay.

Natigilan s'ya sandali bago binaklas din ang kamay sa 'king pagkakahawak. Nataranta ako.

“Ayaw mo siguro akong ipakita sa mga kaibigan mo.” Umiwas s'ya ng tingin na tila nasasaktan.

“Hindi iyon, Senka. M-May iba akong dahilan.” Hindi ko alam kung papaano ko mapapagaan ang kan'yang loob.

Hindi naman sa gano'n ang dahilan ko.


“D*mmit," mura kong bulalas. Wala na akong maisip na paraan kundi yakapin s'ya nang mahigpit.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko sa mga mata. Kaya n'ya talaga akong paiyakin sa ganitong sitwasyon pa lang. Paano pa kaya kung mas higit pa rito ang sakit?

“S-Sorry, tumahan ka na.” Hinimas-himas ko ang likuran n'ya, pinapatahan sa munting iyak n'ya.

“Selfish na ba ako kung hindi kita sinama?” Pinaharap ko s'ya at hinawakan ang basa n'yang pisngi. “You're beauty is peerless, Senka. Takot akong ipakita ka sa mga kaibigan ko. Makasarili na ba ako kung gusto kong sa 'kin ka na lang?”

'Yong mga salitang ayaw kong banggitin ay tuluyan nang nasambit. Hindi ako ganito pero para sa kan'ya, magiging vocal na ako sa tuwing may hindi kami naiintindihan.

'Yong pangarap ko na maihatid s'ya sa bahay at maisakay s'ya sa motor ay natupad na. Siguro sobrang babaw nito sa iba ngunit sa 'kin higit pa sa nakakuha ng mataas na grado.

Matagal ko na s'yang gusto at ngayon na nararamdaman kong papalapit na ang aming landas, hindi ako nagsayang ng oras at pinakita kaagad sa kan'ya na mahalaga s'ya sa 'kin.

Paano nga ba mapaibig ang isang babae?

Matagal ko nang tinatanong sa isipan ko tungkol sa bagay na iyan. Kung sana math problems lang 'to nagawan ko na nang paraan ngunit iba 'to. 'Ni hindi ko pa napag-aralan ang bagay na gagawin para maging akin s'ya.

Buong gabi nag-search ako sa aking laptop tungkol sa kung paano maiparamdam sa taong gusto mo na mahal mo s'ya.

May iba na hindi ko maintindihan. Umakyat ang init sa 'king batok nang makita ang lalaki at babae na may ginagawang bagay na tanging mag-asawa lang dapat ang makagagawa no'n.

Normal lang ba ito? Oo raw sabi ng google. Naisara ko na lang ang laptop at inisip ang ibang paraan para ma-appreciate n'ya ang pagmamahal ko.

'Yon lang naman ang nakalagay sa google. Hindi ko na maintindihan ang iba kaya nilaktawan ko. At isa pa, iba na ang tumatakbo sa isip ko nang makita ang nakakanindig balahibo na video ng lalaki at babae.

Nagawa kong gumising ng maaga at ngayon ay nasa harapan na ako ng kan'yang bahay.

Ngunguyain ko na sana ang huling gummy bears ko nang makita s'ya sa harapan ko. Napabuka ang bibig ko at namamanghang tinignan s'ya.

Hindi nakasasawang tignan s'ya. Para sa 'kin s'ya ang pinakamagandang babae na biniyaya para sa 'kin. Sana nga para talaga s'ya sa 'kin.

“Sorry, kanina ka pa ba rito?” tanong n'ya ngunit sa buong mukha n'ya ang aking atensiyon.

S'ya ang pinakapaborito kong tignan buong magdamag. Sa tatlong taon na nakilala ko s'ya, ni hindi man lang ako nagsawa sa kan'yang presensya.

“A-Ayos lang." Tila hangin ang lumabas sa 'kin nang magsalita ako. “Let me.”

Nanlamig ang kamay ko nang suklayin ko ang kan'yang buhok. Basa pa rin pero wala akong pakialam. Hindi naman s'ya nanlaban.

Binuhat ko s'ya at nilapag sa upuan ng motor matapos s'yang ayusin. Sobrang gaan n'ya, hindi ba s'ya kumakain nang marami?

“May ibang babae pa 'bang nakasakay rito bukod sa 'kin?” tanong n'ya, humawak s'ya sa 'king balikat. Sa isipang girlfriend ko na s'ya ay tila nililipad na n'ya ako sa ulap.

“Wala, ikaw pa lang,” sagot ko na bahid ang pagtataka. Hindi ko hahayaang may sumakay rito na babae sa aking motor kung 'di man lang s'ya.

“Buti naman, gusto ko ako lang.” Ngiti pa n'ya.

Napakagat labi ako at lumapit nang bahagya sa kan'ya. 'Di ko na namalayang hawak ko na ang kan'yang beywang.

“Ikaw lang ang p'wedeng sumakay rito kaya solo nating dalawa,” ani ko. “Nakasakay ka na ba sa ibang motor ng lalaki noon?”

Nagngitngit ang ngipin ko sa isipang may una s'yang boyfriend. Hindi ako ang una n'ya at masakit para sa 'kin iyon. Wala akong magawa dahil torpe rin naman ako.

Ang importante ang magiging future namin, 'yon lang kung ako ang magiging future n'ya.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro