Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 20


SENKA JONES



Humigpit ang yakap n'ya. “Gusto kong makita mo ang buong pagkatao ko, would you still love me after this?”

Bahagyang humiwalay ako sa kan'ya at inangatan s'ya ng tingin. “T-Talaga?”

Hindi ko napigilang ma-excite. Ito na ba ang araw na ipapakita n'ya sa akin ang kan'yang nga sekreto?

“Do'n sa kwarto.” Marahan n'ya akong hinila para tumungo sa sinasabi n'ya.

Nagsalubong ang kilay ko at may naramdamang kakaiba sa kan'ya. “Sure ka na ipapakita mo lang sa akin? Walang kababalaghan?”

Saglit na kumunot ang kan'yang noo. “Wala namang multo ro'n. Tara na.” Tuluyan na n'ya akong hinila papasok sa kan'yang kwarto.

Hindi ko nakita no'ng nakaraang araw ang kan'yang kwarto dahil nga hindi ko s'ya pinapansin no'n. Una kong natanaw ay 'yong mga laptop at computer n'ya sa harapan ng malaking kama.

“Nagagamit mo ba lahat gadgets mo?” taka kong tanong. “Hingi ako isa,” dagdag ko pa at umupo sa kan'ya kama.

Sinara n'ya muna ang pinto bago dahan-dahang lumapit sa akin. Tila isang hitman na model s'ya sa aking paningin, I can't wait to see his looks.

Umupo s'ya sa tabi ko. “Anong gusto 'mong malaman muna sa akin?” tanong n'ya.

Naningkit ang mata ko, para kasing may pag-alinlangan sa kan'yang mga mata.

“Napipilitan ka lang ba?” Umusog ako ng konti palayo sa kan'ya. “H'wag mo nang sabihin kung hindi ka ready.”

Marahan n'yang sinabunutan ang buhok at nilapitan ako. “H-Hindi sa gano'n, darling. Baka kasi mandiri ka sa mukha ko.”

“'Yan ang iniisip mo?” Napasinghap ako. “Sabi ko naman sa 'yo una pa lang na wala akong pakialam kong pangit ka o ano man ang mero'n sa mukha mo 'di ba? Minahal ba kita dahil d'yan?”

Umiling s'ya na parang bata.

“Yo'n naman pala, eh,” anas ko. “I don't care kung nakakatakot man o nakadidiri iyan, mas importante sa akin 'yong inner beauty, I don't care about the looks, okay?”

Tumango ulit s'ya at niyakap ako, medyo nagulat ako ro'n.

“Thank you, darling. Mas lalo tuloy akong humanga sa 'yo.” Humiwalay s'ya sa yakap at mahinang kiniskis ang pisngi n'ya sa akin.

Ngumiti s'ya sa akin kaya nahawa naman ako sa kan'ya. Minsan lang s'ya maging ganito, kadalasan seryoso at umiiwas sa akin ng tingin pero grabe naman kung makadikit.

Natulala ako nang dahan-dahan n'yang inalis ang kan'yang mask sa mukha, hindi n'ya inalis ang tingin sa akin hanggang sa nakita ko ang buo n'yang mukha.

“This is Ollivander, darling. Still your darling that you love.” Hinawakan n'ya ang kan'yang panga at pinunasan ang pawis do'n.

Hindi ko inalis ang tingin sa kan'yang mukha, bawat detalye rito ay aking kinakabisado. Bago man sa akin ay s'ya pa rin ito.

“D-Don't look at me like that.” Yumuko s'ya.

“No.” Tinaas ko ang kan'yang baba at hinaplos ang kan'yang panga kong saan nando'n ang malaki n'yang peklat na halatang-halata.

“Saan mo ito nakuha?” mahina kong tanong, lumapit pa ako lalo sa kan'ya at nakita ko nga ang isa 'pang peklat sa gilid ng kan'yang labi.

Napalunok s'ya sa sariling laway. “K-Kay Mama.”

Napantig ang taenga sa narinig, tumingin ako sa kan'yang mga mata. “Paano? Sinaktan ka ba n'ya?”

Lumandas ang kan'yang palad sa gilid ng aking beywang bago n'ya ako sinagot, “Hindi n'ya kasalanan. Wala s'ya sa sarili kaya malakas n'yang nahampas ang mukha ko ng latigo, sinubukan ko kasing tulungan si Kuya kaya ako 'yong nahampas.”

Naawa naman ako pero hindi ko dapat maramdaman ito, I'm sure ayaw ni Olli na kinakaawaan. Malawak na ngiti ang binigay ko sa kan'ya.

“I'm so proud of you, Olli. Ikaw na ang pinakamabait na lalaking nakilala ko,” puri ko rito para gumaan naman pakiramdam n'ya.

Nagsalubong ang kan'yang kilay at napangiwi ng konti labi, bagay na ngayon ko lang nalaman. “Bakit? May nakilala ka 'bang mabait na lalaki?”

Hinampas ko ng mahina ang kan'yang dibdib at natawa sa pagiging seloso n'ya.

“Mayro'n namang mga mababait na lalaki, ah. Wala naman sa akin iyon, ikaw lang ang tanging lalaking nagpabilib sa akin.” Kinurot ko s'ya sa pisngi na ikinaaray naman n'ya.

“Senka...”

“Gusto ko 'yong scars mo.” Pinalandas ko ang aking daliri sa kan'yang gilid na labi. “Wala ka dapat ikatakot, Olli kung ayaw nila sa peklat mo. You shouldn't hide anymore especially na nandito na ako ngayon sa tabi mo. You're not alone anymore.”

Sumilay ang munting ngiti sa kan'yang labi, humigpit ang kapit n'ya sa aking beywang.

“Hindi na ako nag-iisa dahil nand'yan ka na sa aking tabi. You made my world complete, darling. I cherish you the most.”

Lumapit ang kan'yang mukha sa akin at kusang pumikit ang mga mata ko nang maramdaman ang kan'yang hiningang tumatama sa 'king bibig.

Dinikit n'ya ang aming katawan na nagsisimula nang uminit bago n'ya inangkin ang aking labing bahagyang nakaawang. Sumabay ako sa bawat paggalaw ng kan'yang labi.

Nawala na sa isip ko ang mga pinag-usapan namin at tanging sinisigaw ng mga puso namin ang nanaig ngayon. Halos kapusin ako ng hininga sa malalim n'yang halik.

“Ohh,” napaungol ko nang bumaba ang kan'yang halik sa aking panga, sinipsip n'ya ang balat ko ro'n.

Kumapit ako nang mahigpit sa kan'yang leeg. Bumagsak ang noo ko sa kanang balikat n'ya at napapikit ng mariin, hinahalikan na n'ya ang leeg ko.

Inalis n'ya ang mukha ro'n at pumantay sa akin ng tingin. “I miss you.”

Namumungay ang mga mata ko. “M-Magkasama naman tayo palagi.”

Bumaba ang kan'yang tingin sa bandang dibdib ko, pinamulahan ako nang napagtanto ang ibig n'yang ipahiwatig.

“C-Can I suck this?” Hinawakan n'ya ang ribbon ko uniform pinapahiwatig na gusto n'yang alisin iyon. “I just miss you so much, I think I'm thirsty, I need m-milk.”



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro