CHAPTER 22
Dedicated to: undoubtedlypretty
SENKA JONES
"Bumaba ka muna d'yan, anak." Rinig ko ang malakas na boses ni Papa na nagmumula sa labas ng aking kwarto.
Inalis ko ang kumot sa 'king katawan. "Bakit pa?" may kalakasan kong tanong, bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa pintuan.
"Nobyo mo nasa labas, pag-usapan natin ang relasyon n'yo."
"Huh?!" gulat kong bulalas at mabilis na binuksan ang pinto, nakababa na si Papa sa hagdanan bago pa ako magsalita.
Bigla akong kinabahan. Baka kung anong sinabi ni Mama kay Papa, baka tuluyan na nila kaming paghiwalayin. Ayaw kong mangyari iyon kaya naman agad akong bumaba para tumungo sa sala.
Inayos ko ang magulo kong buhok bago nilapitan si Olli, halatang kararating lamang n'ya rito. Abala s'ya sa album na hawak-hawak n'ya ngayon, mukhang naaaliw sa kan'yang tinitignan.
Napakagat labi ako at huminto 'di kalayuan sa kan'ya. Mas lalong lumalaki ang kan'yang braso at hindi ko alam kung paano n'ya ito nagagawa. At napansin kong attractive s'ya tignan kung naka-eye glasses, he's always wearing that.
Kumalbog ng mabilis ang aking dibdib nang bumaling s'ya ng tingin sa akin. Nilapag n'ya ang album sa harapan ng lamesa at sinenyasan akong tumabi sa kan'ya.
Lumunok muna ako ng sariling laway bago dahan-dahang lumapit sa kan'yang gawi. Uupo na sana ako sa kan'yang tabi nang bigla n'ya akong hinila at pinaupo sa kan'yang kandungan.
"H-Hey!" Napasinghap ako sa mabilis n'yang galaw. Kumapit agad ako sa kan'yang batok at bahagyang sinandig ang gilid ng katawan sa kan'ya.
"Masakit pa ba?" malambing n'yang tanong at bumaba ang tingin sa 'king pagitan ng hita.
Tinakpan ko ito gamit ang album at piningot ang kan'yang taenga na agad n'yang ikinaaray.
Binitawan ko kaagad dahil namumula na ito. "Marinig ka ni Mama at Papa!" diing bulong ko sa kan'ya, pinandilatan ko pa s'ya ng mata.
Tumango s'ya na parang bata at inayos ang kan'yang mask na bahagyang natabingi. "Sorry na, darling. Mamaya ko na lang i-check an-"
Tinakpan ko ang kan'yang bibig at mas lalo s'yang pinanlakihan ng mata. Tumango-tango ulit s'ya kaya inalis ko na ang kamay sa kan'yang bibig.
"Pinapunta ka ba ni Papa rito?" tanong ko, akmang aalis ako sa pagkakandong sa kan'ya nang higpitan n'ya ang hawak sa 'king beywang, hinayaan ko na lang na ganito kami.
"Ako mismo ang nagsabi sa kan'ya na pag-usapan ang tungkol sa atin," tugon n'ya, nilagay n'ya ang buhok ko sa likuran ng balikat ko. "Si Papa mo pumayag na sa relasyon natin pero kailangan kong malaman ang sagot ng Mama mo sa ating relasyon."
Bumalik ulit ang kaba sa aking dibdib. Baka mas lalong magalit si Mama dahil dito. Worst baka kung ano pa ang kaya n'yang gawin kay Olli, knowing na hindi lumalaban 'tong nerd na 'to.
"H'wag 'kang mag-alala, akong bahala sa ating relasyon." Hinalikan n'ya ang pisngi ko at hinaplos ang buhok ko sa likuran, bigla naman akong kumalma dahil do'n.
Gulat na umalis ako sa pagkakandong kay Olli at umupo sa tabi nito nang makitang nakatingin sa amin si Papa at Mama. Hindi ko mabasa kung anong mero'n sa kan'yang mga mata ngayon. Pinagpawisan tuloy ako.
Hinawakan ni Olli ang kamay ko at nakita iyon ni Mama ngunit wala s'yang angal. Umupo silang dalawa ni Papa sa aming harapan.
"Tito at Tita," panimula ni Olli, mas humigpit ang kapit n'ya sa aking kamay. "Gusto ko sanang hingiin ang kamay ng anak n'yo. Mahal na mahal ko po s'ya kaya guys kong maging legal ang relasyon namin."
"Ayos sa akin ang relasyon n'yo ng anak ko, hijo," sambit ni Papa at tumingin kay Mama. "Kita mo mahal? Mahal na mahal ng lalaking 'to ang anak natin. Ilang araw mo na s'yang pinapahirapan, sapat na siguro iyon para maniwala ka."
"Pinapahirapan?" taka kong tanong at tinignan si Olli.
"Sasabihin ko mamaya sa 'yo," bulong n'ya.
Gusto kong malaman kung paano pinaghirapan ni Mama si Olli ngunit mamaya ko pa malalaman mula kay Olli. Medyo naintindihan ko naman si Mama kung bakit n'ya ito ginagawa. Hindi pa s'ya tiwala kay Olli at gano'n din naman ako no'ng una.
Bumuntong hininga si Mama. "Sa oras na umiyak ang anak ko dahil sa 'yo at nalaman kong niloloko mo s'ya, wala 'kang magagawa kundi kalimutan ang anak ko. Nagkakaintindihan ba tayo, hijo?" seryosong saad ni Mama.
Parang hinaplos ang puso ko matapos iyon marinig. Ayaw n'yang mangyari sa akin 'yong nangyari sa kan'ya noon. Kahit tutol s'ya sa relasyon namin ni Olli ay wala s'yang nagawa. Dahil gusto n'ya akong maging masaya ngunit gusto rin akong protektahan.
"Hindi ko po sasayangin iyon," tugon ni Olli.
Ngumiti s'ya ng tipid kaya napangiti rin ako. Nagkatinginan sila ni Papa, unang umiwas si Mama at umalis sa sala. Sumunod si Papa kaya naiwan kaming dalawa ni Olli.
Binalingan ko si Olli at mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Okay na tayo kay Mama. Wala na tayong problema."
Sandali s'yang tumitig sa akin. "Sana nga, sasamahan mo naman siguro ako para labanan ang problema natin 'di ba?" makahulugang tanong n'ya.
Kahit hindi ko alam kung ano ang kan'yang pinupunto ay tumango pa rin ako. Depende kung kailangan kong lumaban para sa aming relasyon. Paano kung hindi naman dapat ipaglaban?
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling dumating ang problema sa aming dalawa. I hope na hindi gano'n kalala.
~•~•~•~
Nasa kalagitnaan na kami ng school year at dahil do'n mas lalong dumami ang aming gawain at pati na rin ang activity sa university.
Napapadalas na rin ang practice ko sa badminton habang si Olli naman ay busy rin sa study lalo na't hindi madali ang kan'yang course. Minsan ko kasi s'yang nakita na may kinakalikot sa computer tapos maiinis kung hindi n'ya magawa ng tama. Feeling ko nga stress na s'ya.
Kaya hindi ako muna ako nagpakita sa kan'ya, pero mukha namang hindi na n'ya ako natandaan. Hindi naman ako galit dahil do'n, naiintindihan ko nga, eh.
At saka kaya hindi ako sumasabay sa kan'ya ay para matapos na nito ang kanilang project. Minsan kasi kung magkasabay kami nakatutok s'ya sa kan'yang laptop tapos paglalaanan pa ako ng kaunting oras n'ya.
Ayaw kong maging distraction sa kan'ya kaya hinayaan ko munang ayusin ang kan'yang problema. Kung p'wede nga sana na tulungan s'ya'y nagawa ko na ngunit wala naman akong alam sa kan'yang ginagawa.
"Aalis ka ulit, Ate Ayna? Hindi pa tayo tapos sa practice," ani ko.
Mabilis n'yang kinuha ang kan'yang shoulder bag at sinabit sa kan'yang balikat. Ngitian n'ya ako at tila nagmamadali nga talaga s'ya.
"Sorry, Senka. Kailangan naming tapusin ang project ng kasama ko, eh. I-excuse mo na lang ako kay coach," sambit n'ya at tinapik ang balikat ko.
Napakurap ako. "Pero baka pagalita-"
Agad s'yang sumabat, "Basta i-excuse mo lang ako, okay? Akong bahala kung sakaling magkaproblema."
Hindi na n'ya ako hinintay 'pang magsalita at walang paalam na umalis sa badminton court. Napapansin ko na ang madalas n'yang pag-alis sa tuwing kalagitnaan ng practice namin.
Dapat hindi na s'ya sumali sa badminton kung ganito lang din naman. Sinasarili ko lang ito at ayaw kong magalit sa kan'ya, kailangan kong intindihin minsan kahit nakakasawa na.
Pakiramdam ko naiinis na ako sa kan'ya at hindi na ako komportable tulad ng dati. Nagsimula lang ito no'ng napapadalas ang kan'yang pag-alis at iwan ako sa kalagitnaan ng practice.
Sinawalang bahala ko na lang ang inis ko at naghanap ng kapares para makapag-practice. Partner kaming dalawa kaya dapat kami 'yong nag-eensayo ngunit palagi s'yang wala. Dapat nag-solo na lang ako.
Tapos na ang practice namin kaya naman naisipan kong puntahan ang room ni Olli. Ngunit pagkarating ko ro'n ay wala ng tao, baka kanina pa ang uwian nila.
Sa isipang naghihintay s'ya sa akin sa parking lot ay kaagad akong kumaripas ng takbo para makaabot. Sigurado akong busy s'ya ulit pagkauwi n'ya sa condo.
Napalinga-linga ako sa paligid nang 'di ko s'ya mahalagilap. Walang katao-tao dahil anong oras na ngayon, nagabihan na pala ako.
Sandali akong nakatayo sa gitna ng parking lot habang iniisip s'ya. Ngayon n'ya lang ako nakalimutang hintayin, kailan man hindi n'ya ako iniiwang mag-isa lalo na kung gabi na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro