Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13


SENKA JONES



“Who's that guy, Senka? Hindi mo man lang ako binalitaan na may boyfriend ka na!” may bahid na inis at kilig sa kan'yang boses

Natatawa ko s'yang tinignan at sinalpak ang buong mamon sa kan'yang bunganga na kanina pa walang tigil sa katitili.

“Busy ako at palagi kasi kaming magkasama kaya gano'n,” ngiti kong dahilan.

Ninguya n'ya ang mamon na nakasalpak sa kan'yang bibig.

“Hmp!” Pinagkrus n'ya ang braso sa harapan ng kan'yang dibdib.“Kaya naman pala hindi ka minsan sumasabay sa kotse ko.”

Hinawakan ko ang kan'yang kamay sa lamesa. “Sorry, okay? Balak ko naman talagang sabihin sa 'yo ito. At saka kasasagot ko pa lang sa kan'ya kahapon.”

Tudo s'ya tanong sa 'kin at agad ko namang sinasagot. Sobrang gaan sa dibdib ko na sabihin ang lahat ng saloobin ko. Swerte pa rin ako na may kaibigan ako na handang makinig sa 'kin.

Hindi ko naman kasi basta-basta maikwento sa mga kaklase kong lalaki. Malay ko 'bang maka-relate 'yon sa love life ko!

“So, nakita mo na ba ang stalker mo?” tanong ko sa kan'ya pabalik.

Ininom muna n'ya ang kan'yang juice bago ako tinignan. “Kanina, nakaabang sa library, mismo sa pwesto ko pa. Alam n'ya talaga kung saan ako sa nga oras na ito.” Sunod naman n'yang kinain ang spaghetti.

Hindi tumataba si Delmara at iyon ang maganda sa kan'ya. Mahilig s'yang kumain, kulang na lang kainin pati 'yong akin.

“Una na ako, Del.” Tinignan ko ang orasan sa 'king cellphone bago tumayo. “May klase ako ngayong oras. Ayos ka lang na rito?”

Mabilis s'yang tumango at nag-okay sign sa 'kin habang nilalagok ang ice tea n'ya. Napailing na lang ako.

Nag-text sa 'kin si Olli kung nasa'n ako. Sinabi ko naman na kagagaling ko lang ng canteen. Ito naman s'ya na seloso, tinanong n'ya ako kung sino ang kasama ko. Biniro ko tuloy na nag-uusap kami ngayon ni Andrei.

Hindi s'ya nag-reply. Hindi ko mapigilan ang mahina kong bungisngis habang nakatutok pa rin ang tingin sa cellphone, naglalakad ako sa gilid ng hallway.

“Senka.”

Nakangiti pa rin ako nang inangat ko ang aking tingin sa taong nagsalita. Gano'n na lang ang pagkawala ng ngiti ko nang makita si Andrei, nag-iisa lang s'ya.

Sumalubong ang kilay ko at nilagpasan s'ya. Hindi ko na sana s'ya papansinin dahil hindi naman kami close nang pigilan n'ya ako, nahawakan n'ya ang braso ko.

Marahas na nilihis ko ang kamay sa kan'ya at hinarap s'ya. “Anong problema mo? As much as possible ayaw kong gumawa ng gulo, okay?” madiin kong sambit.

May mga tao pa namang nakatingin sa amin. Mukhang wala naman silang nakikitang kakaiba sa amin. Nakahinga ako dahil do'n at inis na tinignan ang lalaking kaharap ko ngayon.

Dilaan n'ya ang ibabang labi n'ya. “Gusto ko lang makipagkaibigan sa 'yo,” mahinahon n'yang paliwanag. “I don't want you to get mad at m—”

“Ayaw kong makipagkaibigan sa 'yo,” bara ko sa kan'ya. “Ayaw mo akong magalit 'di ba? Then, h'wag mo akong kausapin. You insulted my boyfriend yesterday night.”

Hindi ko makakalimutan ang kan'yang ginawa n'yang pagsira kay Ollivander. Naikwento sa 'kin ni Olli na naging kaibigan n'ya ito, close friend daw. Ngunit hindi iyon ang aking nakikita, it was like may kailangan lang talaga ang mga grupo ni James kasama ang lalaking ito kay Olli kaya sila nakikipagkaibigan.

Tila magsasalita na sana s'ya nang mapatingin s'ya mula sa 'king likuran. Biglang sumalubong ang kan'yang kilay sa 'di malamang dahilan.

Napasinghap ako nang maramdaman ang brasong yumakap sa maliit kong beywang. Kahit hindi ko lingunin ay kilala ko na ang bawat kilos at presensya n'ya.

“Bakit mo s'ya kausap?” tanong ni Olli sa 'kin, hindi inaalis ang tingin kay Andrei.

Gusto ko tuloy mapakamot sa noo. Mali ang iniisip ni Olli sa ti-next ko sa kan'ya. Hindi ko naman kasi inaasahang makakasalubong ko rito si Andrei at hindi ko naman ito ginusto!

“Ollivander,” madiing tawag ni Andrei sa pangalan ni Olli, tila nag-uusap sila sa pamamagitan ng titig.

Hindi ko sila maintindihan ngunit batid ko naman na may namumuong tensyon sa pagitan namin.

“May klase pa ako, Olli.” Niyakap ko sa beywang si Olli at hinila ito, nagpahila naman s'ya gaya ng kagawian.

Nang malampasan namin si Andrei at malayo na ang pagitan sa kan'ya ay tiningala ko si Olli. Natagpuan kong hindi maganda ang timpla ng kan'yang mukha ngayon.

Hinamplos ko ang tiyan n'ya, medyo nanginig pa ang kamay kong nang mahawakan ang bukol sa loob ng kan'yang uniform. Tila konektado rin ang kuryenteng nararamdaman namin, agad kong inalis ang kamay sa kan'yang tiyan.

“Joke ko lang 'yong text kanina,” paliwanag ko kahit hindi naman kailangan, feel ko lang talagang magsabi ng totoo.

Hindi s'ya nagsalita ngunit ilang segundo lang ay niyakap n'ya ako nang mahigpit nang malapit na ako sa room ko. Napatigil tuloy kami sa paglalakad.

“Alam ko pero hindi ko lang maiwasang mangamba.” Humiwalay s'ya sa yakap at hinaplos nang paulit-ulit ang buhok ko. “Sobrang ganda mo at sa sobrang ganda mo baka humanap ka ng lalaking may itsura.”

“Olli...” Wala naman akong pakialam sa mukha, eh. Gusto ko iyon sabihin ngunit natulala ako sa mata n'yang nakakalunod.

Hindi ko makita ang kan'yang reaksiyon. Nilapat n'ya ang kan'yang mukha sa 'kin at naramdaman ko ang mainit na hininga na nagmumula sa kan'yang mask bago n'ya tuluyang nilapat ang kan'ya sa 'king labi.

Ganito yong set up namin kung maghahalik kami, tila nakahalik na rin ako sa kan'ya kahit may mask na pumapagitna. Kung sa madilim kaming parte, ro'n n'ya lang huhubarin ang kan'yang mask bago ko pa malasahan ang kan'yang labi.

Humiwalay s'ya sa halik at kiniskis ang pisngi sa 'kin. “Aral ka nang mabuti, darling. Maghihintay ako ng apat na taon.”

Nagtaka pa ako kung anong ibig n'yang sabihin ngunit naputol lamang ang pag-iisip ko nang humiwalay na s'ya sa 'kin. Kumaway s'ya sa 'kin hanggang sa umalis na s'ya at hindi ko na nakita ang kan'yang presensya.

“Hoy!”

“Ayy!” gulat kong sigaw nang may biglang humawak sa 'king balikat. Muntik ko nga lang masiko ngunit kaagad kong napigilan nang makita si Xian.

“Ano 'yon, ah?” Naglalaro ang ngisi sa kan'yang mga labi.

Hinampas ko s'ya sa braso na ikinatawa lamang n'ya. “Muntik kitang masaktan dahil sa paggulat mo!” inis kong sermon dito.

Inakbayan n'ya ako at ginaya papasok sa classroom. Nakaabang na pala ang ilang kaklase ko at mukhang alam ko kung bakit ganito sila umasta.

“Sino ang lalaking iyon, Senka? H'wag 'mong i-deny!” sermon ni Joey na nangunguna sa pag-imbestiga.

Hindi ko kayang makipag-eye to eye sa kanila, napakamot ako sa pisngi.

“Uhm, saan ba ako magsisimula.” Hindi ko alam kung ano ang ikukuwento ko sa kanila. Handa na ba akong ipagsabi rito na boyfriend ko na si Olli? Pero wala na itong atrasan.

“Sabihin mo lang kung boyfriend mo iyon o fling lang.”

Agad binatukan ni Xian ang kaklase namin lalaki dahil sa sinabi nito.

“Gag*! Hindi na pumapatol si Senka sa tabi-tabi, okay?” Tumingin s'ya sa 'kin. “Boyfriend mo o manliligaw pa lang?”

Huminga ako nang malalim. “Boyfriend ko,” sagot ko at umupo sa sarili kong upuan.

Agad silang lumapit pa lalo sa 'kin na ikinareklamo ko. Hindi sila nakinig at dinumog na ako ng tanong.

Ayan tuloy naikwento ko na sa kanila ang nangyari pero hindi iyong masyadong private. Mukhang suportado naman sila sa relasyon ko kay Olli.

“Kilala ko pala 'yang boyfriend mo," biglang sabat ni Joey, bahagyang hinihimas n'ya ang kan'yang baba na tila nag-iisip. “Mayaman 'yan, eh. Minsan ko na rin kasing nakita ang kan'yang kapatid na si Radioro, 'yong may peklat sa likuran. Racer 'yon.”

“Si Radioro Sims ba?” tanong ng kaklase naming lalaki na may lahing chinese. “Naku! Delikadong tao kaya 'yan! Nakakatakot!”

“Ikaw lang takot, oy!” Binatukan s'ya ni Joey at muli silang nagtawanan, hindi tuloy ako makasabay sa kinukwento nila.

“Kilala mo ba talaga si Ollivander?” tanong ko kay Joey.

Tumigil naman ito sa paghalakhak. “Oo naman, kasasabi ko lang na mayaman s'ya. May sinasalihan itong organization na hindi ko alam, masyadong pribado kasi.”

Tila parang may nabuhay sa kaloob-looban ko. “Ibig mo 'bang sabihin, nakita mo na ang mukha n'ya? P'wede mo 'bang sabihin sa 'kin kung anong itsura n'ya?” sunod-sunod kong tanong.

Natahimik silang lahat matapos ko iyong sabihin. Nagtaka naman ako sa kanilang inasta.

Nagkatinginan si Joey at Xian. Napakamot si Joey sa kan'yang batok bago binalingan nang alanganing tingin.

“Seryoso ka, Sen? Boyfriend mo tapos 'di mo nakita ang mukha n'ya?” tanong n'ya tila hindi maintindihan ang sitwasyon namin ni Olli.

Tumango ako nang dahan-dahan. “Nakapa ko lang ang mukha n'ya, eh.”

Bakit kasi hindi ko kaagad nakilala si Ollivander? Edi sana nakita ko kaagad ang mukha n'ya bago s'ya nagsuot ng mask.

Umiling si Joey sa 'kin na ikinabagsak ng balikat ko. “Kahit kami hindi namin nakita, Sen. Gan'yan na talaga s'ya no'ng una n'yang tapak dito sa university natin.” Tinapik n'ya ang ulo ko. “Nasanay na rin ang mga nakakakita sa kan'ya kaya hindi na rin napagtuunan ng pansin kung ano ang naging dahilan.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro