
CHAPTER 19
SENKA JONES
“Nag-usap na ba kayo ng boyfriend mo?” tanong ni Delmara, nakalingkis ang kan'yang braso sa 'kin habang naglalakad kami sa college building.
“Hindi,” matamlay kong tugon.
Simula no'ng pumunta ako sa condo ni Olli hindi ko s'ya gano'n kinakausap. Alam kong nararamdaman n'ya ang pagiging mailap ko minsan sa kan'ya at ako ang nagsimula sa problemang ito.
Ilang araw kong iniisip kung tama ba ang ginagawa ko? Tama 'bang tratuhin s'yang parang wala lang? Bigla akong nakonsensya ro'n at gusto ko na s'yang makausap pero paano? Kinakabahan ako sa aking gagawin.
Hindi ko alam kung paano mag-wo-work out ang aming relasyon, bago lang ito sa akin. Noon naman laro lang lahat sa akin pero iba ngayon, hindi ito basta laro.
“Hindi kayo magkakaayos n'yan, Senka kung hindi ka gagawa ng hakbang,” aniya. “Ikaw ang may kasalanan kaya dapat ikaw ang mag-first move. Say sorry to him at pag-usapan n'yo ang misunderstanding n'yo.”
Napabuga ako ng hininga. “I'll try at saka... Hindi ko alam kung saan ang room n'ya.”
Hinahatid-sundo pa rin ako ni Olli kahit bilang sa daliri lang ako sumagot sa kan'yang mga tanong. S'ya 'yong gumagawa ng paraan para magkausap at magkaayos kami habang ako wala man lang planong kausapin s'ya.
“Anong department s'ya?” tanong ulit ni Delmara, tumigil kami saglit sa paglalakad.
“IT department siguro.”
“Alam ko kong saan iyon,” masigla n'yang tugon at hinila ako para dalhin kung saan si Olli.
Malapit lang pala ang building ni Olli sa building ko, akala ko malayo. Nasa second floor kami umakyat ni Delmara at s'ya na mismo ang humihila sa akin.
“Malapit na ba?” Kumakabog ang dibdib ko na tila ramdam kong papalapit na ako sa room ni Olli.
“Dito.” Huminto kami sa sinasabi n'yang roon ni Olli.
Nag-aalangan pa ako kung sisilipin ko ba si Olli sa loob o bumalik na sa building ko. Kaso nandito na ako, gusto kong malaman ang kan'yang ginagawa ngayon.
Dumukwang kaming dalawa ni Delmara sa sliding door na glass. Hinanap ko s'ya sa loob at agad ko naman s'yang nakita, nasa dulo s'ya habang may kausap ito.
Ramdam kong nanigas si Delmara sa 'king taba kaya binalingan ko s'ya. Hindi maipinta ang kan'yang mukha habang nakatitig sa kinaroroonan ni Olli.
“Bakit?”
Umiling s'ya. “Wala naman.” Tumikhim s'ya at umalis sa tabi ng pinto.
Hindi ko na s'ya inabala pa at sumilip ulit. Kaibigan siguro ni Olli 'to. Pamilyar sa akin ito, kilalang matalino rin at nerd sa buong campus, 'yon ang sabi nila.
'Di ko namalayang may nakatingin na pala sa akin, mukhang nagulat pa ang ka-blockmate ni Olli nang makita ako rito.
Tumayo s'ya at nilapitan ako. “May hinahanap ka ba, Miss?” tanong ng lalaki nang buksan n'ya ang sliding door.
Umatras ako ng isang hakbang. “Si Ollivander po, Kuya,” malumanay kong tugon, binalingan ko ang pwesto kanina ni Olli.
Gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nakatingin pala s'ya sa 'kin, mukhang hindi n'ya inaasahang tumungo ako rito.
“Ah, 'yong naka mask?” bahid sa kanyang boses na nanunuya. “Anong kailangan mo sa kan'ya, Miss?”
“Senka.” Sumalubong kaagad sa aking harapan si Olli, hindi ko namalayang nakalapit na pala s'ya.
Hindi ko sinagot ang lalaki at napatitig na lang kay Olli. Nang aking tignan ang kan'yang mga mata, nakikita ko ang pagod at kinang. Parang kinurot naman ang puso ko dahil do'n.
“H-Hindi pa uwian, uwian n'yo na ba?” tanong ni Olli ngunit hindi ko magawang sumagot dahil sumingit ang lalaking ito.
“Friend mo, Ollivander?" Umakbay ang lalaki kay Olli. “Pakilala mo naman ako, oh. Ilakad mo naman ako sa kan'ya.”
Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Alam n'yang nasa harapan ako tapos sasabihin pa n'ya ito mismo sa boyfriend ko.
Mas nangangamba ako sa klaseng titig ni Olli sa lalaki. Hindi ko alam ang pinaplano ni Olli pero pakiramdam ko hindi iyon maganda. Madali pa namang magselos 'to.
“Hindi p'wede, akin s'ya,” madiing sambit ni Olli, binaklas n'ya ang kamay ng lalaki na nakaabay sa kan'ya.
Nanlaki ang mata ng lalaki at mukhang ayaw pa n'yang maniwala. Ngunit natahimik s'ya nang makita hinawakan ako sa kamay ni Olli bago hinila papaalis do'n.
Napalinga ako sa paligid at hindi nakita si Delmara, iniwan ba naman ako.
“H'wag mo s'yang tignan,” inis na anas ni Olli nang huminto kami sa hagdanan ng kanilang building.
Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. Napakurap ako ng dalawang beses habang nakatitig sa kan'yang mga mata na may bahid na galit. Malapit nang sumalubong ang kan'yang kilay.
Yumuko ako. “Hindi naman, eh.” Napabusangot ako, napatingin ako sa kamay naming magkahawak.
Rinig kong bumuntong s'ya ng hininga hanggang sa inangat n'ya ang baba ko para harapin s'ya.
“B-Bati na ba tayo, darling? Ano ba kasi ang problema natin? Sabihin mo naman, oh. Ayaw kong tumagal na ganito pa rin tayo.” Hinila n'ya ako sa gilid ng pader kung saan walang makakita sa amin.
Napalunok ako nang maramdaman ang kakaiba sa kan'yang mga mata. Para na naman akong hinihigop.
“Limang araw mo na akong 'di kinakausap ng maayos. P-Pakiramdam ko ayaw mo na sa akin.” Bigla n'ya akong niyakap sa beywang at sumubsob sa 'king leeg. “Miss na kita kahit kasama kita palagi. Miss ko na 'yong mga halik at taray mo sa akin.”
Napakagat ako sa sariling labi at pinigilan ang kumukurba kong labi.
Humiwalay s'ya ng bahagya at hinawakan ang pisngi ko. “Mahal mo pa rin ako 'di ba?” desperado n'yang tanong na para 'bang mamamatay s'ya kung hindi ko masagot.
Tumango naman ako. “Oo naman, naiinis lang ako sa 'yo.” Yumakap ako sa kan'ya, mas lalong humigpit ang kan'yang yakap sa akin.
“I love you. Sabihin mo sa akin kung anong kinaiinisan mo sa akin. Gagawin ko ang sasabihin mo.” Hinalikan n'ya ang noo ko.
Saglit akong tumahimik. “Punta tayo sa condo mo mamaya.” Tumingala ako sa kan'ya.
Sumingkit ang kan'yang mga mata, tila maayos na ang kan'yang lagay ngayon sa nakikita ko.
Hinaplos n'ya ang buhok ko gaya ng kasanayan n'ya. “Whatever you want, but I won't allow you to break up with me.”
~•~•~•~
“Nasa'n na mga gadgets mo?” tanong ko kay Olli.
Masyadong malinis 'yong condo n'ya ngayon, wala na 'yong laptop na inagaw n'ya sa akin. Ayaw ko muna isipin iyon at naiinis lang ako.
Inayos n'ya ang kan'yang mask bago ako nilingon. “Nasa kwarto ko, pinalinis ko kasi kaagad nang sabihin 'mong pupunta tayo rito.”
Kinuha n'ya ang aking bag at nilapag sa sofa. Nilibot ko ulit ang paningin sa bawat sulok ng kan'yang bahay. Wala man lang picture n'ya o kan'yang mga magulang.
May mga frame naman pero mga building at high-tech place lang 'yong nasa picture. Mahilig siguro s'ya sa mga ganitong bagay.
Akmang ilalapag ko sana ang frame na nakataob nang bigla akong pigilan ni Olli na nasa likuran ko lang pala. Ang bilis naman n'ya.
Tinaasan ko s'ya ng kilay. “Ayan ka na naman, Olli, eh.” Hinigpitan ko ang hawak sa frame nang akmang kukunin n'ya ito.
“Darling naman, eh.” Nakayuko s'ya at 'di ko makita kung kinakabahan ba ito sa maaari kong makita o ano.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa naisip kong dahilan n'ya. Mabilis kong kinuha sa kan'ya ito at tinignan kung ano ang nasa picture.
Napabuka ng konti ang bibig ko nang makita ang larawan ko no'ng first year highschool pa lang ako. Nasa ID picture ko ito ngunit paano n'ya nakuha ang larawang ito?
Akala ko may tinatago s'yang hindi ko magugustuhan ngunit lumambot ang puso ko sa nakita. Wala s'yang ibang picture na dini-display rito kundi 'yong mukha ko lang.
“I-Ibig sabihin kilala mo talaga ako rito?” tanong ko kahit halata namang tama ang hinala ko.
Napakamot s'ya sa batok at kinuha ito mula sa akin. Kita kong namumula ang leeg at taenga n'ya. Napabungisngis tuloy ako.
“N-Not funny, Senka.” Umiwas s'ya ng tingin at patalikod na nilapag ang picture ko sa cabinet.
“Sagutin mo muna ako.” Pinaseryoso ko ang aking ekpresyon, palagi na lang n'ya iniiwasan ang mga ganitong usapan.
“Kilala na kita no'ng elementary ka pa lang,” mabilis n'yang sagot, bumuntong hininga s'ya. “Nakilala kita sa business party, hindi ko masyado matandaan kung anong mero'n no'ng araw na iyon, but all I remember was you.”
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko sa mga nalaman.
“You mean... Almost five years longer mo na akong gusto?” Rinig ko ang sumisigaw ng aking puso, nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan sa isipang matagal na n'ya akong gusto at ang bata ko pa masyado no'n.
“Eight years,” pagtatama n'ya. “Sa bawat araw na lumilipas, mas lalong dumagdag ang pagmamahal ko sa 'yo.”
“You're obsessed,” mahina kong ani.
Mas lalong pinamulahan ang kan'yang taenga at ilang saglit ay niyakap n'ya ako na tila ayaw n'yang mawala ako sa kan'ya.
“Hindi lang iyon, mas lamang 'yong pagmamahal ko sa 'yo. Kita mo naman na hindi kita basta-basta malapitan dahil sa mukha ko, kaya gano'n na lang ang sabik ko sa 'yo palagi.”
Sandali akong 'di nakapagsalita. Medyo nailang lang ako sa nalaman at natakot. Natatakot ako na baka maging malala ang pagiging obsessed n'ya sa akin. Ngayon lang ako naka-encounter nito at mismo boyfriend ko pa ang obsessed sa akin!
I was like floating in the deep water. Pakiramdam ko sobrang mahal na mahal n'ya ako na totoo naman. Tila ako 'yong pinakamaganda sa kan'yang paningin na umabot sa puntong sobrang possessive n'ya sa akin, na baka maagaw ako ng ibang lalaki.
Binaon ko ang mukha sa kan'yang dibdib at halos kasing pula ng kamatis ang pisngi ko. Kinikilig ako na ewan. He's the only one who can do this weird things to me and I actually like it.
“I love you.”
Wala akong maisip na sasabihin, sapat na siguro ang salitang ito para iparating dito ang tunay kong nararamdaman, na sa kabila ng lahat hindi nagbago ang nararamdaman ko sa kan'ya
Humigpit ang yakap n'ya. “Gusto kong makita mo ang buong pagkatao ko, would you still love me after this?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro