Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 28

Dedicated to: Grldnmrbe


SENKA JONES

Mas lalong lumakas ang bulungan ng tao sa paligid nang makita ang peklat ni Olli sa ilalim ng panga at gilid ng labi. Hindi ko maiwasang magalit kay Andrei at napaluha nang makitang nakayuko si Olli ro'n.

“Senka,” tawag ni Xian pero hindi ko s'ya pinansin.

Malalaking hakbang ang ginawad ko hanggang sa harangan ko si Olli nang akmang sasapakin ulit ito ni Andrei. Natigil naman sa ere ang kan'yang kamay.

Natulos s'ya sa kinatatayuan. “S-Senka.”

Nagngitngit ang ngipin ko habang bumubuhos ang luha sa mga mata ko. “You are worst, Andrei! Wala 'kang karapatan na saktan si Olli!”

“Kinakampihan mo 'yan, Senka?!” biglang sabat ni James na nasa gilid ngayon ni Andrei, hindi magawang makapagsalita ni Andrei.

“Dahil boyfriend ko s'ya!” sigaw ko. “Bakit n'yo ginaganito si Olli?! Pinalampas ko ang una nyong ginawa sa kan'ya pero sumusobra na kayo!”

Biglang may pumulupot na braso sa aking beywang at hinila papalapit sa kan'ya.

“D-Darling,” malambing n'yang bulong sa aking taenga dahilan para kumalma ako kahit papaano.

“Kilala mo ba talaga ang lalaking 'yan, Senka?” pasinghal na sambit ni James. “Pinakialaman n'ya ang private account namin at sinira kami! Sabihin mo na inosente ang lalaking iyan!”

Napabuga ako ng hininga, hindi ko magawang lingunin si Olli sa likuran ko. Mas humigpit ang yakap n'ya sa akin at binubulungan na akong umalis na kami, nagmatigas ako.

“May ebidensya ka ba? H'wag 'kang magbintang kaagad,” ani ko.

Nagtagis ang bagang ni James ngunit pinigilan s'ya ni Andrei. Ngitian pa n'ya ako ng alanganin pero kaagad na akong umiwas ng tingin dito.

Hinarap ko si Olli. “Alis na tayo.” Hawak ko ang kan'yang kamay nang kunin ko ang kan'yang mask sa sahig saka s'ya hinila palayo sa mga estudyante.

Nagtataka ang mga estudyante at ang ilan ay napasinghap nang makita ang mukha ni Olli. Yumuko ito habang naglalakad kami papuntang parking lot. Mas humigpit ang hawak n'ya sa aking kamay.

Tinaas ko ang kan'yang baba upang hindi ito yumuko na parang tuta. “Wala ka dapat ikahiya, be confident naman, Olli.”

Napatitig s'ya ng matagal sa akin at ngumiti na rin, kita ko na kung paano s'ya ngumiti at kabuohan ng kan'yang mukha. Mas gusto ko na ako lang ang makakita sa kan'yang mukha.

“M-Mahal mo pa rin ako 'di ba?” alanganin n'yang tanong nang huminto kami sa gilid ng kan'yang motor. “S-Sabi mo boyfriend mo ako kanina, darling pa rin kita 'di ba?”

'Yong galit ko sa kan'ya ay unti-unting lumusaw, ang inosente talaga n'ya tignan pero grabe naman ka clingy at wild.

“'Di ba sabi ko wala na tayo?” sambit ko, sa loob-loob ko ay halos kurutin ko na ang sarili para lang pigilan ang tawa.

Kumunot ang kan'yang noo at tila naiinis. “Sabi mo boyfriend mo ako? Hindi naman ako pumayag na makipaghiwalay, ah.”

Hindi ko na napigilan ang sarili at humagalpak ng tawa. Nagtatakang tinignan n'ya ako at nakaawang ng konti ang labi.

Pinisil ko ang kan'yang kamay. “Biro lang, syempre mahal pa rin kita. Galit lang ako pero hindi naman mawawala ang pagmamahal ko sa 'yo,” mahinahon kong sambit.

Bigla n'yang sinapo ang magkabilang pisngi ko at inangkin ang nakaawang kong labi. Kusang pumikit ang mga mata ko at kumapit sa kan'yang uniform. Miss na miss ko na s'ya, 'yong pagiging clingy at presensya n'ya.

Dumaing s'ya sa gitna ng malalim naming halikan, hindi ko namalayang nakasandig na pala ako sa kan'yang motor, buti hindi natumba. Ako mismo ang kumalas sa halikan namin dahil mas lumalim ang daing n'ya na tila may iniinda.

Hinabol n'ya ang labi ko at diniin ang halikan namin. Napaungol ako nang 'di ako makahinga masyado, tinulak ko ulit ang dibdib na ikinabitaw n'ya sa halik. Namumula pa ang labi n'ya at sigurado akong gano'n din 'yong akin.

“D-Darling...” Nagmamakaawa ang pinukol n'yang tingin sa akin, mas lalo n'ya akong hinigit palapit sa kan'ya.

Napaikot na lang ang mata ko. “Bakit dumadaing ka? Sinaktan ka ba nila? May sugat ka ba?” sunod-sunod kong tanong.

Umiling s'ya at napagat labi. Napatitig s'ya sa nakaawang kong labi. “M-Miss na kasi kita, 'di ko na makontrol ang sarili ko, Senka,” namamaos n'yang sambit.

Kunot-noo ko s'yang tinignan at iniisip kung ano ang ibig n'yang sabihin. Napagakat ako sa sariling labi nang malaman kung bakit s'ya dumadaing. Oh my, days pa lang kaming 'di nag-kiss tapos sabik na sabik s'ya sa akin.

He wants something from me pero dinadaan lang n'ya sa halik ang gusto n'yang iparating.

Tinignan ko ang orasan sa palapulsuhan n'ya at nakitang eleven o'clock na ng hapon.

“Senka,” malambing n'yang sambit at sumubsob sa aking leeg. Ayaw 'pang sabihin kung anong gusto n'ya dahil sa nahihiya ito.

Natawa ako sa kan'yang inasal. “Hindi mo pa sinabi sa akin kung bakit hindi mo ako magawang ihatid at sundo no'ng busy ka,” nagtatampo kong ani.

Ilalayo ko na sana ang mukha n'ya sa leeg ko pero mas lalo lang n'yang diin ang sarili sa akin.

“M-Mamaya sasabihin ko,” bulong n'ya. “Please, m-massage ko na lang mamaya kung masakit.”

Kinagat ko ang kan'yang balikat na ikinareklamo n'ya. Natawa ako sa kan'yang inasal, hindi na siguro n'ya kaya.

“Sa condo mo.” Tinapik ko ang kan'yang balikat at humiwalay sa yakap n'ya. “Ayaw mo naman siguro na ma-viral dito 'di ba?”

Namula ang kan'yang taenga at umiling kaagad. “I won't let that happen, i-ha-hack ko ang account nila kung sakali,” tila nagbabanta n'yang sambit. “Ako lang p'wede makakita ng katawan mo.”

Mahina akong napahagikgik. “Really? Bakit naman ikaw lang?” nanunuyang saad ko at pinulupot ang braso sa kan'yang leeg, sobrang taas din n'ya pala.

Kumunot ang noo n'ya. “Boyfriend mo ako, darling malamang.”

“Okay, okay hindi ka naman siguro galit 'no?” tanong ko.

“Nagseselos ako,” pagtatama n'ya at mabilis akong binuhat at inilapag sa kan'yang motor. “Aalis na tayo,” seryoso pa n'yang sambit.

“Mayro'n  ka 'pang subject, hey.”

Umiling s'ya at sumampa na sa unahan ko, tila nagmamadali. “Kaya kong humabol sa lessons namin. Miss mo ako kaya gagawin natin iyon sa condo.”

Nanlaki ang mata ko kahit alam ko naman na iyon ang gusto n'ya kanina pa. “Ikaw siguro 'yong miss ako, eh,” giit ko. “Are you horny?”

Pinaandar n'ya muna ang motor bago ako sinuotan ng helmet at gano'n din sa kan'ya.

“N-No.” Umiwas s'ya ng tingin, namumula na ang taenga nito. “I just love you and miss every inch of you so that's why I am this. I can't explain what I feel right now, pero hindi ako horny, okay?”

Napanguso ako at pinipigilan na ngumiti. “I love you rin, dami 'mong sinabi. Ayaw mo talaga ng horny.”

Napaismid lang s'ya, mukhang inis sa salitang horny, ah. Pinalupot n'ya ang braso ko sa kan'yang beywang bago kami umalis sa school.

Kinumbinsi ko s'ya na bumalik muna dahil may klase nga s'ya, ayaw ko namang maging sagabal pero ang nerd na 'to desidido na umalis kami. He can handle naman daw at hindi gano'n ka importante ang gagawin nila. Pero kahit na 'no.

Pagkahinto namin sa tapat ng condo building, s'ya unang umalis sa motor. Hinubad n'ya ang kan'yang helmet at gano'n din 'yong akin. Nanginginig pa ang kamay n'ya.

“Relax, Olli,” natatawa kong sambit. “Days lang naman tayo hindi nagkita, eh. Baliw ka na kaagad?”

Dahan-dahan n'ya akong binaba sa lupa at inayos ang buhok ko. Miss ko rin ang ganito.

“Matagal na akong baliw, Senka,” makahulugang anas n'ya. “Ilang araw lang na hindi kita nakikita, nababaliw na ako. Matatanggap mo ba ang baliw na kagaya ko, darling?”

Napangiti ako, kahit kinabahan ako ng konti sa kan'yang sinabi ay nanaig ang pagmamahal ko sa kan'ya. He's a sweet and good man, kaya wala na sa akin kung may mali sa kan'ya.

“I love you, Kuya Olli,” malambing kong ani at niyakap s'ya sa beywang.

Kumunot ang noo n'ya pero kaagad ding napangiti. “Kuya pala, ah.”


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro