CHAPTER 25
Dedicated to: KNGFHRTS
SENKA JONES
“Ryan...” naisatinig ko nang makita s'ya ngayon sa aking harapan.
Napangiti s'ya dahil do'n. “Yeah, it's me. How are you?”
Napakurap naman ako at naalalang hindi pala naging maganda ang huli naming pagkikita. I mentally rolled my eyes.
“Super okay ako,” walang gana kong sagot dito.
Nakangising tinaasan n'ya ako ng isang kilay. “Super okay without me? Baka hindi ka pa naka-move on sa akin.”
Tuluyan na akong napairap sa kan'yang kayabangan. Hanggang ngayon hindi pa rin s'ya nagbabago and at the same time gwapo na babaero.
“Baka nakalimutan mo na hindi kita minahal? Alam mo ba na mas naging masaya ako nang naghiwalay tayo?” tanong ko.
Nawala naman ang nanunuyang ngisi nito sa akin, natulala s'ya sandali at napailing.
“Let's not talk about it.” Una s'yang sumuko. “Nandito ako para sunduin ka.”
Tinignan ko muna ang orasan at saka binalingan s'ya na walang pake. “At saan mo naman ako dadalhin ngayong gabi? H'wag mo na akong ilista sa mga nakama 'mong babae.”
Tila na-offend naman s'ya sa sinabi ko. “Senka.”
Napasinghal ako. “Ano? Gano'n ka pa rin naman 'di ba? H'wag 'kang umarte na hindi mo iyon kayang gawin. Kitang-kita ko pa nga ang kababuyan mo.”
Galit na nga ako kay Olli nadagdagan na naman dahil nandito s'ya. Bakit gano'n? Ginawa ko naman ang lahat pero bakit hanggang ngayon sinasaktan pa rin ako ng tadhana? P'wede 'bang magpahinga naman kahit sandali?
Hindi nakapagsalita si Ryan, hindi ko alam kung nakonsensya ba s'ya o ano. Dapat hindi dahil ginusto n'ya iyon, ayos lang sana kung wala s'ya sa matinong pag-iisip kaso sinabi n'ya mismo sa aking harapan ng gabing iyon na sinadya n'ya.
“Aalis na ako. Hindi ako nagagalak na makita ngayon. Galit ako kaya h'wag mo akong galitin pa.” Sinamaan ko s'ya ng tingin bago s'ya iniwan do'n sa harapan ng gate.
Hindi naman ako natakot na ako lamang mag-isang tumungo sa convenience store sa bayan. Wala akong maluto sa bahay kaya bumili ako ng apat na pancit canton at coke na isang litro. Kung hindi ako makapaglasing, ito na lang. Ayaw ko namang mahang-over bukas dahil may pasok pa ako.
Pagkalabas ko ng store dala-dala ang binili ko ay agad na bumungad sa akin ang nakakasinag na liwanag sa harapan ko. Tinakpan ko ang aking mukha at gumilid.
Nang aking alisin ang kamay sa mukha, umusbong ulit ang galit sa aking mukha. Ano pa ang ginagawa n'ya rito? H'wag n'yang sabihin na sinundan n'ya ako?!
Bumaba si Ryan sa kan'yang kotse at nilapitan ako. Nagngitngit ang ngipin ko habang nakatingala sa kan'ya.
“What?!” Singhal ko rito.
Tinaas n'ya ang kamay na tila sumusuko. “Kahit ngayon lang, Senka h'wag ka munang magalit sa akin. Nasa bahay ang Mama mo, lasing na lasing.”
'Yong kunot-noo ko ay napalitan ng pagtataka. “Paanong nando'n si Mama? Kasama n'ya si Papa sa probinsya.” How come nando'n si Mama? Nagsisinungaling ba s'ya?
Bahagyang yumuko s'ya. “Sumama ka sa akin para malaman mo na nagsasabi ako ng totoo. Nagwawala s'ya at wala ro'n ang Papa mo para awatin ito.”
Nanatiling sinamaan ko s'ya ng tingin. “Nagsisinungaling ka rin naman minsan, ah?” sarkastik kong sambit na mas lalong ikinalungkot n'ya. “Sige sasama na ako. Ihuhulog na lang kita sa kotse kung sakaling may gawin 'kang masama.”
Kahit nasaktan s'ya sa sinabi ko ay nagawa pa rin n'yang ngumiti sa akin. Bakit s'ya nasasaktan? Last time no'ng sinabihan ko s'ya ng mga masasamang salita ay nakangisi lang ito. Tila hindi nakonsensya sa kan'yang panloloko ngunit ngayon halos pagsakluban s'ya ng langit.
Tuluyan na akong sumama sa kan'ya. Ako na mismo ang nagbukas ng pinto ng kotse, hindi ko hinayaan na alalayan ako nito. Napabuntong hininga s'ya at tumungo sa driver seat habang nasa likuran ako ng kotse.
Pinagkrus ko ang dalawang braso sa dibdib. “Bilisan mo at para na rin makakain ako,” suplada kong sambit.
Sinimulan na n'yang paandarin ang kotse. “Ipaghahanda kita sa baha—”
“Salamat na lang, ayaw kong magtagal sa bahay n'yo,” bara ko rito. Wala s'yang nagawa kundi tumango ulit at pinausad na ang kotse.
May parte sa akin na ayaw kong sumama sa kan'ya dahil galit pa rin ako sa kan'ya. Kung tatanungin ako kung may feelings ba ako sa kan'ya? Hindi ko naman talaga s'ya minahal, muntik lang. Siguro naging malapit kami sa isa't-isa kaya masakit sa akin na ginano'n n'ya ako.
Dapat sinabi n'ya sa akin na ayaw nya na sa relasyon. H'wag ipilit kung 'di mo naman gusto ang isang tao, sa sitwasyon kasi n'ya noon nagtiis lang s'ya sa akin. Hindi n'ya ako mapakinabangan dahil hindi ko binigay ang sarili sa kan'ya, 'yon lang naman ang habol n'ya sa akin.
Hindi ko na hinayaan na pagbuksan ako ni Ryan at kaagad na bumaba ng kotse. Rinig ko na naman ang malalim n'yang pagbuntong-hininga at iginaya ako papasok sa kanilang bahay.
May kaya lang sa buhay si Ryan kaya nga boto si Mama sa kan'ya, si Papa lang ang nagdadalawang isip. Katulad ng simpleng bahay ko ay gano'n din kila Ryan.
“Nasa'n si Mama?” tanong ko sa kan'ya, palinga-linga ako sa paligid at hinanap si Mama.
“Sa kusina,” sagot n'ya, hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad do'n na pumunta.
Hindi na ako nagulat nang makitang nakahiga na si Mama sa sahig. Pilit s'yang pinapatayo ng Mama ni Ryan ngunit nagmatigas s'ya.
May hawak itong buti sa kanang kamay, kung ano-ano na ang kan'yang sinisigaw.
“S-Si Joaquin na 'yan, hindi nakontento sa isa kaya hanap ng bago!” garalgal ang kan'yang boses na umaalingawngaw sa buong kusina. “B-Binigyan ko lang s'ya ng oras para mag-isip pero sa aking pagbalik may kasama na s'yang iba! Napakasama n'ya t-talaga!”
“Tama na po 'yan, Tita,” awat sa kan'ya ni Ryan, umiling si Mama.
“Hindi lang mga mayaman ang kayang magloko! Lahat ng lalaki kaya iyon!”
Nasapok ko ang aking noo at nilapitan si Mama. “Ma, uwi na tayo.” Lumuhod ako sa kan'yang harapan at mahina s'yang hinila.
“Anak? S-Senka?” hindi masyado maintindihan ang kan'yang sinabi, tumawa s'ya ng mahina. “S-Sana nga hindi ka lokohin ng lalaking iyon. Ayaw kong m-mangyari sa 'yo ang nangyari sa akin.”
Nanikip naman ang dibdib ko nang makitang lumuluha s'ya habang tinutungga ang alak n'ya.
Sa tingin ko nga malapit nang mangyari iyon. Palagi kong iniisip kung paano kaya kung tuluyan nang humanap ng iba si Olli? Anong gagawin ko?
Sa nakikita ko kay Mama, sa mga naranasan n'ya sa lalaking unang pag-ibig n'ya, naisip ko na dapat maging silbing aral sa akin ito. Na h'wag kong gayahin ang pagkakamali ni Mama.
Matagal ang pagbuhos ng luha ni Mama at ilang minuto nakatulugan na n'ya ito.
“Sorry po talaga, Tita, ah? Salamat at hindi n'yo pinabayaan si Mama,” nahihiyang sambit ko rito.
Ngumiti s'ya sa akin. “Magkaibigan kami ni Mama mo kaya naiintindihan ko s'ya. Nasanay na rin ako at saka... Gusto kong maka-move on na s'ya sa lalaking iyon.”
Matagal ko ng alam ang pangalan ng lalaki na hanggang ngayon mahal pa rin ni Mama. 'Yong ama ni Delmara na naging Mayor sa lugar namin.
Kaya siguro palaging nakakunot-noo at maraming emosyong pinapakita ang mga mata ng ama ni Delmara sa tuwing nakatingin sa akin dahil sa kilala n'ya ang mukha ko at may kahawig, 'yon pala ay si Mama.
Nagpasalamat ako kay Tita at gano'n din kay Ryan. Tila nagulat pa s'ya ngunit kaagad ding ngumiti. Kahit naman galit ako sa kan'ya gusto ko pa rin magpasalamat. Hindi pa naman ako gano'n kasama.
Hinatid kami ni Ryan sa bahay namin. Natawagan ko na si Papa kung nasa'n s'ya at buti naman nasa bahay s'ya. Alam kaagad n'ya kung anong nangyari kay Mama kaya pagkarating namin sa tapat ng gate, kita ko na kaagad s'yang nakaabang do'n.
Binuksan ko ang pinto ng kotse sa likuran at lumabas. Sinalubong ko si Papa. “Nasa backseat s'ya, Pa.”
Tumango s'ya at ginulo ang buhok ko bago binuhat si Mama. Nagpasalamat ito kay Ryan bago tuluyang pinaharurot ang kotse. Kita kong kumaway s'ya sa akin, tinaas ko lang ang kamay bago binaba nang mawala s'ya sa paningin ko.
Sumunod ako kay Papa na buhat-buhat ngayon si Mama. Tahimik s'ya at paulit-ulit na hinahalikan ang noo ni Mama na tila sabik sa atensiyon at pagmamahal.
Napalunok ako ng sariling laway na tila bumara sa aking lalamunan. Huminto ako sa hagdanan at tinitigan ang likuran ni Papa. Bakit s'ya nagtitiis sa taong hindi naman s'ya mahal?
Naaawa ako kay Mama ngunit mas higit na nalulungkot ako para kay Papa. Para kasing ginawa lang s'yang comfort room, bale 'yong relasyon nila ni Mama ay isang peke lamang. One sided love kaya masakit ang sitwasyon ngayon ni Papa.
Hindi ko alam kung minahal ba talaga ni Mama si Papa pero sa aking nakikita, 'yong puso ni Mama ay nakatago pa rin sa una n'yang minahal at tanging presensya lamang n'ya ang pinanghahawakan ngayon ni Papa.
Tahimik na lang akong humagulgol sa sofa habang nakayuko. Pigil na pigil ang iyak ko, ayaw kong marinig ng lahat, kahit ng pusa.
Kaya hindi sumama si Papa kay Mama sa bahay ni Ryan kanina ay alam n'ya ang mangyayari. Bukam-bibig ni Mama ang lalaking iyon.
Ramdam ko ang sakit nararamdaman ni Papa ngayon. Masayahin s'ya pero grabe 'yong sakit na tinamo n'ya.
Rinig ko minsan ang pag-iyak n'ya sa kwarto nila ni Mama habang yakap-yakap n'ya ito. 'Yon na lang ang tanging mapanghahawakan n'ya... Kahit hindi 'yong puso ni Mama.
Sabi nila 'yong mga taong tahimik na umiiyak at palaging masaya sa tuwing kaharap ang ibang tao, sila 'yong mga taong grabe na ang sakit na pinagdadaanan. Totoo naman talaga, tulad naming dalawa ni Papa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro