Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27

Dedicated to: samreighn09

SENKA JONES


Nanliliksik ang mga mata n'yang lumapit sa aming gawi na ikinataranta ko.

Tinulak ko nang bahagya si Ryan. “Umuwi ka na! Umalis ka muna, please.”

Tila kakaibang aura na ang nakapalibot ngayon kay Olli kaya desidido akong paalisin s'ya.

Nagtataka man sya ay tumango na rin nang makitang pinanlalakihan ko s'ya ng mata.  Baka kung anong mangyari sa kanila ni Olli, hindi ko pa naman kabisado masyado si Olli kung ganito na ang expressed nito.

Napatingala ako sa nanliliksik na mga mata ni Olli ngayong nakatingin kay Ryan, binalingan n'ya ako na may akusang nakapaskil sa mata.

“Bakit magkasama kayo? Bakit nagkikita pa rin kayo ng lalaking iyon?” gigil n'yang tanong na hindi ko inaasahan.

Nakakatakot s'yang tignan ngunit nilabanan ko ang titig n'ya. Hindi ko inaasahang magiging ganito s'ya.

“Hindi kami magkasama, Olli. Nagkataon lang na—”

“Ito ba ang dahilan kung bakit umiiwas ka sa akin?!” napataas lalo ang kan'yang boses, nagulat ako sa pagod at sakit sa mga mata n'ya. “P-Pumunta ako sa bahay mo kagabi para sana makasama ka kahit kaunting oras lang p-pero... Mas higit pa sa pagod at manhid ang katawan ko nang malamang tumungo ka sa b-bahay n'ya.”

Napabuka ang bibig ko habang nakatingala sa lumuluha n'yang mga mata. May bahid pa rin na galit na ngayon ko lang nakita.

Umiwas ako ng tingin at napahigpit ang hawak ko sa alahas. “Hindi mo naintindihan, Olli. Walang kinalaman si Ryan sa ating prob—”

Napapitlag ako nang bigla n'yang binagsak ang kan'yang bag na suot n'ya kanina. Napatulala ako nang makitang sira-sira na ang project na pinagpuyatan n'ya.

Kinain n'ya ang distansya namin at kinulong ang pisngi ko sa kan'yang palad. Nanginginig ang kan'yang kamay at tila may pinipigilan.

“B-Bakit kayo magkasama, huh? Na-realize mo ba na mas mahal ko s'ya kaysa sa akin?” garalgal n'yang tanong, titig na titig sa mukha ko. “T-Tell me, are you cheating at my back?”

'Di makapaniwalang tinignan ko s'ya, napasinghal ako sa bagay na binibintang n'ya na kailanman hindi ko magagawa. 'Di ba dapat ako magtanong sa kan'ya no'n?!

Binaklas ko ang kan'yang kamay sa aking pisngi at napailing sa kan'ya na tila hindi ako makapaniwala sa kan'yang sinabi. Hindi ko alam kung anong eksakto ang nararamdaman ko ngayon.

“G-Grabe ka, Ollivander,” mariin kong sambit, nagngitngit ang ngipin ko.

“Sa l-lahat ng tao na pinagkatiwala ko ang aking sarili, ikaw 'yong may mas alam tungkol sa akin. A-Akala ko iba ka, pero parehas lang pala kayong lahat. Nagsisi ako na binigay ko sa 'yo ang tiwala ko, nagsisi ako na ikaw pa ang naging boyfriend ko.”

Napakurap s'ya ng ilang beses at nanghihina na lumapit sa akin para abutin ako. Umatras ako ng malayo sa kan'ya at sinamaan s'ya ng tingin.

Puno ng pagsisisi ang kan'yang mga mata habang pilit na inaabot ako. “D-D*mn, patawad, darling. H-Hindi ko sinasadya.” Napahagulgol na s'ya nang mas lalo ko s'yang iniwasan na lumapit. “P-Please, Senka. Bawiin mo ang s-sinabi mo. I'll do my bes—”

“Pagod ka na, Olli at gano'n din ako,” putol ko sa kan'yang sinabi. “Wala akong tiwala sa 'yo at gano'n ka rin kaya tapusin na natin 'to. Magdasal ka kung bumalik ang tiwala ko sa 'yo, wala na akong pakialam kung lalakero ang tingin mo sa akin. Pareho-pareho lang naman kayo.”

Umiling s'ya at mabilis akong niyakap na ikinasinghal ko.

“Bitiwan mo ako, Ollivander!”

“I'm your O-Olli, darling,” pagtatama n'ya at umiyak sa aking balikat. “H-Hindi ko kaya, please. Mahal na mahal ka ni d-darling, Senka. Ayusin natin 'to, oh.”

Umiling ako at tinulak s'ya sa dibdib na ikinabitaw n'ya sa akin, nanghihina s'ya kaya madali ko s'yang natulak.

“Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko,” diin ko at marahas na pinunasan ang luha. “Baka ikaw ang nagloloko sa ating dalawa kaya tigilan mo na ako kung totoo naman iyon.”

Nanlaki ang mata n'ya sa sinabi ko. “Hindi ko iyon magagawa, Senka.” Napailing s'ya. “Cheating is not my thing.”

“Sabihin mo iyan kay Ayna.”

Hindi ko na s'ya hinintay 'pang makapagsalita at makahabol pa, umalis ako sa kan'yang harapan. Hindi na n'ya magawang humabol sa akin dahil kaagad din akong sumakay sa sasakyan ng kaibigan ko.

~•~•~•~

Biyernes ngayon, gusto ko tuloy pabilisin ang oras at para naman hindi ako makapasok sa school. Ayaw kong gambalain ako ni Olli, dapat ang atupagin n'ya muna ay 'yong pag-sama kay Ayna.

Hindi naman ako magagalit ng ganito kung hindi n'ya ako pinagsabihan na nagloloko. Sabihin n'ya dapat sa kan'yang sarili.

Nagtataka na si Papa sa kinikilos ko minsan pero pinipilit ko naman na maging normal. Si Mama ayon sumama sa Ina ni Ryan at kung ano na naman ang ginagawa.

Wala silang alam na hiwalay na ako kay Olli at ewan ko ba kung bakit ayaw kong sabihin. Maybe... Umaasa ako na mali ang iniisip ko.

Napabuntong hininga na lang ako at sumama kay Delmara. Mukhang hindi n'ya ngayon kasama ang lalaking stalker na 'yon. Parehas sila ni Olli na nerd at creepy.

“Bakit ako kasabay mo ngayon? Nasa'n ang boyfriend mo?” tanong ni Delmara, hindi pa pala n'ya alam.

Sumandal ako sa upuan ng kan'yang kotse. “Wala na kami, I ended our relationship,” sambit ko na parang wala lang.

Sa totoo lang, ang sakit na sabihin na wala na kami. Ako ang unang kumalas kaya bakit ako pa 'yong nasasaktan?

Hindi naman ako makapaniwalang tinignan ni Delmara. “Ang bilis naman, Senka. Bakit naman?”

Kinuwento ko naman sa kan'ya ang lahat, pati na rin no'ng tumungo ako sa condo ni Olli at nakita kong nando'n si Ayna sa kwarto nito.

Alam kong walang kaalam-alam si Olli sa pag-handle ng relasyon pero hindi ko maiwasang magalit. Dapat ako lang ang nakakapasok sa kan'yang kwarto o 'di kaya 'yong magulang n'ya. Okay sana kung wala s'yang girlfriend.

Saglit napaisip si Delmara sa sinabi ko. “Naniwala ka ba kay Ayna? May gusto s'ya kay Ollivander at saka hindi ka rin sinisipot sa practice n'yo dahil halos lahat ng oras nila ay magkasama.”

Napatigil naman ako at unti-unting napagtanto na hindi malabong kinukuha nga ni Ayna ang oras dapat ni Olli para sa akin. Hindi ako sigurado pero dapat pinalawak ko pala ang isipan ko.

I know deep inside na mahal talaga ako ni Olli, tinabunan lang talaga ako ng galit ko. Pagod kami at nag-aaral pa pero kaya naman naming palampasin iyon. Kaya namin na labanan ito, may pumipigil lang talaga at iyon ang aalamin ko.

Papasok na sana ako sa classroom ko nang bigla akong pinigilan ni Xian kasama si Joey. Hinihingal sila na tila malayo ang kanilang tinakbo.

“Anong mero'n?” taka kong tanong.

Humihinga ng malalim si Xian at binuga ito. “'Y-Yong boyfriend mo, pinagtutulungan nila Andrei. Ayaw nilang magpaawat.”

Kumalabog naman ang dibdib ko nang marinig iyon. “Nasa'n sila?” tanong ko.

Hinila ako ni Xian at sumunod dito. “Sa labas ng building. Kawawa si Ollivander do'n.”

Napakagat ako sa sariling labi habang binabagtasan ang daan pababa ng building. Alam kong hindi papatol si Olli kay Andrei kaya kailangan kong pigilan.

Kaunti ang mga tao sa ibaba, may klase pa kasi kaya iilan lang ang nakapansin kila Olli. Agad ko s'yang nakita, nakayuko ito habang tinutulak-tulak ni Andrei sa balikat.

Bumaba ako kasama sila Xian at bago pa ako makalapit kay Olli, napatigil ako sa aking kinatatayuan at napasinghap.

Gulat na gulat din ang iba tulad ko sa ginawa ni Andrei. Sinapak n'ya si Olli sa pisngi at 'di inaasahang natanggal ang mask nito.

Napatakip ako sa bibig at hindi makagalaw dahil sa bigla. Hindi ito deserve ni Olli, wala naman s'yang kaaway kung tutuusin pero bakit nangyari ito sa kan'ya?


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro