CHAPTER 17
SENKA JONES
Hindi ko nagawang sumagot sa kan'yang tanong nang may kumatok sa pinto. Umiwas ako sa paninitig ni Mama at tumayo para pagbuksan kung sino man iyon.
Hindi ko na inabala 'pang tignan si Papa. Ayaw ko ulit tignan ang mga mata n'ya na tila ba sinasaksak nang paulit-ulit. Ayaw kong nakikitang nasasaktan s'ya sa sinabi ni Mama. May malalim na dahilan kung bakit gano'n na lang ako kailap sa tanong ni Mama.
Binuksan ko ang pinto at napatulala nang makitang naka-formal polo na kulay puti s'ya at nakapantalon na itim. Tila kagagaling n'ya sa kompanya.
“Good morning, darling.” Nilabas n'ya ang rosas na nakatago pala sa kan'yang likuran, nilahad n'ya ito sa 'kin. “Bulaklak para sa 'yo.” Sumingkit ang kan'yang mga mata animo'y nakangiti s'ya.
Wala s'yang jacket o hoodie na dala kaya malayang nakikita ko ang kan'yang buhok na medyo mahaba. Nagustuhan ko talaga ang puting buhok n'ya sa gilid ng taenga, 'yon ang una kong napansin.
“Sino 'yan, anak?” malakas na tanong ni Papa dahil nasa kusina s'ya.
“W-Wait lang, Pa!” balik kong sigaw at binalingan ulit si Olli.
Napatitig s'ya sa 'kin. Hindi n'ya inaasahang nandito ang mga magulang ko, ramdam ko ang pagkabalisa n'ya.
“Nandito pala sila?” taka n'yang tanong, napalunok s'ya.
Kinuha ko na ang rosas sa kan'yang kamay at hinablot s'ya para tuluyan s'yang makapasok.
“Nabigla rin ako, eh,” komento ko. “Ipakikilala kita sa kanila, nasabi ko na sa kanila na boyfriend kita.”
Humigpit ang hawak n'ya sa 'king kamay at marahang hinila papalapit sa kan'ya para yakapin ako.
“Salamat, masaya ako na ipakikilala mo ako sa kanila.” Humiwalay s'ya at s'ya na mismo ang humila sa 'kin para puntahan ang mga magulang ko.
Napansin kami nina Papa at Mama kaya naman napatayo sila sa pagkakaupo. Kita kong umiwas saglit si Papa, may kung anong pinahid sa mukha at nakangiting sinalubong kami ni Olli.
“Ikaw ba'y si Ollivander? Boyfriend ni Senka namin?” Naglahad ito ng kamay sa harapan ni Olli.
Aligang tinanggap iyon ni Olli at bahagyang tumango. “O-Opo, ikinagagalak ko po kayong makita.” Kinuha ulit ni Olli ang kamay ko at nanlalamig na humigpit nang kapit sa 'kin.
Ngiti ang sinukli ko kay Papa at Mama nang makitang masaya silang makita si Olli. Hindi ko alam kung kailan ko pa palalabasin ang tawa ko na pinipigilan. Halatang kinakabahan si Olli, tudo dikit ba naman sa 'kin animo'y hihiwalayin kami kung lalayo s'ya.
Naupo kaming apat, katabi ko si Olli habang nasa harapan namin si Mama at Papa.
“Ilang linggo na kayo ng anak ko, hijo?” tanong ni Mama, buong atensiyon n'ya'y kay Olli.
Pinisil ni Olli ang kamay ko at gano'n din ang ginawa ko.
“Mag-iisang buwan na po,” pilit n'yang pinapatuwid ang salita, nauutal pa naman ito minsan.
Tipid na kumurba ang labi ni Mama. “Hindi ka naman siguro pinilit ng anak ko na maging nobyo, ano?”
Binalingan ko si Olli at natagpuang nakatingin pala ito sa 'kin. Nagpipigil ito ng tawa alam ko ngunit pinigilan lang n'ya dahil kaharap namin si Mama at Papa. At saka binibigyan ko s'ya ng masasamang tingin.
“Hindi po, ako po 'yong may gusto sa kan'ya no'ng una.”
Mas lalong lumapad ang ngiti ni Papa at makahulugang tinapik ang balikat ni Olli. “Usap tayo mamaya, ah? H'wag tumanggi.”
“Pa,” banta ko at sinimangutan s'ya ng tingin.
“Ano?” natatawang tanong ni Papa, kinindatan n'ya si Olli at itong lalaking katabi ko naman ay tumango.
Pinisil ko s'ya sa kamay, napatingin s'ya sa 'kin. “Akala ko ba hindi ka umiinom?” inis kong tanong.
Hinimas n'ya lang ang buhok, pinapahiwatig na mahal n'ya ako at h'wag na akong mag-alala. Kabisado ko ang mga physical gesture n'ya sa 'kin, palagi ba naman s'yang gan'yan sa 'kin.
Agad silang nagkasundo ni Papa, may mga bagay sila na pinag-uusapan na hindi ko maintindihan ngunit sinawalang bahala ko iyon. Nakangiti si Mama at mukha namang boto s'ya kay Ollivander.
Tumayo ako sa pagkakaupo at saglit ma binitawan muna ang kamay ni Olli. “Kuha muna ako ng juice mo, Olli.”
Tumango s'ya at nagpasalamat bago bumalik ulit sa kuwentuhan nila ni Papa.
Saglit akong umalis para kumuha ng juice n'ya at sa aking pagbalik ay gano'n na lang ang aking pagtataka nang makitang hindi na nakangiti si Mama. Napatulala s'ya at tila may bagay na nagbigay galit o inis sa kan'ya kaya s'ya nagkaganito.
Umupo ako sa tabi ni Olli at nilapag ang juice sa kan'yang harapan. “Anong mero'n?”
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Kita kong napabuga nang marahas na hininga si Papa at sinenyasan si Olli na sumama sa kan'ya.
Agad kong pinigilan si Olli, hindi ko na sila maintindihan. “O-Olli, h'wag.”
Lumapit s'ya sa 'kin at kiniskis ang pisngi sa 'kin. “Sandali lang ako darling. Kailangan ko ring makausap ang Papa mo.”
Sa una hindi pa ako kumbinsido sa kan'yang dahilan ngunit nagmatigas s'ya. Tuluyan na s'yang sumama kay Papa, ro'n sila tumungo sa itaas.
Napatingin ako kay Mama nang bigla s'yang napahilamos sa mukha. Tinignan n'ya ako na tila ba'y malaki ang problema n'ya, parang may hindi s'ya nagustuhan.
Kinabahan tuloy ako nang umayos s'ya ng upo at hinarap ako. Seryoso at may pagkabahal sa kan'yang mukha.
“Alam mo naman na ayaw ko sa mga mayayaman 'di ba, Senka?” matigas n'yang paalala, 'yong kaginhawaan ko'y napalitan ng pangamba para kay Olli.
“M-Ma...” Napakurap ako nang tumayo s'ya sa pagkakaupo at nilapitan ako. Hindi magtatagal, tutulo na ang luha ko sa halo-halong pakiramdam.
“Ayos na sana s'ya, Senka. Mayaman s'ya at hangga't maaga pa, lumayo ka na sa kan'ya.”
Napatayo ako at umiling-iling sa kan'ya. Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko, tila kinukuha ng hangin ang aking hininga.
“Mahal ko s'ya, Ma!” Pumadyak-padyak ako sa sahig at tumungo sa sala.
Iiwasan ko ma sana ang tungkol dito at baka kung saan umabot ngunit agad akong pinigilan ni Mama. Pinaharap n'ya ako sa kan'ya.
“Bata ka pa naman, Senka puppy lov—”
Marahas na umiling ako. “Hindi 'to puppy love, Ma! Alam mo kung seryoso ako sa relasyon o hindi!” Napahikbi ako.
Nanggigigil na niyugyog ni Mama ang balikat ko na tila ginigising sa sumpa.
“Kilala mo ba talaga ang lalaking iyon, huh?! Mayama—”
“Paulit-ulit na lang, Ma! Oo, mayaman s'ya pero hindi n'ya magagawang wasakin ang pagkatao ko kung sakaling magsama kami!”
Naiintindihan kong ayaw n'ya sa mayaman dahil minsan na rin kami na manipula. Iba naman si Ollivander sa mayamang sinasabi n'yang makasisira sa amin!
Tila nanggigigil na s'ya sa 'kin. Gusto n'ya akong sabunutan ngunit hindi n'ya magawa. Nasapok n'ya ang kan'yang mukha.
“H-Hindi mo ako naiintindihan,” nahihirapan n'yang sambit.
Napatango ako, tuloy-tuloy ang ragasa ng mga luha ko sa pisngi. “Naintindihan ko, Ma. Takot ka po na baka mangyari sa akin ang nangyari sa 'yo noon. Pero kasi, Ma, kilala ko si Olli.” Napaupo ako sa sofa nang maramdamang nanghihina ako. “Iba s'ya sa lahat.”
Marahas na suminghap ng hininga si Mama at napatingala para pigilan ang luhang tumutulo sa kan'yang mga mata.
“Iba s'ya sa lahat, tama ka, Senka.” Lumapit s'ya sa 'kin at seryoso akong tinignan. “Alam mo ba kung anong klaseng lalaki s'ya? Kilala mo na ba s'ya ng lubusan? Hindi, isang buwan pa lang kayo kaya may ibang bagay pa s'yang tinatago sa 'yo.”
Tila tinamaan ako ng pana nang marinig iyon mula sa kan'ya. Kilala ko ang labas na anyo ni Olli ngunit 'yong tinatago n'yang anyo, hindi ko pa kilala. Natakot din ako na baka tama si Mama ngunit kinukumbinsi ko na iba si Olli kahit isa s'yang mayaman.
“Ang mga mayayaman, anak gagawin ang lahat para makuha ang gusto nila,”matigas n'yang anas. “Hindi sila nakukuntento sa isa. May pera sila at kaya nilang gawin ang lahat para sa kanilang gustong makuha.”
Natulala ako at hindi makapagsalita. Iniisip ko kung mangyayari ba iyon sa akin, kakayanin ko ba?
Tumayo si Mama ng matuwid. “Kapag nagsawa sila sa isang bagay, itatabi lang nila ito at kukuha ng panibago. Magiging basura ka sa kan'yang piling anak, mangyayari iyon dahil mayaman s'ya.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro