Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 30

Dedicated to: JereminBorlagdan

SENKA JONES


Hindi ko alam kung ilang beses na akong inangkin ni Olli bago ako tuluyang bumagsak sa kinahihigaan. Nagising lamang ako na wala s'ya sa aking tabi at nakahiga ako sa kama. Agad akong napaupo dahil do'n.

Mahapdi ang ibaba ko pero hindi tulad no'ng una na hindi ako makalakad. Hindi pa ako nakabihis kaya naman umalis ako sa pagkakaupo sa kama at tumungo sa kan'yang walk in closet.

Sigurado akong guest room ito at hindi kan'yang kwarto. Lihim akong napangiti nang malaman ang dahilan kung bakit ayaw n'ya sa kwartong iyon.

Pumili kaagad ako ng black t-shirt n'ya at kaagad na sinuot, umabot hanggang sa ibabaw ng tuhod ko ito.

Sinuklayan ko ang buhok ko bago lumabas ng kwarto. May narinig akong ingay mula sa kan'yang kusina kaya naman naglakad ako papunta ro'n.

Agad kong nasilayan ang kan'yang malapad na likuran habang nagluluto ito sa stove. Wala s'yang 'pang-itaas na damit na ngayon ko lang nakitang naka-topless s'ya dito sa labas.

Hindi n'ya ako napansin hanggang sa nakaupo ako sa high chair. Pumalumbaba ako sa lamesa habang tinititigan ang kan'yang galaw.

Napangiti ako sa isipang pinagluluto n'ya ako, dapat lang 'no!

Pumihit s'ya paharap sa akin at napatalon pa sa kan'yang kinatatayuan nang makitang nandito ako. Ngitian ko s'ya.

“Anong niluluto mo?” malambing kong tanong habang nakapalumbaba pa rin.

Agad s'yang nakabawi. “Adobong manok,” sagot n'ya at dahan-dahan akong nilapitan. “Sorry, wala kasi akong stock na ibang pagkain kaya iyon na lang ang niluto ko.”

Sinenyasan ko s'yang lumapit pa lalo na kaagad n'yang sinunod. Hindi na ako nagulat nang pinulupot n'ya ang kan'yang braso sa aking beywang at pumagitna sa aking hita. Hinalikan n'ya ang noo ko at kiniskis ang pisngi naming dalawa.

“Hindi naman ako maarte sa ulam 'no,” bulalas ko at ngitian s'ya. “I'm so happy ngayon na pinagluto mo ako kaya.”

Tumaas ang sulok ng kan'yang labi na ngayon ko lang nakita. Palagi ba namang naka-mask, medyo hindi ako sanay pero sinasanay ko naman.

“Talaga? Masarap daw ang luto ko sabi ni Mama,” pagmamayabang pa n'ya.

Kinurot ko ang kan'yang pisngi at hinalikan din ito. “Siguraduhin mo, ah? Hatid mo ako pagkatapos nito, ah?”

Tumango naman s'ya at agad na lumapat ang kan'yang labi sa akin. Hinawakan n'ya ang batok ko at mas pinailaliman ang aming halikan.

Nang maramdamang mauubusan na ako ng hangin ay kaagad s'yang tumigil. Pinagdikit n'ya ang aming noo.

“Ngayon alam mo na kung bakit hindi tayo palaging nagkikita 'di ba?” tanong n'ya.

Tumango ako. Kahit hindi masyado klaro 'yong paliwanag n'ya ay kaagad kong nalaman kung nasa'n s'ya sa mga oras no'ng nakaraang araw.

Naalala ko 'yong sinabi n'ya na pinapahirapan s'ya ni Mama, medyo nainis lang ako pero wala akong magawa. Naintindihan ko na masyado s'yang paranoid na baka hindi seryoso si Olli sa akin.

Ako nga dapat ang mag-sorry kay Olli, hindi ko s'ya hinayaang magpaliwanag no'ng mga araw na nagmamakaawa s'yang kausapin ako. Ang immature ko talaga. S'ya nga 'yong mas grabe 'yong naransan n'ya kaysa sa akin.

“Bakit ka umiiyak?” Nag-aalalang sinakop ng mga palad ni Olli ang pisngi ko. “May hindi pa ba ako nasabi? Tell me.” Pinunasan n'ya ang luha ko.

Umiling at suminghot ako. “W-Wala, sobrang nagsisisi ako na pinabayaan kitang pinaglaban ang relasyon natin. H-Hindi ko alam na may iniinda ka na palang sakit. I-I'm so sorry, darling.” Umiiyak na naman ako sa kan'yang harapan.

Pinatahan n'ya ako at agad na hinalikan na naman ang labi kong bahagyang nakaawang. Agad din s'yang tumigil.

“Nagkamali tayong dalawa, h'wag 'mong sarilihin na ikaw ang may kasalanan.” Hinimas n'ya ang pisngi ko na sigurado akong namumula ngayon dahil sa iyak.

“For now on, ayaw kong mag-away tayo na hindi mag-uusap. Sabihin mo sa akin kung may gumugulo sa isip mo, ayaw kong maranasan ulit na putulin ang relasyon natin sa 'di malamang rason.” Titig na titig s'ya sa mga mata ko. “Let's trust each other, darling. Boyfriend mo ako kaya dapat ako una ang nakakaalam kung sa problema mo.”

Tumango-tango ako at niyakap s'ya ng mahigpit na kaagad n'yang tinugon. Oh, God, do I deserve this man? He's so perfect for me, naintindihan pa n'ya ako kahit marami akong nagawa.


~•~•~•~

Naging tuloy-tuloy ang ensayo ko kasama ang ibang kapares. Biglang nag-backout si Ate Ayna at alam ko kung bakit.

Nakausap ko s'ya kaninang umaga. Sesermunan ko sana s'ya tungkol sa pagsira n'ya sa relasyon namin ni Olli pero kaagad s'yang humingi ng tawad. Nakinig lang ako sa kan'ya hanggang sa sinabi n'ya na hindi na n'ya maitutuloy ang game namin.

“Hindi na ako manggugulo, Senka. Mali ako at tinatryador pa kita,” malumanay n'yang ani, yumuko s'ya.

“Sobrang nagseselos ako sa mga achievements mo rito sa school at isa pa, nakuha mo 'yong puso ni Ollivander. Mas lalo akong nagalit dahil do'n. I'm so sorry,” dugtong pa n'ya.

Niyakap ko lamang s'ya saglit at agad na pinatawad. Walang perpektong tao kaya naiintindihan ko ngayon ang mga pagkakamali ni Ayna, nagkamali rin naman ako.

Kahit sino naman siguro may gumagawa ng kasalanan, sadya man o hindi. Kung wala kaming pagkakamali sa buhay, hindi kami matututo. Nagpapasalamat pa nga ako na nagkakamali ako minsan.

Kaya siguro lahat ng tao makasalanan. We should learn, hindi lang naman puro tama ang itututok namin. Hindi ko ma-imagine kung sakaling mga mukhang santo kaming lahat.

“Saan tayo pupunta nga?” makulit kong tanong kay Olli at sinilip ang kan'yang mukha.

Natatawang tinakpan n'ya ang mga mata ko gamit ang kan'yang malaking palad. “Secret nga, eh. Mamaya sasabihin ko.”

Busangot na tinanggal ko ang kan'yang kamay. “Totoo, ah?”

Mahinang natawa s'ya sa inasta ko at pinatakan ng halik ang aking labi. Palibhasa kaya nang tanggalin ang mask dahil nilagyan ko ng concealer ang kan'yang peklat. Pinilit ko kasing tanggalin ang kan'yang mask para naman masilayan ko ulit ang kan'yang mukha.

Gaya ng gawi namin ay binuhat n'ya ako at pinaupo sa kan'yang motor. Sumuot muna kami ng helmet bago s'ya sumampa.

“Kapit ng mabuti,” utos n'ya na kaagad kong sinunod.

Agad n'yang pinaharurot ang motor. Sabado ngayon, bigla n'ya akong inaya na sumama sa kan'ya. Ipapakita na raw kasi n'ya ang kan'yang mundo na hindi ko maintindihan. S'ya naman kasi ang mundo ko.

Hindi naman masyado malayo destinasyon namin. Maya-maya ay huminto kami sa malaking building. Higit pa sa seventh floors ito, hindi ko mabilang.

Inalalayan n'ya ulit akong bumaba at kinuha ang helmet sa aking ulo. Titig na titig ako sa kan'yang malinis na mukha, moreno s'ya at nagustuhan ko naman.

Inayos n'ya ang buhok kong nagulo at hinawakan ang kamay ko. “Tara na.” Hinila n'ya ako.

“D'yan talaga tayo pupunta?” tanong ko at tinuro ang malaking building. Walang pangalan na nakalagay sa entrance, weird naman. “Sarado ang building, oh.”

Umiling s'ya at ngitian lamang ako. “You'll see.”

Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa huminto kami sa steel na pader. Hinanap ko ang pinto ngunit hindi ko nakita, takang tinignan ko si Olli.

May kinapa ito sa sa pader at parang may pinipindot, para tuloy s'yang baliw tignan. Saglit n'yang binitawan ang kamay ko at hinawakan ang kan'yang salamin na kailanman hindi n'ya inalis.

May grado na siguro ang kan'yang mga mata. Gwapo pa rin s'ya tignan kahit may eyeglasses.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang umilaw ang kan'yang eyeglasses. Magtatanong na sana ako ngunit bigla lang bumukas ang steel na pader na mas lalong ikinamangha ko. Parang sa movie ko lang ito nakikita, ah.

Hinawakan n'ya ulit ang kamay ko. “Tara na. Hinihintay nila tayo.”

Nagpahila naman ako sa kan'ya at hindi na tinanong kung sino ang kan'yang tinutukoy. Bumungad sa amin ang tahimik na daanan.

Tumigil s'ya at gano'n din ako. Nasilawan ako sa klaseng liwanag na biglang lumabas. Parang lazer light s'ya na umiikot sa paligid at natatamaan pa kami.

“Good afternoon, O-Tech. Please, come in,” biglang salita ng speaker, lalaking boses ito.

“Ikaw si O-Tech?” tanong ko sa kan'ya nang hilahin n'ya ako.

Tumango s'ya. “Tandaan mo no'ng pinakita ko sa 'yo 'yong pag-hack ko sa mga account nila James? Tarbaho ko iyon.”

Kumunot ang noo ko. “Tapos?”

Natatawang hinila n'ya ang beywang ko na hindi ko namalayang hawak-hawak na n'ya. “Dito ako nagtatarbaho. Marami kami rito at isa ako sa opisyal dito na may mataas na rangko.”

Napabuka konti ang bibig ko sa gulat. “S-So, ito pala ang sinasabi mong mundo mo?”

“Dito umiikot ang buhay ko, darling. But when you came, kasama ka na sa mundong ginagalawan ko,” ngiti n'yang tugon.

Hinawi ko ang buhok ko sa balikat at inikutan s'ya ng mata. “Sobrang mahal mo talaga ako, darling. I love na talaga.” Malambing na niyakap ko s'ya sa beywang, sobrang taas n'ya kasi.

Niyakap naman n'ya ako at hinalikan ang tuktok ng aking noo. “I love you too, I cherish you the most.”

Habang dinadama ang pagmamahal n'yang binibigay sa akin ay kusang napalingon ako sa gilid ko nang makita ang mga lalaking nakahilera. Mas lalo 'pang nanlaki ang mata ko na makitang lahat sila ay nakasuot ng eye glasses tulad ni Olli.

Tiningala ko si Olli at nakitang nakangiti s'ya sa mga lalaking iyon. May sinenyasan lang sila bago umalis do'n.

“Bakit sila umalis?” tanong ko, umupo silang lahat sa kani-kanilang upuan, nasa computer kaagad ang kanilang atensyon.

“May tarbaho sila. Buti nakiusap ako kay Zyler na dalhin ka rito. Walang nakakaalam na iba tungkol sa organization namin.”

“Eh, ba't sinabi mo sa akin?” tanong ko ulit.

“Sabi ng boss namin, sasabihin lang namin ang aming tarbaho sa babaeng sigurado na kami na s'ya ang papakasalan namin,” sagot n'ya at pinaupo ako sa kakaibang upuan sa gilid namin.

Sobra-sobra na ang pagmamahal na pinapakita sa akin ni Olli. I didn't expect na ganito na kaagad ang pagmamahal n'ya sa akin. Mga bata pa kami at maaari 'pang magbago ang nararamdaman pero sa kalagayan namin, tila wala nang titibag.

“You sure na ako ang papakasalan mo?” nanghahamon kong tanong sa kan'ya.

Hindi s'ya nagsalita at lumuhod sa aking harapan. Sa una nagtataka ako kung bakit naging tahimik s'ya pero napatakip na lang ako sa bibig nang kinuha n'ya ang singsing mula sa kan'yang bulsa.

“O-Olli...” Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, nagtatanong pa lang ako pero ito kaagad ang bumungad sa akin.

Kinuha n'ya ang kamay ako at hinalikan ang limang daliri ko ro'n. Nagbigay kiliti iyon sa aking tiyan, halong-halo na ang sayang nararamdaman ko.

“You know how much I love you, right?”

Tumango naman ako at mangiyak-ngiyak s'yang tinignan.

Ngumiti s'ya. “Hindi ako vocal sa nararamdaman ko pero para sa 'yo gagawin ko.” Huminga s'ya nang malalim.

“Gusto kong habang buhay kong susuklayin ang buhok mo, umaga, hapon at gabi. I want to sleep every night beside you. Cook for you and do the things na makakapagpasaya sa 'yo,” dugtong n'ya.

“Olli.” Napakagat ako sa sariling labi. “Yes na kaagad ang sagot ko.”

Natulala pa s'ya at kalaunan naman ay natawa rin ng mahina. “I know, darling. Hindi naman talaga kita tatanungin kung willing 'kang matali sa akin. May mga paraan ako, darling.”

Natawa na lang rin ako sa kan'yang sinabi. Ayaw n'ya dahil takot s'yang ma-reject, eh.

Tinignan ko ang pagsuot n'ya ng singsing sa aking darili. Hindi pa nga ako nakapagsalita nang bigla n'ya akong hinalikan sa labi.

Rinig ko ang palapakan at hiyawan sa gilid namin. Ang nerd na 'to walang pakialam basta maka-score lang sa halik. Napangiti at hindi ko na inabala 'pang pansinin ang nakapaligid sa amin.

I kissed him passionately. Simula ngayon, hindi na ako mangangamba pa sa image ko. Masira man ito ay alam kong ipagtatanggol din ako ni Olli.




END

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro