Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 26

Dedicated to: Ashiikim21

SENKA JONES


“Bakit hindi ko nakikita si Ollivander ngayon, anak?” casual na tanong ni Papa kahit malalim ang iniisip n'ya.

Mabilis kong nilagay ang baon kong sandwich at gatorade sa aking bag. Sinukbit ko ito at tinignan si Papa.

“Minsan busy... Pero hinahatid-sundo n'ya naman ako.” Ngumiti pa ako rito, nagsinungaling ulit ako para sa lalaking iyon.

Marahan na tumango si Papa at binigyan ako 'pang advance na allowance kahit may akin pa naman. Nagpaalam na ako rito na aalis na ako. Sandali pa akong huminto nang makitang pababa si Mama sa hagdanan.

“Good morning, Ma,” bati ko rito, ayaw kong ipagmukha na may kasalanan s'ya kagabi. Dapat mag-usap na sila ni Papa.

Hinalikan n'ya ako sa pisngi. “Good morning, anak. Tapos ka nang kumain?”

Tumango ako rito bago tuluyang nagpaalam na aalis na. Sandali kong tinignan si Papa at nakitang inalalayan si Mama kahit inis na inis si Mama sa pagmumukha ni Papa.

Nagpakawala ako ng buntong hininga at lumabas ng bahay. Maaga pa naman ngayon kaya may oras pa akong maglibot-libot sa university mamaya.

Huminto ako sa harapan ng gate namin. Isang linggo ko nang ginagawa ito ngunit nakalimutan n'ya na talaga ako. Minsan lang n'ya ako sunduin o ihatid. Nagbabago talaga ang isang tao kung may ibang tao na ang nagpapasaya rito.

Napatigil naman ako sa gumugulo sa 'king isipan. P'wede nga iyon mangyari sa akin. Marami 'pang mayaman nababagay kay Ollivander, hindi katulad ko na walang maipagmamalaki.

Kung sakali 'mang may iba si Olli... Papakawalan ko s'ya kahit mahirap, nahihirapan din naman ako kaya dapat nang bumitaw. Tama ba ang desisyon na iyon? Hindi ko alam at naguguluhan na ako.

Hindi pa ako nakalayo sa bahay namin nang may pumara sa gilid ko na motor. Kusa akong napahinto sa gulat, nanghihinang tiningala ko si Olli na nasa harapan ko ngayon.

Humahangos s'ya nang kunin n'ya ang kan'yang helmet. Pawis ang kan'yang leeg at noo, basa rin ang buhok na sa tingin ko'y nagmamadali lang naligo at tumungo rito.

“Bakit hindi mo ako hinintay?” tanong n'ya at lumapit pa lalo sa akin.

Gusto kong singhalan s'ya at bigyan ng sarkastik na tingin ngunit pinipigilan ko lang. Mukha ba namang kaawa-awa ang kan'yang mukha ngayon.

“Akala ko hindi ka na dadating. Ilang araw na akong nag-aabang pero wala ka naman,” mahinahon kong sambit, malayo sa totoo kong nararamdaman ngayon.

Nasapok n'ya ang kan'yang noo at parang problemado nga talaga. Sa project pa ba ang pinagkakaabalahan n'ya o sa iba? Halata namang hindi sa project kasi.

Inayos n'ya ang kan'yang salamin na muntik nang mahulog sa pagyuko n'ya. Hinawakan n'ya ako sa braso at bahagyang pinisil do'n na tila pinapagaan ang umuusbong galit sa akin. Alam kong alam n'yang kabaliktaran ngayon ang pinapakita ko sa kan'ya.

“I-I'm so sorry, darling. Nakalimuta—”

Binaklas ko ang kan'yang kamay sa braso. “Sawang-sawa na ako sa sorry mo. Palagi mo naman akong nakakalimutan kaya ano pa ang bago?”

Nanginginig ang bagang n'ya habang nakatingin sa akin. Para s'yang takot sa inaasal ko ngayon.

“D-Darling, please...” Mabilis n'ya akong niyakap at bubuhatin na sana para isakay sa kan'yang motor nang kumawala ako.

Marahas kong sinabit ang bag sa aking balikat at masama s'yang tinignan.

“Ayaw kong kasabay ka ngayon, umiinit ang ulo ko sa 'yo.”

Umalis ako sa kan'yang harapan na inaakala ko na makakatakas ako sa kan'ya ngunit hinabol n'ya ako at niyakap mula sa likuran ko.

“S-Sorry, sorry.” Hinalik-halikan n'ya ang buhok ko, nanginginig ang kamay n'ya. “Pangako hindi ito mangyayari ulit.”

Pumihit ako para harapin s'ya. “Hindi ka ba napapagod, Olli?” mahina kong tanong dito, namumuo na ang luha sa 'king mga mata pero pinigilan ko.

Napakurap s'ya. “Pagod ako pero ikaw ang pahinga ko, Senka,” paos n'yang ani.

Tuluyan nang bumuhos ang luha sa 'king mga mata. Bigla kong naisip na siguro pahinga n'ya ako pero 'yong kasama n'ya sa saya at pag-ayos ng kan'yang buhay ay hindi ako.

Nakikita ko ang aking sarili kay Mama at Papa. Si Mama na mahal na mahal pa rin ang lalaking mayaman. Si Papa na ginagawang pahinga lang.

Ayaw ko no'n, hindi ko hahayaang mangyari iyon sa akin.

Nataranta naman s'ya nang makitang umiiyak ako habang nakatingin sa kan'ya. Niyakap n'ya ako ng mahigpit at paulit-ulit na humihingi ng tawad. Hindi naman gumagaan ang loob ko, mas lalo n'yang pinalala.

“N-Naiintindihan ko na nag-aaral ka.” Tumango-tango pa ako. “Maiintindihan k-ko na kahit isang buwan tayong 'di magkita, eh. Basta sabihin mo sa akin, hindi 'y-yong paasahain ako ng ganito. N-Nag-o-overthink ako kung sino ang kasama mo at bakit hindi ka tumutupad sa iyong pangako.”

Rinig ko ang pagod n'yang hagulgol sa 'king balikat at mas lalo 'pang niyakap ang nanghihina kong katawan.

“N-Nasa'n ka kagabi nagpunta? Pumunta ako pero wala ka, kotse na papalayo lamang ang nadatnan ko.”

Humiwalay ako sa yakap at pinunasan ang luha sa mga mata. “Hindi na iyon importante.” Napabuga ako ng hininga.

“Tinatanong nga kita pero ayaw ko namang sabihin. Mas mabuting sarilihin na lang natin ang sekretong mero'n tayo.”

Tila nasaktan naman s'ya sa sinabi ko. Nagpapaawa ang kan'yang mga matang nakatingin sa akin, hindi ako nagpadala dahil alam kong magpapakatanga na naman ako. Ayaw kong gayahin si Papa o si Mama.

“I-Ihahatid na lang kita,” aya n'ya sa akin.

“Please, h'wag mo muna akong kausapin, Olli,” mariin kong sambit at pagod na tinignan s'ya. “Kailangan natin ng space sa ngayon. Gusto ko pa ring hanapin ang pakiramdam na iniintindi kita.”

Naluluhang tumango s'ya at napasinghap ng hangin. Mas lalong nahirapan ang kan'yang paghinga dahil sa kan'yang mask.

“Aabangan at titingin lang ako sa malayo, ah? K-Kahit ito na lang ang gawin ko muna.”

Hindi ako tumanggi o nagsalita. Umalis ako sa kan'yang harapan at nanghihinang pinagpatuloy ang lakad ko. Rinig ko ang tunog ng kan'yang motor at pagsunod sa akin.

Napangiti ako ng mapait. Bakit pa s'ya nag-aaksaya na bantayan ako? Ro'n s'ya sa kasama n'ya. Hindi naman n'ya nagawa ito no'ng busy pa s'ya.

Hanggang sa makarating ako sa university hindi ko s'ya nilingon at diretso-diretso lamang ang lakad papuntang gym. Ayaw kong tignan s'ya ng matagal o sulyapan, baka hindi ako makapagpigil at yakapin s'ya.

Wala ako sa sarili habang nag-eensayo ng badminton kasama ang ibang team. Wala rin naman si Ate Ayna at may ideya na rin ako kung nasa'n iyon.

Lalo lang pumapait ang nararamdaman ko sa tuwing iniisip na mas matagal na may pinagsamahan sila kaysa sa amin ni Olli. Kung sino man ang mas perfect sa aming dalawa, si Ate Ayna iyon.

Mabait s'ya at sinisigurado naman sa akin na hindi n'ya sisirain ang relasyon namin ni Olli which is mukhang si Olli mismo ang makakasira no'n.

Depende kay Olli kung kaya n'ya 'bang pagsabayin ang relasyon sa pag-aaral. Sa kan'yang pinapakita, mukhang hindi o baka dinadahilan lang. Hindi ko alam. Dapat ko na ba itong itigil para naman wala na s'yang iisipin?

Pagod na pagod na ako, buti na lang at excuse ako sa klase kaya nasa gym ako buong magdamag. Nagbaon naman ako ng pagkain ko kaya hindi ako lumalabas para tumungo sa gym o ano.

Matamlay na naglalakad ako sa palabas ng building nang biglang sumulpot si Ryan. Mukhang dito na s'ya ulit mag-aaral.

“Bakit mag-isa ka lang? Nasa'n kaibigan mo?” Sinabayan n'ya ako sa paglalakad.

Namumungay na ang mga mata ko. Gusto kong humilata na sa kama at pahingahin ang pagod kong puso. Hindi naman kaagad akong napapagod sa ensayo pero dahil may iniinda akong emotional pain, Mae lalo akong pinapatay nito.

“She's busy,” sagot ko at tinignan s'ya. “Mauna ka na, ayaw kong kasabay kita.”

Napakamot s'ya sa batok at napangiwi. “'Yong alahas ni Mama mo naiwan sa bahay kaya dinala ko na para isauli sa iyo.”

Huminto kami malapit sa parking lot, kinuha n'ya ang bracelet at kwentas sa kan'yang bag at binigay sa akin. Agad ko naman itong kinuha sa kan'ya.

“Thank yo—” Magpapasalamat na sana ako kay Ryan nang makita si Olli na nakaabang sa parking lot.

Naka-krus ang braso n'ya sa kan'yang dibdib habang nakasandig sa malaki n'yang motor. Nakatingin s'ya sa aming gawi. Nanliliksik ang mga mata n'yang lumapit sa aming gawi na ikinataranta ko.



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro